Hindi na nawala sa isipan ni Don Juan ang tahanan ng
Ibong Adarna, paulit-ulit niya itong iniisip at habang tumatagal ay nagiging makatotohanan para sakanya ngunit dumating ang panahon na napagtantoan niya na lahat pala ng kanyang ini-isip ay isang palang kathang isip lamang. Sa tindi ng hirap na pinagdaanan ni Don Juan ay marahil na naawa ang Inang Mahal na Birhen kay Don Juan at natupad narin ang pangarap o ang iniisip ni Don Juan ukol sa Ibong Adarna Naglakbay si Don Juan sa tahanan ng ermitanyo, ang ermitanyo ang tanging makakatulong sakanya upang malabanan ang kakaibang kapangyarihan ng Ibong Adarna. Nang siya ay makarating sa bahay ng ermitanyo ay pinatuloy siya nito at Inanyayahang tumuloy. Sa bandang itaas sila nanatili. Ang ermitanyoy may pagkalinga kay Don Juan, at naghanda ang ermitanyo ng kanilang makakain sila ay magiliw na nagsalo sa hapag kainan. Habang sila ay kumakain nakita niya ang tinapay na binigay niya sa matandang ketongin at siya ay labis na nagtaka bakit nasa ermitanyo ang tinapay, sa sobrang pagtataka ay naisip ni Don Juan na ang ermitanyo at ang matandang ketongin na nanglilimos ay i-isa lamang sila, Siya ay labis na namangha sa pangyayari at naisip niya rin na maari ito ay plano ng Diyos para sakanya. Nang sila ay matapos kumain tinanong ng ermitanyo si Don Juan kung ano ang kaniyang hiling upang siya ay matulungan. Sa kanyang pag-alis ay lagi niyang ini-isip ang kanyang ama, labis siyang naawa sakanyang ama dahil nakahilata lamang ito sa higaan at siya ay nanghihina na ng lubusan. Lagi siyang umi-iyak dahil baka hindi niya mapagtagumapayan ang kanyang misyon na ma-i-uwi ang Ibong Adarna at maari itong ikamatay ng kanyang ama. Matapos sabihin ni Don Juan ang kaniyang saloobin ay ibinahagi naman ng ermitanyo kung papaano maiiwasan ni Don Juan ang kapangyarihan ng Ibong Adarna. Una sa lahat ay wag na wag niyang kakalimutan na humingi ng tulong sa panginoon, dahil lahat ng nilalang na sasabak sa isang pagsubok ay humihingi ng tulong sa Pnaginoon upang sila ay magabayan, sinabi ng ermitanyo na kailangan tatagan ni Don Juan ang kaniyang sarili upang makamit ang hinanhangad nito. Sinabi ng ermitanyo na malalaman niya na nasa tahanan na siya ng Ibong Adarna kapag nakita niya na ang punong kumikinang, ang Ibong Adarna ay dumadating tuwing hating gabi at doon niya rin sinisimulan ang kanyang mahimbing na pagkanta. Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na wala pang nakakatalo at nagtatagumpay na mahuli ang Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ay may pitong malalambing na kanta at bawat kanta ay nagpapalit ito ng kulay ng balahibo, ibig sabihin ay may pitong kulay rin ang Ibong Adarna. Upang mawalan ng bisa ang kapangyarihan ang Ibong Adarna ay binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pananggalan upang hindi siya matablan ng pitong kanta ng Ibong Adarna, binigyan siya ng pitong dayap upang hindi siya hindi siya matalo ng engkantada. Sa bawat kanta ng Ibong Adarna ay dapat sugatan ni Don Juan ang kaniyang palad at pigain ang dayap sa sinugatan na palad, pagkatapos kumanta ng Ibong Adarna ay magdudumi ito kailangan niya makailag sa mga dumi ng Ibong Adarna at kung hindi man siya makailag ay magiging bato si Don Juan kagaya ng nangyari sa kanyang mga kapatid, binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng isang gintong sintas na gagamitin niyang panghuli sa Ibong Adarna at dapat ay matibay ang pagkakahawak niya ng sa ganon ay mahuli niya ang Ibong Adarna at upang hindi na ito makatakas. At ng malapit na ang hating gabi ay dumayo na si Don Juan sa Bundok ng Tabor upang mahuli ang Ibong Adarna. Salamat!