Pandiwa

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 37

Maghanap ng mga pandiwa mula sa kahon at tukuyin ang aspekto nito.

A K B D N E T F G L

M A G L I L A T H U

C K N A L R T A I M

S A A L I Q A T J A

T K T A P P K A I B

U A U K A O B W K A

V I L A D N O A L N

W N O D U M A A N M

M A G L I L I N I S
Hanay A Hanay B

Ang bata ay Ang silid ay nililinis


naglilinis ng silid ng bata.
Bumili ng bahay si Ang bahay ay binili
Wenzel. ni Wenzel.

Alin ang mga simuno sa hanay A?


Alin naman ang mga simuno sa hanay B?

Sino ang gumanap sa pandiwa sa hanay A? sa hanay B?


TUKUYAN
–(active voice) kung ang
simuno ay siyang
tagaganap ng pandiwa.
(performer)
TUKUYAN: Halimbawa

Naglaro si Richard ng
Pandiwa Simuno
basketball.
Ano ang Simuno?
Sino ang naglaro?
TUKUYAN: Halimbawa

Si nanay ay bumili
Simuno Pandiwa
ng bagong tv.
Ano ang Simuno?
Sino ang bumili?
TUKUYAN
Ano ang Simuno?
Sino ang gumanap sa kilos?
Kapag pareho ang sagot at kapag
ang simuno ang nag “perform”
sa kilos ng pandiwa,
TUKUYAN ang tinig nito.
Bumuo ng pangungusap na may
TUKUYANG PANDIWA (simuno ang
gumaganap sa kilos ng pandiwa)
Bumuo ng pangungusap na may
TUKUYANG PANDIWA (simuno ang
gumaganap sa kilos ng pandiwa)
Bumuo ng pangungusap na may
TUKUYANG PANDIWA (simuno ang
gumaganap sa kilos ng pandiwa)
BALINTIYAK
–(passive) kapag ang
simuno ay hindi
ginagamit bilang
tagaganap ng kilos ng
pandiwa.
BALINTIYAK: Halimbawa

Ang bagong tv ay
Simuno
binili ni nanay
Pandiwa
Ano ang Simuno?
Sino ang bumili?
BALINTIYAK: Halimbawa

Ang basketball ay
Simuno
pinaglaruan ni Richard
Pandiwa
Ano ang Simuno?
Sino ang naglaro?
BALINTIYAK
Ano ang Simuno?
Sino ang gumanap sa kilos?
Kapag ang simuno ay HINDI GUMANAP
sa kilos ng PANDIWA,
ito ay BALINTIYAK.
Bumuo ng pangungusap na may
BALINTIYAK NA PANDIWA (simuno ang
hindi gumaganap sa kilos ng pandiwa)
Bumuo ng pangungusap na may
BALINTIYAK NA PANDIWA (simuno ang
hindi gumaganap sa kilos ng pandiwa)
Bumuo ng pangungusap na may
BALINTIYAK NA PANDIWA (simuno ang
hindi gumaganap sa kilos ng pandiwa)
Pokus ng Pandiwa
• tawag sa relasyon ng pandiwa
sa simuno o paksa ng
pangungusap.

• naipapakita sa mga taglay na


panlapi ng pandiwa
Pokus ng Pandiwa
• Pokus sa Tagaganap o Aktor
• Pokus sa Layon o Gol
• Pokus sa Ganapan o Lokatib
• Pokus sa Tagatanggap o Benepaktib
• Pokus sa Gamit o Instrumental
• Pokus sa Sanhi o Kusatib
Pokus sa Tagaganap o Aktor
• ang paksa ng pangungusap ang
tagaganap (“doer”) ng kilos sa
pangungusap
• -um-, mag-/nag-, mang-, maka-,
makapag-
• panghalip- ako, ang siya

Halimbawa:
Nagtanim si Handiong.
Pokus sa Layon o Gol
• ang layon ay ang paksa o
binibigyang-diin sa pangungusap at
ang gumagawa ng kilos ay nasa
bahagi ng panag-uri.
• -in-, i-, ipa- at -an
Halimbawa:
Itinanim nila ang magagandang uri ng
palay sa bukid.
Pokus sa Ganapan o Lokatib
• ang paksa ay ang lugar o
ganapan ng kilos
• -an, pag-…-an, mapag-…-an,
pang-…an

Halimbawa:
Tinamnan nila ng palay ang bukid.
Pokus sa Tagatanggap o Benepaktib
• ang pinaglalaanan ng kilos
ang siyang simuno o paksa
ng pangungusap
• i-, ipang-, ipag-
Halimbawa:
Binigyan ng magandang ani ang
mga magsasaka.
Pokus sa Gamit o Instrumental
• nagsasaad na ang kasangkapan o
bagay ay ginamit upang maisagawa
ang kilos ng pandiwa na siyang
paksa ng pangungusap
• pinang-, ipinang-
Halimbawa:
Ipinamuhunan niya ang perang
pambaon.
Pokus sa Sanhi o Kusatib
• ang paksa ay nagpapahayag
ng dahilan o sanhi ng kilos
• i-, ika-, ikapang-, ikina-
Halimbawa:
Ikinatuwa ng mga magsasaka ang
pagkakaani sa mga pananim.
Tukuyin ang pandiwa at ang pokus nito.

• Nagliligpit ng mga nakakalat na diyaryo


ang estudyante.
• Diniligan ni Roxanne ang mga halaman
sa bakuran.
• Ikinasaya niya ang malinis na
kapaligiran.
• Dahil sa inis ay sinampal ng dalaga ang
binata.
• Pinagpunasan ng bata ang milat na
salamin.
Tukuyin ang pandiwa at ang pokus nito.

• Inihulog niya ang bato at papel


mula sa ikatlong palapag ng gusali.
• Ipinangwalis niya ng abo ang walis
tambo.
• Ipinaglinis niya ng bahay ang
kanyang nanay.
• Inihampas niya ang patpat sa
kanyang kalaro.
Kailanan ng Pandiwa
1. Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
Halimbawa: Ang guro ay nagtuturo sa mga bata.

2. Maramihan - marami ang simuno at kilos na


isinasaad.
Halimbawa: Nagsisipalakpakan ang mga
nanonood sa programa.
Naipakikilala ang kailanan ng pandiwa sa pamamagitan ng mga
panlapi. Ang mga pangungusap na sumusunod ay gumagamit ng
mga pandiwang nasa kailanang isahan at maramihan.

1. Nagbabasa ng pahayagan si Teofilo.


2. Nagsisibasa (o nangagsisibasa) ng pahayagan
sina Teofilo.
3. Ang bata ay natulog sa silid.
4. Ang mga bata ay nagsitulog (o nangatulog,
nangagsitulog) sa silid.
5. Bumili ng mga alahas ang aking kaibigan.
6. Nagsipagbili o nangagbili, nangagsipagbili ng
mga alahas ang aming mga kaibigan.
Naipakikilala ang kailanan ng pandiwa sa pamamagitan ng mga
panlapi. Ang mga pangungusap na sumusunod ay gumagamit ng
mga pandiwang nasa kailanang isahan at maramihan.

7. Si Dr. Santiago ay nanggagamot sa aming nayon.


8. Sina Dr. Santiago ay nagsisipanggamot
(nanganggagamot, nangagsisipanggamot) sa
aming nayon.
9 .Ang prutas na ito ay ibigay mo kay Nena.
10. lpagbibigay (o ipagbigayan) mo nga ang mga
prutas na ito kina Nena.
11. Tawagin mo ang mga bata.
12. Pagtatawagin mo ang mga bata.
Naipakikilala ang kailanan ng pandiwa sa pamamagitan ng mga
panlapi. Ang mga pangungusap na sumusunod ay gumagamit ng
mga pandiwang nasa kailanang isahan at maramihan.

15. Pinaalis niya ang kanyang utusan.


16. Pinagpapaalis ang kanyang mga utusan.
17. Tinawagan ko ang aking kaibigan.
18. Pinagtatawagan ko ang aking kaibigan.
19. Inihulog mo ba ang aking sulat?
20. Ipinaghuhulog mo ba ang aking mga liham?

You might also like