Filipino PPT q4w2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Pagkakasangkot

Dudungaw
Bukambibig
Kinatitirikan
Inspirasyon
Kano
Sa isang bayan sa Mindoro, may isang mag-
aaral na ang pangalan ay Albastru Biglang-awa
Razboinic. Tawagin na lang natin siyang Kano.
Lumaki siyang hindi man lamang naramdaman
ang pagmamahal ng isang tunay na magulang.
Ang kaniyang ama na isang taga-Romania ay
nasa piitan dahil sa pagkakasangkot sa isang
krimen. Ang kaniya namang ina ay hindi na
nagbalik mula nang ihatid siya galing sa Italya.
Tanging ang kaniyang lola ang nagsilbing ina
niya, si Lola Insyang
Tuwing gabi, pagkatapos ng mga gawain
sa bahay at sa paaralan, agad siyang
dudungaw sa kanilang bintana. Titingala sa
kalangitan at hahanapin ang kaniyang
bituin. Ito ang nagbibigay sa kaniya ng pag-
asa na balang araw magkikita pa rin sila ng
kaniyang mga magulang.
Lagi niyang bukambibig, “Marami po
akong natanggap na biyaya…. teka po…
nakalista po…. matulog nang busog….. teka
po… sandali lang po…. isa… hmm…. mga
tatlumpung beses na po….. nakipanood ng
telebisyon sa kabilang bayan….. mga isa…..
dalawa…. sampu po!…. naligo sa ilog…. halos
linggo- linggo…. kumain ng sorbetes….… isa…
Ay!…isa.. lang talaga…. Ah heto…. kumain ng
hopya….. isang daang beses… yan po ….
nakasulat yan…. pati po petsa…. salamat po
Titser Blu …”
Isang araw, nagpaalam si Kano kay
Titser Blu. Lilipat na sila sa kabilang bayan.
Kinuha na ng tunay na may-ari ang lupang
kinatitirikan ng kanilang munting dampa.
“Paalam, Kano. Alam ko isang araw,
magkikita pa rin tayo. Sa araw na iyon,
alam kong ibang Kano na ang aking
makikita. Salamat sa pagiging kaibigan ko.
Salamat sa pagiging inspirasyon ko,” ang
sabi ni Titser Blu.
•Sino ang bida sa teksto?
Ilarawan siya.
•Ano ang katangian ni Kano?
•Dapat ba siyang tularan?
•Paano ka magiging isa ring
Kano?
BAKIT - ito ay salitang pananong na
ginagamit kung ang tinutukoy ay dahilan.

Sapagkat may mahabang


pagsusulit sila kinabukasan.
PAANO - ito ay salitang pananong na
ginagamit sa kung paano ginawa ang kilos/paraan sa
paggawa ng kilos.

Dahan-dahang inilagay ni Matilda


ang mga itlog sa mesa.
Isulat ang T kung tama ang mga
sumusunod na mga pangungusap at M
naman kung mali
1. Ang bakit ay salitang pananong na ginagamit
kung ang tinutukoy ay dahilan.
2. Ang paano ay salitang pananong na ginagamit
sa kung paano ginawa ang kilos/paraan sa
paggawa ng kilos.
3. Si Kano ay ang angunahing tauhan sa kwento.
4. Naging inspirasyon si Kano kay titser Blu.
5. Masiyahin at puno ng pag-asa ang damdamin
ni Kano.

You might also like