Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

IBONG ADARNA

PANGKAT 5
ANG PAGTUNGO AT MGA HAMONG
KINAHARAP NI
DON JUAN SA REYNO DE LOS
CRISTALES
Si Don Juan sa Reyno de los Cristales
• 936- “Asahang sa ikaapat,madaling-araw na oras,dito’y darating na
tiyak ang prinsesang iyong hanap.
• 937- “Sila’y tatlong magkakapatid sakdal naman ng ririkit - gaganda
ngunit ang nakahihigit si Donya Mariang mabait.
• 938- “paririto’t maliligo ugali nang katutubo,upang hindi ka mabigo
mag-ingat sa pagtatagpo.
• 939- “Di mo baga napupuna sa paliguan nga nila,may silid na kanya-
kanya ,hindi sila nagsasama.
940- “ Silang tatlo’y nakagayak kalapating binusilak -- malinis
diyan sa puno ng peras ay darapong buong gilas.
941- “Sa iyo ako’y paalam,ang loob mo ay tibayan,bilin ko sana’y tandaan
nang matiyak ang tagumpay.
942- Napag-isa ang prinsipe,nagulo ang dili-dili, – pag-iisip
gayon pa ma’y pinagbuti ang ginagawang pangungubli. – pagtatago
943- Loob niya’y naguluhan,pinipilit na mapahusay;
binuo sa gunamgunam – isip,nilay
sa magdamag ay maghintay.
944- Ikaapat ay tinugtog,hindi siya natutulog,mga mata’y nanunubok sa
bahagyang may kaluskos.
945- Sa gitna ng pananabik ng sumisikdong dibdib,
natanaw yaong langit na laon nang panaginip. kumakaba
946- Sa laki ng kagalakan di na siya napalagay,ang dawag na nakahalang hinahiwi ng pananaw.

947- Napatunayan ang lahat na sa agilang pahayag sa kay Donya Mariang dilag sino ang di
mabibihag?
948- kitang–kita ni Don Juan nang ang tatlo ay dumatal,kalapating kagayaka’y himala ang
kagandahan.

949- Dilag ni Donya Maria walang kapantay sa kanya,ipikit man yaong mata,nasisilaw din ng
ganda.
950- Lalo pa nga nang lumapag sa sanga ng punong-peras,sa kariktang napagmalas ang
prinsipe ay nabihag.
951- Nang maghubad na ng damit lalo siyang natigatig,pumikit man yaring hirap nabihis ng
tuwa’t galak.
952- “O,himala ka nang dilag,na sa akin ay bumihag;Malaki man yaring hirap nabihis ng
tuwa’t galak.
953- Nang lumusong na sa tubig,”Aba,Palaba ng Langit,hininga ko ma’y mapatid ikaw rin ang
iniibig.
954- “Isang sirena sa dagat na nagsasabog ng dilag,sa paligid ay may perlas sa perlas din
nakayapak.
955- Pagkat di na makatiis na timpiin ang pag-ibig,ninakaw na yaong damit ng prinsesang
sakdal-dikit.
956- Ang damit ay dinala na sa dating kublihan niya,sa gayong pagkakasala nakahanda sa
parusa.
957- Nasa kanya na ang damit yapos ng palad sa dibdib,pinaliguanng halik,ng halik na
matatamis.
958- Nang umahon ang prinsesa,kasuota’y di makita,ang galit ay sabihin pa papatayin ang
kumuha.
959- “Sino kayang lapastangan ang naparitong nagnakaw,baka ang utusan naman ng haring
aking magulang?
960- “Ito’y hindi dapat gawin lalo pa nga kung sa akin,maging hamak at alipin ang tingin
ko ay magaling.
961- “Sinuman nga ang nagnakaw ang iyon ay hindi bagay,mga kapatid ko’y lilisa’t ako
rito’y maiiwan.
962- Nang mag-iisang oras na ang paghahanap ng prinsesa,galit ay di nagbabawa,humarap na
na ang may sala.
963- Tuloy luhod sa harapan,halukipkip pa nag kamay;kordero’y siyang kabagay,pangungusap
ay malubay.
964- “O,marikit na bathala,kometa na ba sa lupa,ilawit iyong awa sa palad kong abang-aba.
965- “Aba, marikit na Fenix, buwang pagkasakdal-lamig, sa abâng tatangis-tangis ang mata
mo ay ititig.
966- “Huwag ko pong maging sala ang sa damit mo’y pagkuha ugali ng may pagsintang
maging pangahas sa pita.
967- “Alin naman kayâng buhay, mahigit sa sanlibo man, sa galit mong tinataglay ang di kitling
paminsanan?
968- “Kayâ mahal na Prinsesa, kung ako po’y nagkasala, hintay ngayon ang parusa ng sa iyo’y
may pagsinta.”
969- “Sa pahayag ng prinsipe, prinsesa’y nagdili-dili, ang galit man ay Malaki habag niya’y
humalili.
970- “Galit ko kung nag-apoy man,” sa prinsesang katugunan, “sa abâ mong kalagayan habag
ko’y di napigilan.
971- “Anong bagsik man ng batas, sa parusa’y nagkakalas, kasalanang di mabigat patawad ang
nararapat.
972- “Maging apoy na mainit na nag ningas ay malupit, pag nasubhan na ng tubig pinapatay
rin ng lamig.
973- “Sa iyong pakumbabang halos ika’y lumuluha, ang galit ko ay Nawala, parang natunaw na
bula
974- “Ngunit tabi, sa harapan ako’y iyong pagtapatan, alin bagang kaharian ang iyong
pinanggalingan?”
975- “O, bulaklak ng Sampaga, ako’y anak ng Berbanya, kahariang aywan ko ba kung muli kong
makikita.
976- “Ang inyo pong kaharian ay sinadya kong nilakbay, bula ang aking sinakyan, sa dagat
lumulutang-luting.
977- “Dito sadyang hinahanap ang laon ko nang pangarap, sa puso ko’y bumagabag, isang
talaang sakdal-dilag
978- “Kung sa aking pagsasakit ay wala ring masasapit bumagsak na iyang langit mamatay ay
anong tamis!”
979- “Kaya, mahal na Prinsesa, damit n’yo po’y abutin na at bakâ po ipagdusa, ng abâ kong
kaluluwa.”
980- Ang prinsesa ay mahabag sa anyo ng kapos-palad, galit niya ay naglubag, nahalili ay
pagliyag
981- Inabot na yaong damit, nagmadali nang nagbihis, sa prinsipe ay lumapit na may ngiting
pagkatamis.
982- “Magtindig ka at humawak sa kanang kamay ko, liyag, iya’y tandang walang kupas ng
pagsinta kong matapat.”
983- Nagtindig si Don Juan at masuyong hinawakan yaong marangal na kamay ng prinsesang
kanyang mahal.
984- Sa isang batong makinis nagsiupong magkaniig, kapwa puso’y umaawit ng ligaya sa pag-
ibig.
985- “Sa ating pagsusuyuan sa atas ng pagmamahal maglihim ay kataksilan,” ang prinsesa’y
nagsalaysay.
986- “Kayâ ikaw ay making sa aking ipagsusulit, magmalas ka sa paligid ng palasyong sakdal-
dikit.
987- “Iyang iyong natatanaw mga batong nakahanay, ang lahat na’y taong tunay na pawing
maparusahan

You might also like