Professional Documents
Culture Documents
Yunit 12
Yunit 12
Ang Wika
• Ito ay sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginamit sa komunikasyong
pantao. ( Hutch)
• Sa pag-aaral ni Constantino (2007), ang wika ay maituturing na
behikulo ng pagpapahayag ng damdamin, isang instrumento sa
pagtatago at pagsisiwalat ng katotohan.
• Personal ang gamit ng wika sa pagpapahayag ng personalidad at
damdamin ng tao. Nakasalalay ang mga pangungusap na padamdam o
anumang saloobin. ( Mendoza , 2007)
• Sinabi ni Gleason , ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang
tunog na isinasaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay
hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo na pinagsama-sama
upang makabuo ng salita na gamit sa pagbuo ng mga kaisipan.
• Naniniwala naman si Dr. Fe Oranes (2002) na matutuhan ang wika
upang sila ay mkapghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang
gingalawan.
• Inilalarawan bilang identidad ng isang bayan o bansa, kaluluwa o
sumasalamin sa ating kultura at ang nag uugnay sa isa't isa.
KALIKASAN NG WIKA
• Ang lahat ng wika ay binubuo ng mga tunog.
• Ang lahat ng wika ay may katumbas na simbolo o sagisag
• Ang lahat ng wika ay may estruktura.
• Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
• Ang lahat ng wika ay dinamiko.
• Ang lahat ng wika ay arbitraryo.
FILIPINO BILANG WIKA AT
LARANGAN
Memorandum Order (CMO)
No. 20 series of 2013
Noong Abril 2015, bunsod ngpetisyon ng
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (
Tanggol Wika) ay naglabas ng temporary
restraining order (TRO) ang Korte Suprema
para ipahinto ang pagtanggal sa Filipino at
panitikan sa Kolehiyo.
Noong Abril 2018 naman ay inilabas ng CHED ang
CMO No. 04, Series of 2018 upang ipatupad ang
nasabing resolusyon ng Korte Suprema.
BAHASA MELAYU
BAHASA INDONESIA
Ayon kay Gimenez Maceda (1997) , ang wikang pambansa ang
wikang higit na makakapagbihay -tinig at kapangyarihan sa mga
tagawalis, drayber, tindero at tindera , at iba pang ordinaryong
mamamayan ng bansa na gumagamit nito, at kaugnay nito, ang
paggamit ng Filipino bilang wika ng pananaliksik at akademikong
diskurso ay makapagpapalawak sa kaaalaman at makapag-aalis sa
agwat na namamagitan sa intelektwal at masa.
Sa ganitong diwa , binigyang-diin ni Constantino (2015) na “ ang
wikang Filipino ay wikang magpagpalaya. Ito ay ang magiging wika ng
mga tunay na Pilipino”
Hangad ni Constantino na pukawin ang “malikhain, mapanuri at
mapagbuod na kaisipan” ng mga Pilipino, alinsunod sa karanasan ng
Hapon, Taiwan , South Korea at iba pang bansang “umunlad nang husto”
sa pamamagit ng wikang sarili sa edukasyon at iba pang larangan.
Sa panahon ng globalisasyon , pandaigdigsistema ng
malayang kalakalan o free trade na isinagawa sa pamamagitan
ng pag-alis ng taripa , nananatiling mahalagang panangga sa
daluyong ng kultural na homogenisasyon .
WORLD BANK
WORLD TRADE ORGANIZATION
Ayon kay Lumbera (2003) sa espasyo ng sariling wika at
panitikan maaaring harapin at labanan ang kultura ng
globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang
Filipino.
Para kay Lumera na tagapagtaguyod ng makabayang
edukasyon ,
ang wika at panitikan natin ay buhay na katibayan ng
ating kultura at kasaysayan.
FILIPINO BILANG
LARANGAN AT FILIPINO SA
IBA'T IBANG LAARANGAN
Araling Pilipinas, Araling Pilipino, Araling Filipino, Filipinolohiya,
Philippine Studies iba-iba man ang katawagan , ang ubod ng mga
terminolohiyang ito'y tumutukoy sa FILIPINO bilang larangan, bilang
isang disiplina na esensya ay interdisiplinaryo o nagtataglay ng
“mahigpit na pag-uugnayan at interaksyon ng dalawa o hgit pang
sisiplina upang makamit ang higit pang disiplina upang makamit ang
higit na paglilinaw at pag-unawa hinggil sa isang partikular na usapin”
( Guillermo 2014)
Sa artikulong “Intelektuwalismo sa Wika” nilinaw ni
Constantino (2015) ang kahalagahan ng ganap na
intelektwalisasyon -ng paggamit ng Filipino sa iba't ibang
larangan tungo sa pagpapaunlad hindi lamang ng wikang
Filipino, kundi ng kaisipang Pilipino mismo:
“ Ang wika ay mas mabilis na uunlad kung ito'y ginagamit
sa seryosong pag-iisip at hindi lamang pambahay,
panlansangan o pang-aliw. Ang wikang katutubo ay
yumayabong ay nakatutulong sa katutubong isip”.
Itinala ni San Juan ang limang hakbang na dapat isakatuparan sa
ikauunlad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino
• Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang
pananaliksik ng kapwa Pilipino ano babasahin ng ibang bansa ang
gawang Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino
mismo?
• Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng
narcis.nil ng Netherlands at diva-portal.org ng Sweden.
• Magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng
magagamit para sa mass translation projects.
• Bigyang prayoridad ng Filipinasyon ang lalong mataas na
edukasyon at ng mga programang gradwado.
• Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Department
ng Filipino o Araling Pilipinas.
Sa ganitong konteksto, mahalaga ang papel ng pagpaplanong
pangwika sa pag unlad ng Filipino bilang laranagan at ng Filipino
sa iba't ibang larangan
Ayon kay Flores (2015) may dalawang antas ang pagpaplanong
pangwika,: “makro at maykro” at may tatlong dimensyon ,
kagyat na layunin o bahagi.
Ang mga ito ay istatus na pagpaplanong pangwika, korpus na
pagpaplanong pang wika at akwisisyong pangwika.
PANANALIKSIK
• Ayon kay Neuman ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa
kaniyang lipunan o kapaligiran.
• Ayon naman kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat ,
kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba't ibang teknik
at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin
tungo sa klaripikasyon at resolusyon nito.
• Para kay Aquino ang pananaliksik ay may detalyadong depinisyon.
Itoay isang sistematikong paghahahnap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
Batayan sa mga pagpapakahulugan masasabing ang
pananaliksik ay :
• Maingat
• Masusi
• Sistematiko
• Mapanuri
• Tiyak
• Kontrolado
MGA KASANYAN SA PANANALIKSIK