Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

ALAMAT NG ALAMAT

Noong unang panahon sa


bulubunduking lugar sa isang
malayong bayan sa lalawigan ng
Bohol ay may naninirahang isang
lalaking balo na ubod ng yaman.
Siya ay nakatira sa isang malapalasyong bahay
na nakatayo sa isang mataas na lugar. Sa
paanan ng kanyang kinatitirikang bahay ay
makikita ang maliliit na kabahayan kung saan
nakatira ang mga naghihikahos na tao.
Gustong-gusto niyang pinagmamasdan
ang mga ito araw-araw dahil lalong
lumulutang ang kanyang pagiging
mayaman.
Ang ugaling ito ng ama ang
nakapagpapalungkot sa kanyang kaisa-
isang anak na si Silena. Ibang-iba sa
kanyang ama si Silena. Bagama’t mayaman
ay may mabuting puso maging sa mahirap.
Kaya hindi kataka-takang nang umibig ay
tumibok ang kanyang puso sa binatang si
Lando na isang masipag, makisig, matalino,
at mabuting binatang tanging ang
kapintasan ay ang pagiging mahirap.
Ikinagalit ito nang husto ng kanyang
amang naging dahilan ng pagtakwil sa
sariling anak. Lumipas ang maraming
buwan ay walang naging balita ang ama
sa anak.
Hanggang isang araw ay may isang napakalakas
na bagyong di inaaasahang dumating sa
kanilang lugar. Tumagal ito nang ilang
araw kaya’t tumaas ang tubig sa ilog at
nagkaroon ng malaking baha.
Ang mga tao sa ibaba ng bundok,
kasama si Selina, ay pumunta sa
bahay ng kanyang ama upang humingi
ng tulong at matutuluyan.
Subalit hindi sila pinapasok ng ama na
naging dahilan ng pagkamatay ng lahat
ng tao sa paanan ng bundok, kasama si
Selina.
Huli na nang malaman ng matanda ang kanyang
pagkakamali. Siya na lamang ang nakatirang tao na
buhay sa lugar na iyon. Tinangka niyang
magpakamatay sa pamamagitan ng pagtatarak ng
kutsilyo sa kanyang dibdib ngunit laking gulat niya
nang hindi ito tumalab sa kanya.

You might also like