Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

MGA BALAKID SA

PAG-UNLAD
1. PAGLAKI NG
POPULASYON AT
MALAWAKANG
KAHIRAPAN
Kaakibat ng suliranin ng mabilis
na paglaki ng populasyon ay ang
kakulangan sa serbisyong
pangkalusugan, kawalan ng
sapat na pabahay, pagkasira ng
kalikasan,pagkaubos ng likas na
yaman, at paglaganap ng
kriminalidad.
2. MGA KALAMIDAD
NA LIKAS AT LIKHA NG
TAO
Likas na kalamidad:
-Bagyo
-Lindol
-Pagbaha
-Pag-ulan
-Pagputok ng bulkan
-Pagguho ng lupa
-Pagkalat ng epidemya
-Pagsulpot ng mga peste
-buhawi
Likha ng tao:
-Sunog
-Red-tide
-Fish kill
-Armadong tunggalian
Ang mga kalamidad na ito ay
nagpapalubha sa kahirapang
nararanasan ng malaking bahagdan
ng populasyon.
3. Pagkasira ng kalikasan
Mga dahilan ng pagkasira ng
kalikasan
1. Pagtotroso
2. Pagkakaingin
3. Oil spill
4. pagmimina
5. Walang tigil na paggamit ng langis
6. Paggamit ng dinamita at kuryente
sa pangingisda
7. Paglaki ng populasyon
8. Di wastong pagtapon ng mga
basura
9. Ilegal na panghuhuli, pagpatay at
pagbenta sa mga hayop sa
kagubatan
10. Ilegal na pangunguha ng mga
korales sa karagatan
4. KATIWALIAN SA
PAMAHALAAN

Ang mga katiwalian sa


pamahalaan ay ugat ng
kahirapan sa bansa.
Uri ng katiwalian sa pamahalaan
Panunuhol ( bribery) – pagtanggap ng anumang
bagay kapalit ng di pagsusumbong sa isang
illegal na gawain
Pangingikil (extortion) – paghingi ng anumang
bagay bago gawin ang isang proyekto o
transaksiyon
Nepotismo – pagbibigay ng higit na pabor sa mga
kamag-anak o kaibigan
Paglustay – paggamit ng personal sa pera o
pondo para sa mamamayan
Kickbacks – pagpapasobra sa aktuwal na halaga
ng isang proyekto.
5. SULIRANIN SA DROGA
Ang paggamit ng ipinagbabawal na
gamut ay hindi kalian man
nagdudulot ng kabutihan sa isang
tao.sinisira nito ang pag-iisip ng isang
tao at humahantong sa mas malaki
pang mga problema tulad na lamang
ng paggawa ng krimen.
6. PAGLAGANAP NG KRIMEN,
BANTA NG TERORISMO, AT
ARMADONG PAKIKIBAKA
Ang pagtaas sa antas ng kriminalidad
sa lipunan ay lubhang
nakababagabag sa kalooban ng
lahat at nakapagpapabagal sa
kaunlaran ng bansa.
Ang banta ng terorismo ay walang
pinipiling lugar kung kaya nararapat
ang pagtutulungan ng bawat sangay
ng pamahalaan at ng mamamayan
upang mapigilan ang lumalalang
suliraning ito.
Hadlang din sa kaunlaran ng bansa
ang mga nagaganap na labanan sa
iba’t ibang panig ng Pilipinas.
7. PAGSULPOT NG MGA
BAGONG KARAMDAMAN
Isa pang suliraning kinkaharap ng
Pilipinas ay ang pagsulpot ng mga
bagong karamdaman sa lipunan tulad
ng (SARS) o Severe Acute Respiratory
Syndrome, Avian Influenza, Ebola,
Meningococcemia, at Influenza A
( H1N1)
Ang Avian Influenza – ay isang
nakakahawang sakit na dumadapo sa
mga ibon at maari ding makaapekto
sa mga tao.
SARS – isang uri ng karamdaman na
nagdudulot ng mataas na laganat,
ubo at hirap na paghinga at iba pang
kaakibat na sintomas. Ito ay nagmula
sa isang lalawigan sa China.
Ang Ebola – na karaniwan
lamang sa Africa ay isang
karamdamang dumadapo sa
mga tao at unggoy na
nagdudulot ng mataas na
lagnat at matinding
pagdurugo sa loob ng
katawan.
Ang Meningococcemia – ay
tutukoy sa pagkakaroon ng
bacteria na meningococcus
sa daluyan ng dugo na
karaniwang dumadapo sa
mga bata at maaring
magdulot ng kamatayan sa
loob lamang ng ilang oras.
Ang influenza A (H1N1)– ito ay
nagmula sa Mexico. Tinatawag
din itong swine flu, ang sintomas
ng sakit na ito ay katulad din ng
sa ibang uri ng influenza.
Nariyan ang lagnat, ubo, sakit
ng ulo, sakit ng kalamnan, sakit
sa lalamunan, sipon, pagod, at
panginginig ng katawan.
PANGKATANG
GAWAIN
Sa pamamagitan ng mga sumusunod
na gawain tukuyin at ilarawan ang
mga pangyayari na hadlang sa pag-
unlad ng ating bansa.
pangkat I – pag-uulat
pangkat II – awit
pangkat III – graphic organizer
pangkat IV - tula
Iguhit sa patlang ang masayang
mukha kung ang pahayag ay
hindi hadlang sa pag-unlad at
malungkot na mukha naman kung
hadlang sa pag-unlad.
___1. pagsulpot ng iba’t ibang uri
ng karamdaman sa bansa.
____2. Maraming pumapasok na mga
namumuhunang dayuhan sa bansa.
____3. Laganap ang iba’t ibang uri ng
krimen at karahasan.
____4. mataas ang antas ng mga taong
may hanapbuhay at natutugunan ang
pangangailangan.
____5. mabilis na pagtaas ng bilang ng
populasyon ng bansa

You might also like