Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pakikidigma 

sa Krotona
Inihanda ni Eugene Y. Evasco
    Narating na nina Florante at Menandro ang kanilang kaharian.
Agad dinulog ni Florante ang amang si Duke Briseo. Kapwa nila
ipinagluksa ang kamatayan ni Prinsesa Floresca. Pagkaraan,
dumating ang liham na dala ng embahador ng Krotona. Nagmula
ang liham sa biyenan ng duke na Hari ng Krotona. Humingi siya ng
tulong upang masugpo ang hukbo ni Heneral Osmalik, na nasa
patnubay ng morong si Aladin ng Persya.

Biyenan- Mother in law


Krotona- Isang lungsod sa rehiyon ng Calabria sa Italya.
Heneral- Sya ang namuno sa hukbo ng Persya.
Aladin- Gererong moro
        - Ang nagligtas kay Florante sa kuko ng mga leon.
Embahador- Representative.
    Sa atas ni Haring Linseo ng Albanya, inatasan niya si Florante
na magsilbing heneral ng hukbong aagapay sa Krotona. Hinangad
ng hari na magtagumpay siya sa pakikidigma iyon. Pagkaraan nito,
nagpulong sila upang makalikha ng magandang plano sa pagtulong
sa Krotona. Nang ibabahagi ni Florante ang kanyang mga
pagsasanay sa Atenas, dumating naman si Laura, ang anak ni
Haring Linseo. Tila nagsabog ng ningning ang kagandahan ni Laura.
Ang liwanag daw ng mukha ni Laura ay walang ipinagkaiba kay
Pebo. Dagdag pa ni Florante, si Laura ang ikinasisira ng kanyang
isip sa tuwing nagugunita. Siya rin daw ang dahilan ng kanyang
lungkot at pagdurusa.
    Sa pagsasalaysay na iyon, nabanggit ni Florante na muling nag-
alab ang pagsinta niya kay Laura. Sa tatlong araw na kaloob ni
Haring Linseo bago ang pakikidigma sa Krotona, hindi nakausap ni
Florante si Laura. Nakausap lamang niya ito sa bisperas ng
kanilang paglusob sa Krotona.
    Naglatag ng pagsinta si Florante kay Laura. Hindi man lantad
na nagbitiw ng "oo'' sa pagsinta, naluha si Laura sa paglisan ni
Florante. Masakit man, tinugon ni Florante ang hamon na
makidigma, iwan ang sinisinta, at iligtas ang Krotona sa hukbo ng
morong si Heneral Osmalik.
    Sinalubong ng mga makinang pandigma ang hukbo ni Florante.
Pagkaraan, nilusob nila ang Krotona at pinaligiran ito. Halos
walang humpay ang sagupaan, ang patayan. Maraming napaslang si
Heneral Osmalik. Nagsalubong sina Osmalik at Florante. Sila'y
nagtuos. Pagkaraan ng limang oras, nagluksa ang langit nang
napatay ni Florante ang heneral mula sa Persya. Sa pamumuno
naman ni Menandro, nalupig nila ang mga morong kawal na
naghasik ng lagim sa Krotona.
    Nagkaroon ng pagdiriwang sa loob ng tatlong araw.
Idineklarang isang magiting na bayan si Florante. Ngunit,
nagluluksa pa rin si Florante sa pagyao ng kanyang ina. Limang
buwang nanatili sa Krotona si Florante at ang kanyang hukbo. Sa
panahong inilagi nila dito, laging naaalala ni Florante ang iniwan
niyang sinisinta sa Albanya, si Laura.
GROUP 3

MEMBERS:
-Allysa Lucanas  
-Joanna Uy  -Yzabella Iglesia 
-Owen Carl Deocampo
-Christian Sempron
-Mary Rose Doherty

You might also like