Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Mga Pahayag na

nagbibigay ng Patunay

Patunay= Katibayan
(UP Diksyonaryong Filipino)
Ang mga salita at pahayag na
nagbibigay ng patunay ay
nagsasaad ng katiyakan sa
ipinahahayag. Masusuri ang
mga pahayag, kaisipan, at
argumento sa pamamagitan
ng pagbibigay-patunay.
Upang maging mabisa at
katanggap-tanggap sa
mambabasa o tagapakinig ang
inilalahad na argumento,
mahalagang may ebidensya,
batayan, o datos na susuporta
rito.
Pormal na Patunay
• Datos
• Batas o konstitusyon
• Banal na aklat o
kasulatan
• Kasaysayan
Estadistika:
Ito ay ang pagbibigay-
kahulugan sa mga tinipong
datos sa isinagawang pag-
aaral. Tumutukoy ito sa bilang
at numerikong paglalarawan na
nagbibigay-patunay sa isang
pananaliksik.
Sa paggamit ng estadistika,
tiyaking ang mga numero o
bilang na gagamitin ay may
mahalagang kaugnayan sa
kaisipang pinatitibayan o may
tiyak na kahulugang
ipinapakilala.
Halimbawa:
Tunay ngang ang pag-ibig at
propesyon ay maaaring sabay na
mapagtagumpayan. Batay iyan sa
isinagawang pag-aaral ng Social
Weather Stations (SWS) noong
2017 na 84% ng Pilipino ay
masaya sa kanilang relasyon at
hanapbuhay.
Impormal na Patunay
• Hinango sa pahayag
• Mula sa sinabi ng mga
awtoridad
• Karanasan
Paliwanag- ito ay isang paraan ng
pagbibigay-patunay na nagbibigay
kahulugan sa pananalita o bagay.
Layunin nitong magbigay ng
kaalaman o tumugon sa
pangangailangang
pangkarunungan.
Halimbawa:
Talagang dinarayo ng mga turista
ang Mindanao na matatagpuan sa
katimugang bahagi ng Pilipinas
dahil sa magagandang pook-
pasyalan sa lugar.
Paghahambing o Pagtutulad- Ang
buong layunin nito ay maging
malinaw ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng katangian ng mga
bagay o idea.
Nagiging mabisa ang
paghahambing kung magkakaroon
ng matitibay na batayan sa
pagpapahayag ng kahigitan o
kalamangan ng isang bagay sa iba.
Halimbawa: Totoong magaganda
ang pitong anak ng Sultan ngunit
namumukod sa lahat ang bunsong
si Tuan Putli sapagkat lahat ng
makakita sa kanya’y natutulala sa
taglay niyang kagandahan.
Paghahalimbawa- ito ay pag-
iisa-isa ng kabilang sa isang
grupo. Nangangahulugan ito na
iisa ang kinabibilangan nilang
pangkat na may pagkakatulad
ng katangian
Ginagamit ito upang bigyang-
katwiran ang isang paniniwala
o paninindigan. Nahahati ito
sa dalawang uri: ang
halimbawang palagay lamang
at halimbawang hango sa
tunay na pangyayari.
Halimbawa:
Sadyang kahanga-hanga ang
katangiang taglay ng mga
Pilipino tulad ng pagiging
magalang, matulungin at
magiliw.
Ang mga patunay ay
lubhang mahalaga para sa
mga sumusunod:
• Pagdedebate
• Pagbabalita
• Pagsulat ng sanaysay
• Pagtatalumpati
Subukin Natin!
Isulat ang P kung ang
pahayag ay nagbibigay ng
patunay at DP kung hindi
ito nagsasaad ng patunay.
1. Ang mahigit labing-anim na
milyong boto para kay
Pangulong Duterte ay patunay
na nakatawag-pansin sa
maraming mamamayang
Pilipino ang kanyang
pangakong pagbabago.
2. Umaasa ang marami na may
magbabago nga sa kani-
kanilang buhay.
3. Unti-unting nabibigyang-pansin
ang mga personalidad mula sa
Mindanao at bilang patunay rito,
ang tatlong matataas na
personalidad sa pamahalaan
(pangulo, senate president, at
speaker of the house) ay pawang
mga taga-Mindanao.
4. Ang Department of
Agriculture ay maglalaan ng 30
bilyong pisong badyet para
makamit ng bansa ang
pagkakaroon ng sapat na bigas
o pagkain sa loob ng dalawang
taon.
5. Huwag lang sana tayong
salantain ng malalakas na
bagyo.
6. Pinatutunayan ng mga
dokumentaryong ebidensya na
ang Pilipinas ay bansang
pinakalantad sa mga bagyo
dahil sa kinalalagyan nito at sa
mahigit 7 libong islang lantad
sa hangin at ulang dala ng mga
bagyo
7. Katunayan, sa bawat taon ay
may 8 hanggang 9 na bagyo
ang pumapasok sa PAR o
Philippine Area of
Responsibility.
8. Maging handa tayo sa
pagdating ng mapinsalang
bagyo.
9. Pinatunayan ng ginawang pag-
audit sa mga operasyon ng
minahan sa bansa na may ilang
minahang sumisira sa kapaligiran
kaya naman ang apat sa mga
minahang ito ay ipinasara ng DENR
o Department of Environment and
Natural Resources
10. Ang pagkasira ng kapaligiran
dahil sa epekto ng maling
pagmimina ay tinutulan ng ating
Saligang Batas. Katunayan, may
tinatawag na Writ of Kalikasan na
nagsasaad ng ating karapatan para
sa malusog na kapaligiran.
Tamang Sagot:
1. P 6. P
2. DP 7. P
3. P 8. DP
4. P 9. P
5. DP 10. P

You might also like