Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Ang Tekstong

Ekspositori
Ang Tekstong Ekspositori ay
anumang teksto na nagpapaliwanag o
naglalahad ng mga kaalaman hinggil sa
anumang paksang saklaw ng kaalaman
ng tao.
Sa tekstong ekspositori, nililinaw
ang mga katanungan sapagkat
tinutugunan nito ang pangangailangan
ng mambabasa na malaman ang mga
kaugnay na ideya o isyu.
Mga
Katangian at
Bahagi
Ayon kay Alejo (2008), ang tekstong
ekspositori ay nagtataglay ng mga
sumusunod na katangian:

a. Nakapagbibigay ng iba't ibang


pamamaraan ng paglalahad sa isang
teksto, kung papaano ito babasahin at
susulatin;

b. Gumagamit ng iba't ibang awtoridad sa


pagtalakay sa mga paksa;
c. Sinusundan ng mga mambabasa ang
mga pagpapaliwanag ng manunulat at
sa pagsulat naman, mas
pinagtutuunan ng manunulat ang
paraan ng pagpapaliwanag sa paksa;
at

d. Ginagamitan ng mga pantulong


grapiko gaya ng grap, ilustrasyon at iba
pa.
Panimula:
Paksa at Tesis
Mahalaga ang bahaging ito ng teksto sapagkat dito'y
parang hinahatak mo ang iyong mambabasa upang basahin
ang iyong isinulat.

Wika nga nina Bernales, et al. (2001), maihahalintulad


ito sa display window ng mga tindahan na hindi lamang
nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin
ng ilang mga abeylabol na paninda o haylayt na paninda.

Kung gayon, ang panimula ay nagbibigay-ideya sa mga


mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung
ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may-akda sa
paksang iyon, bukod pa sa nagsisil bi itong pang-akit at
panawag-pansin (Bernales et al., 2009).
Katawan
ng
Teksto
Tinaguriang pinakamalaki at pinakamahalagang
bahagi ng isang teksto. Hindi sapat na may magandang
panimula ang isang teksto sapagkat maaaring hindi tapusin
ng isang mambabasa ang pagbasa nito. Kailangang isaalang-
alang sa bahaging ito ang mga kasanayang nabuo sa
gramatika at maging ang mga kasanayan sa pagsulat.

Kumbaga ibubuhos sa bahaging ito ang mga ideyang


nais isulat sa lohikal at malikhaing pamamaraan.
Ayon nga kina Bernales, et al. (2009), ang nilalaman ang
pinakakaluluwa ng isang teksto at ang estraktura naman ang
pinakakalansay nito.
S
amakatuwid, ano mang napapaloob na ideya at
pansuportang detalye'y dumaan sa mapanuring kaisipan ng
isang manunulat.
Wakas:
Paglalagom At
Kongklusyon
Ang wakas ang panghuling bahagi ng isang teksto.
Tulad ng panimula, kailangang makatawag-pansin din ang
magiging wakas ng isang teksto sapagkat ang
pangunahing layunin sa pagbuo nito ay ang pag-iiwan ng
isa o ilang mahalagang kakintalan sa mga mambabasa
(Bernales, et al., 2009).

Sa bahaging ito'y inaasahang magamit ang


kasanayan sa paglalagom at pagbubuod. Ayon kina
Bernales, et al. (2009), ang lagom ang pinakabuod ng
kabuuan ng teksto. Dito, inilalahad ang kabuuan ng teksto
sa pinakamaikling paraan. Samantala, inilalahad naman
sa kongklusyon ang inferences, proposisyon o deductions
na mahahango sa pagtalakay sa teksto.
Mga Hulwaran Ng
Tekstong
Ekspositori
1.Depinisyon

2.Pag-iisa-isa o Enumerasyon

3.Pagsusunod-sunod o Order

4.Paghahambing at pagkokontrast

5.Problema at Solusyon

6.Sanhi at Bunga
1. DEPINISYON
Layunin ng tekstong depinisyon ang mabigyang-
kahulugan ang iba’t ibang termino. Ito ay malaking hawan
upang mabigyan ng lubos na pagkaunawa ng mga mambabasa
sa teksto. Ang mga pamamaraang ito, ayon kay Casanova
(2001), ay napakahalagang sandata sa isang manunulat at
maging sa mga mambabasa.

Ang depinisyon ay karaniwang nagtataglay ng tatlong


bahagi: 1) termino o salitang binibigyang-kahulugan, 2) ang
uri, cdass o specie kung saan kabilang O nauuri ang terminong
binibigyang-kahulugan at 3) ang mga natatanging katangian
nito (distinguishing characteristics) o kung paano ito naiba sa
mga katulad na uri.
Sa pagbibigay ng kahulugan, may tatlong
paraan na maaaring gamitin ang isang manunulat,
ang una ay ang paggamit ng mga sinonim o mga
salitang katulad ang kahulugan o kaisipan, ang
pangalawa ay ang intensibong pagbibigay ng
kahulugan at ang pangatlo ay ang ekstensibong
pagbibigay ng kahulugan.

Maaari ring mapansin ng isang tekstong


depinisyon ang dimensyong denotasyon
(karaniwang ang kahulugan o kahulugang mula sa
diksyonaryo) at ang dimensyong konotasyon (di-
tuwirang kahulugan o matalinhagang kahulugan.
2. PAG-IISA-ISA O ENUMERASYON
Ang pag-iisa-isa o enumerasyon ay nauuri sa
dalawa. Ang simpleng pag-iisa-isa ay pagtalakay sa
pangunahing paksa at pagbanggit ng mga kaugnay
at mahalagang salita. Angkomplikadong pag-isa-isa
ay pagtalakay sa pamamaraang Pagtatalata ng
pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipan na
naglilinaw sa paksa. Sa ikalawang uri, tinatalakay
nang sunod-sunod o nang magkahiwalay at
magkakaugnay-ugnay na talata ang mga bagay na
iniisa-isa (Bernales, et al., 2007).
3. PAGSUSUNOD-SUNOD O ORDER
Ang pamamaraang ito ay ang pagsusunod-sunod o
order ng mga pangyari o ng isang proseso. Mauuri ito sa
tatlo, sikwensval, kronolohikal at prosidyural. Sa tekstong
Sikwensyal, ang batayan ng order ay ang panahon o
pagkakasunod- sunod na pagkakaganap ng mga pangyayari.
Sikwensyal ang isang teksto kung ito ay kinapapalooban ng
serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isa t isa na
humahantong sa isang pangyayari na siyang pinakapaksa ng
teksto. Sa tekstong Kronolohikal, ang paksa ay tao o kung ano
pa mang mga bagay na inilalahad sa isang paraan batay sa
isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya, tindi,
halaga, lokasyon, posisyon, bilang, dami at iba pa. Ang
tekstong Prosidyural ay isang uri ng teksto tungkol sa serye
ng mga gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o
resulta (Bernales, et al., 2007).
4. PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST

Karaniwang ginagawa na natin ang dalawang


prosesong ito sa ating pang-araw-araw na gawain. Kung
naghahambing tayo ng dalawang bagay ipinapakita natin
ang kanilang pagkakatulad; kung pinagkokontrast
naman, Kung ipinapakita ang kanilang kaibahan.

Layunin ng tekstong ito na mabigyang linaw ang


pagkakatulad at pagkakaiba ng kaalaman, pangyayari,
tao at iba pa. Sa paggamit ng paglalarawang, paglalahad,
maipapakita ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng
katangian at mga kalikasan ng mga bagay na
pinaghahambing at pinagkokontrast.
5. PROBLEMA AT SOLUSYON
Ayon sa aklat nina Bernales, et al.
(2007), ginagamit na hulwarang ito upang
maglahad ng isang suliranin at pagkatapos ay
magtala ng isa o higit pang lunas sa suliranin.
6. SANHI AT BUNGA

Madalas na ginagamit ang


hulwarang sanhi at bunga sa mga pag-
aanalisa ng mga paksa sapagkat
malinaw na naipapahayag ang mga
pinagmulan ng mga pangyayari at mga
maaaring maibunga ng mga ito o
ibinunga nito.

You might also like