Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Saknong:

isáng daán at limá


Napahinto rito't narinig nang muli,
Ang pananambitan niyong natatali,
na ang wika'y ''LAURANG aliw niring budhi
paalam ang abang kandong ng pighati''
Saknong:
isáng daán at anim
Lumagi ka nawa sa kaligayahan,
sa harap ng di mo esposong katipan;
at huwag mong datnin yaring kinadatnan,
ng kasing nilimot at pinagliluhan.
Saknong:
isáng daán at pitó
Kung nagbangis ka ma't nagsukab sa kin,
mahal ka ring lubha dini sa panimdim,
at kung mangyayari, hanggang sa malibing
ang mga buto ko, kita'y sisintahin.
Saknong:
isáng daán at waló
Di pa natatapos itong pangungusap,
may dalawang leong hangos nang palakad
siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad,
ngunit nangatigil pagdating sa harap.
Saknong:
isáng daán at siyám
Nangaawa mandi't nawalan ng bangis,
sa abang sisil-ing larawan ng sakit,
nangakatingala't parang nakikinig
sa di lumilikat na tangis-tangis
Saknong:
isáng daán at sampû
Anong loob kaya nitong nakagapos,
ngayong nasa harap ng dawang hayop,
na ang balang ngipi't kuko'y naghahandog,
isang kamatayang kakila-kilabot!
Saknong:
isáng daán at labíng-isá
Di ko na masabi't luha ko'y nanatak,
nauumid yaring dilang nangungusap;
puso ko'y nanlambot sa malaking habag
sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.
Saknong:
isáng daán at labíng-dalawá
Sino'y di mahapis na may karamdaman
sa lagay ng gapos na kalumbay-lumbay;
lipos ng pighati saka tinutunghan
sa laman at buto niya ang hihimay!
Saknong:
isáng daán at labíng-tatló
Katiwala na nga itong tigib-sakit
na ang buhay niya'y tuntong na sa guhit;
nilagnat ang puso't nasira ang boses,
di na mawatasan halos itong hibik.
Saknong:
isáng daán at labíng-ápat
“Paalam, Albanyang pinamamayanan
ng kasam-at lupit, bangis, kaliluhan;
akong tanggulan mo'y kusa mang pinatay,
sa iyo'y malaki ang panghihinayang.
Saknong:
isáng daán at labíng-limá
“Sa loob mo nawa'y huwag mamilantik
ang panirang talim ng katalong kalis;
magka-espada kang para nang binitbit
niring kinuta mong kanang matangkilik.
Saknong:
isáng daán at labíng-anim
“Kinasuklaman mo ang pangako--
sa iyo'y gugulin niniyak kong dugo;
at inibig mo pang hayop ang magbubo
sa kung itanggol ka'y maubos tumulo.
Saknong:
isáng daán at labíng-pitó
“Pagkabata ko na'y walang inadhika
kundi paglilingkod sa iyo't kalinga;
di makailan kang babal-ing masira,
ang mga kamay ko'y siyang tumimawa.
Saknong:
isáng daán at labíng-waló
“Dustang kamatayan ang bihis mong bayad;
dapuwa't sa iyo'y magpapasalamat
kung pakamahali't huwag ipahamak
ang tinatangisang giliw na nagsukab.
Saknong:
isáng daán at labíng-siyám
“Yaong aking Laurang hindi mapapaknit
ng kamatayan man sa tapat ng dibdib;
paalam, Bayan ko, paalam na, ibig,
magdarayang sintang di manaw na isip!
Saknong:
isáng daán at dalawáng pû
“Bayang walang-loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa.
Saknong:
isáng daán at dalawáng pû’t isá
“Nasa harap ko na ang lalong marawal,
mabangis na lubhang lahing kamatayan;
malulubos na nga ang iyong kasam-an,
gayundin ang aking kaalipustaan.
Saknong:
isáng daán at dalawáng pû’t dalawá
“Sa abang-aba ko! diyata, O Laura...
mamamatay ako'y hindi mo na sinta!
ito ang malapit sa lahat ng dusa,
sa akin ay sino'ng mag-aalaala!
Saknong:
isáng daán at dalawáng pû’t tatló
“Diyata't ang aking pagkapanganyaya,
di mo tatapunan ng munti mang luha;
kung yaring buhay ko'y mahimbing sa wala,
di babahaginan ng munting gunita!
Saknong:
isáng daán at dalawáng pû’t ápat
“Guniguning ito'y lubhang makamandag,
agos na luha ko't puso ko'y maagnas
tulo kaluluwa't sa mata'y pumulas,
kayo aking dugo'y mag-unahang matak.
Saknong:
isáng daán at dalawáng pû’t limá
“Nang matumbasan ko ang luha, ang sakit
nitong pagkalimot ng tunay kong ibig,
huwag yaring buhay ang siyang itangis
kundi ang pagsintang lubos na naamis."
KABANATA 8 DUKE BRISEO: AMANG
MAPANGMAHAL
 Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya'y namangha kaya naman
sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at dumating
siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya si Florante na umiiyak dahil
sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay ang kanyang ama ni
Konde Adolfo. Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibigan ng kanyang ama ay
nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa
mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa
kanya dahil mapaparusahan lamang sila kapag lumapit sa pira-pirasong
katawan ng kanyang ama at hindi man lamang siya nabigyan ng maayos na
libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng kanyang ama na matabunan
siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa kamay ni
Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang ugali. Para kay Florante, si Duke
Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang
kapakanan parin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung
mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman
ay nawala sa kanya.
TALASALITAAN

 1.Tumatagistis - Tumutulo o Dumadaloy.


 2.Bubukal – Ipadama.
 3.Palayaw – Malambing na tawag.
 4.Panambitan – Pakiusap o Dalangin.
 5.Alibughang – Waldas.
 6.Tigib – Puno.
 7.Makamandag - Nakakalason, May kamandag, May lason.
 8.Diyata – Ito’y totoo o tunay nga.
 9.Mabangis – Agresibo.
 10.Kaliluhan – kasinungalingan.
TANONG:

1) Sa saknong 120,


sa pagsasabi ng nakagapos na ang Albanya ay
walang loob, ipinahihiwatig niyang ang
kaniyang bayan ay walang ____________.

a. galang b. yaman c. tapang d. kasaysayan


TANONG:

2) Sa Saknong 120 rin,


ipinahahayag ng nakagapos na maari nang
magdiwang sa nalalapit niyang kamatayan si
Adolfo, Si Laura at ang __________.

A. Ilong Cocito B. Aberno C. Albanya D.


Bataan
TANONG:

3) Sa isip ni Florante,


makapagpapatuloy na ang kaligayahan
nina Laura at Adolfo kung siya ay ________.

A. Lalayo B. Mamamatay C. Aalis D.


Magdodota
TANONG:

4) Ano ang nais ni Floranteng gawin


ng mga taga-Albanya para sa mga kaaway?

A. Sumuko B. Lumaban C. Magpaapi D.


Tumunganga
TANONG:

5) Ano ang nadama ng Leon ng makita


ang kalagayan ni Florante?

A. Naawa B. Natakot C. Tumakbo D. Tumawa


at kumanta

You might also like