Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

TALUMPATI MULA SA

ESTADOS UNIDOS

Dennise Macabitas
Crizza Miranda
ABRAHAM LINCOLN
 Si Abraham Lincoln ay isang american statesman at
isang abogado.
 Siya ay naging pang labing anim na presidente sa
United States mula 1861 hanggang 1865.
 Kilala si Abraham bilang isang magaling na pinuno.
 Ipinanganak si Abraham noong February 12 1809 sa
Hodgenville, Kentucky,United States.
 Pinatay noong April 15 1865 sa Petersen House,
Washington, D.C , United States.
Isa ang bansang ESTADOS UNIDOS sa
pinakamaimpluwensiyang bansa sa buong
mundo.
Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang
Amerika ang karamihan sa mga estado nito
kung saan mayroong sariling pamahalaan ang
bawat isa na naaayon sa sistemang
pederalismo .
TALUMPATI
SA
GETTYSBURG
Walumpu't pitong taon na ang nakararaan, ang ating mga ninuno ay
nagtatag na isang bagong bansa sa malawak na lupaing ito; na
pinangarap ayon sa minimithing kalayaan, at hinubog sa
paninindigang ang lahat ng mga tao ay nilikhang pantay -pantay.
Ngayon, tayo ay nahaharap sa isang digmaang sibil, sinusubok
kung gaano ang pagtitiis na itatagal ng ating bansa, o ng alin
pa mang bansang may ganito ring pangarap at paninindigan.
Nakikihamok tayo sa malaking larangan ng pakikidigma, at
bahagi ng ating mga pook-labanan ay nagsilbing huling
hantungan ng mga bayaning nag-alay ng kanilang mga buhay
upang ipagtanggol ang ating kalayaan. Marapat lamang na sila
ay ating parangalan.
Silang mga namayapa ang higit na nagpapabanal ng lupaing ito.
Sa paglipas ng panahon, maaaring malimutan ng lahat ang
anumang mga pangungusap na ating bibigkasin ngayon, ngunit
ang alaala ng kanilang mga ginawa ay hindi natin malilimutan.
Para sa ating mga nabubuhay pa, ipagpatuloy natin ang
kanilang mga adhikain, pag- alabin natin sa ating puso ang
pagmamahal sa kalayaang pinagbuwisan nila ng kanilang mga
buhay. Sa ganito ay masasabi nating hindi nasayang ang
kanilang pagpupunyagi upang ang pamahalaan ng mga
mamamayan, na binuo ng mga mamamayan para sa mga
mamamayan, ay hindi kailanman maglalaho sa mundong
ibabaw.
Pagtukoy sa Iba't ibang uri ng Talumpati Ang isang mahusay na
pagtatalumpati ay hindi magiging matagumpay kung walang
paghahanda. Narito ang iba't ibang uri ng talumpati batay sa
paghahanda.
1. Impromptu o Biglaang Talumpati. Sa uring ito ng talumpati,
kadalasang tinatawag nang biglaan ang isang tagapagsalita
na maaaring eksperto, dalubhasa o may nalalaman sa isang
partikular na paksa kaya't kahit biglaan lamang ang
pagtawag sa kaniya, ang tagapagsalita ay maraming
maibabahagi hinggil dito.
2. Extemporaneous o Dagliang Talumpati. Kaiba sa biglaan, ang
tagapagsalitang naimbitahan upang magbigay ng
extemporaneous o dagliang talumpati ay nasabihan na kung
saang partikular na paksa iikot ang kanyang pagtatalumpati, sa
gayon ay makapaghahanda pa siya ng kanyang mga sasabihin
sa aktwal na pagsasalita.
3. Sauladong Talumo mah ladong Talumpati. Sa uring ito ng
talumpati, maaaring may malawak at Wahabang paghahanda
ang mananalumpati dahil nauna nang naipabatid sa kaniva ang
paksa ilang araw bago ang aktwal na pagtatalumpati.
 4. Pinaghandaang Talumpati. Makikita sa bahaging ito ang
kahusayan sa pagsulat ng isang mananalumpati. Kadalasang
ginawa ang ganitong uri ng talumpati sa mga komperensya,
presentasyon ng mga akademikong papel, at iba pang kauri
nito
Mga Layunin ng Talumpati Ang ilan sa mga mahahalagang
layunin ng talumpati ay ang mga:

1 . Magbigay ng impormasyon o magturo. Naglalayon ito na


magbigay o maglahad ng sapat at tamang impormasyon,
konsepto o kaisipan sa mga tao.
2. Layunin nito na makapaghimok o makapangumbinsi ng ibang
tao tungo sa positibong pagpapakilos ukol sa isang paniniwala
o hangarin.
3. Makapanlibang. Layunin nito na makapagbigay -aliw o
magbahagi ng mga kawili- wiling kaisipan sa mga tagapakinig
4. Magbigay -papuri o magpatotoo. Layunin nito na papurihan
ang isang tao o ahensyang nagbigay ng kaaya-ayang karanasan
para sa magtatalumpati.
5. Magbigay -puna. Layunin nito na magbigay ng konstruktibong
kritisismo o pamumuna hinggil sa mga maling kaganapan sa
lipunan.
MGA BAHAGI NG TALUMPATI

Kagayan rin ng isang manunulat ng sanaysay, nahahati sa


tatlong bahagi ang isang talumpati.
1. SIMULA
-Kinakailangan maging maganda ang simula ng isang talumpati
upang mapukaw ang interes o atensyon ng mga tagapakinig o
manonood. Mga paraan upang mapukaw ang interes o atensyo
ng manonood:
a. Palasak man, maaaring tanungin ang mga tagapakinig
tungkol sa paksa tatalakayin.
b. Magbanggit ng mahalaga o tumatak na pahayag mula sa
kilalang tao, maaaring politiko, artista, edukador, at iba pa.
c. Magbitaw ng mga nakatatawa o nakatutuwang linya mula sa
biro, pick-up lines o hugot lines. d. Magbanggit ng tanyag na
salawikain o kasabihan
 2. Katawan.
- Ito ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati dahil narito
ang mahahalaga at makabuluhang ideya at kaisipan ng
mananalumpati hinggil sa paksa. Tiyakin lamang na sapat ang
kaalaman sa paksa at may sapat na kahandaaan upang
maipahatid sa mga tagapakinig ang layunin ng talumpati.
 3. Wakas.
- Kung gaano kaganda at kabisa ang simula, kailangang
maganda rin ang pagtatapos. Narito ang kongklusyon o kaya'y
paglalagom ng mananalumpati hingg sa kaniyang paninindigan
sa kaniyang talumpati.

You might also like