Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Pabula

(Fables)
Ito ay pawang kathang-isip lamang na mahirap mangyari o
sadyang mahirap mangyayari .Ngunit ito’y nagsasaad naman ng
magagandang aral na nagsisilbing patnubay o simulain sa buhay
ng bawat nilalang . Ipinapaliwanag nito ang salawikaing
Hampas sa kalabaw,sa kabayo ang latay, sapagkat bagamat ang
mga tauhan ay mga hayop, ang mga aral namang isinasaad ay
para sa tao.
Ang mga Maranao ay may bahagyang pagkagusto sa
pulitika kung ihahambing sa ibang mga Pilipino.May salaysayin
(pabula) sila tungkol sa mga taong labis na
mapangarapin.Nakabubuti itong salaysayin (pabula) hindi
lamang para sa mga pulitiko kundi sa mga taong sakdal tayog
ang lipad at sa bandang huli’y naglalaho rin ang kanilang tikas.
Ang Langaw na Nagmithing Maging Diyos
Noon, may isang langaw na nananahanan sa munting kaharian ng
niyugang tinatawag na “Agama Niyog.” Kakaiba ang nasabing langaw sa
karaniwan niyang mga kasamahan.Hindi ito lumilipad upang maghanap
ng makakain, bagkus magnanasa lamang at ipinagkaloob na ng Diyos
ang kanyang pita.
Isang araw, di sinasadyang nakapasok siya sa isang palasyo at
naaninaw niya ang sultan kasama ang kanyang mga asawa at kalaguyo.
Nainggit siya kaya pinakiusapan niya ang Panginoon na siya’y gawing
“Solotan” (sultan).Ipinagkaloob ng Diyos ang kanyang mithi. Naging
maligaya ang langaw sa maikling panahon.
Sa kalaunan nagsawa na siya sa pagiging Solotan.Bumalik siya sa
kanyang dating tirahan at sinabihan si San Gabriel Arkanghel na
pakiusapan ang Diyos na gawin siyang propeta. Sa ikalawang
pagkakataon, pinagbigyan ang kanyang kahilingan.
Sa katagalan napag-isip-isip ng langaw na hindi gawing madali ang
maging sugo ng Diyos. Sa pagiging propeta ,marami raw ang
naghangad na siya’y patayin dahil sa pagpapalaganap niya ng
mensahe ng Diyos.
Hiniling niya muli kay San Gabriel Arkanghel na sabihan ang
panginoon na siya’y gawing Diyos.Sa pamamagitan daw nito magiging
lubos na ang kanyang kaligayahan. Nang matalos ng Diyos ang
hinahangad ng langaw, Agad niyang pinanumbalik ang dati nitong
kaanyuan bilang langaw.
Sa kasalukuyan kung titinggan natin nang matama ang
langaw,Malimit nitong kinukuskos ang panghuling mga paa ng sabay-
sabay. Ito ang parusang iginawad sa kanya ng Diyos dahil sa labis na
katayugan ng kanyang mithiin.

You might also like