• Halos nasa pang pang na ng lawa ang bayan ng San Diego sa
gitna ng bukirin at palayan .nag luluwas ito ng asukal,bigas,kape at prutas o ipinag bibili ang mga ito ng napakamura sa mga tsino na nag sasamantala sa kamuslakan at mga bisyo ng mga magsasaka. • Kapag isang araw ay maaliwalas at umakyat ang mga batang lalaki sa pinaka tuktok ng tore ng simbahan ,na nag papalamutian ng lumot at mga halamang ilahas napapasigaw sila sa galak dahil sa kagandahan ng tanawin na nakahain sa kanilang paningin . • Nagiging palatandaan nila ang bawat bagay tulad ng isang punong kahoy,ang sampalok na kakaunti lang ang dahon,ang punong nyog na hitik sa bunga,tulad ng mapagbigay-buhay na si ASTARTE O ni DIANA ng EPHESUS na maraming suso,isang kawawang pakunday kunday,isang punong bunga at isang krus. • Subalit laging umaakit ngpansin ang isang tila tangway ng kagubatan sa karagatang iyon ng mga lupain nilinang .May napaka tanda ng punong kahoy dun ,may mga guwang ang katawan ,ngunit namamatay lamang kapag tinamaan ng kidlat ang matayog na tuktok at masunog.Sinasabing hinde lumalaganap ang apoy at doon din namamatay. • May malalaking bato doon na binihisan ng pelus na lumot ng panahon at kalikasan ,naipong suson-sunon ang alikabok sa mga lungaw ,pinaikpik ng mga ulan at bininhian ng mga ibon.Malayang lumalago ang mga halamang tropical:mga dawag ,mga damo,mga tabing at sala-salabid na baging,bumabagtas sa mga puno,nangaglawait sa mga sanga,nangungunyapit sa mga ugat ,sa lupa,at waring itinanim ng isang hindi pa nasasisiyahang dyosa sa ibabaw ng ibang halaman. • Iginagalang ang gubat na iyon.Maranmi itong katakatakang alamat subalit ang malapit sa katotohanan kaya hindi gaanong pinaniniwalaan at malaganap ay ang sumusunod. • Mula pag kabata,napamahal na si Don Rafael sa mga magbubukid.mabilis na lumaganap ang pagsasaka ,na dala’t pinagyamanan ng kanyang ama ;Dumagsa ang mga bagong dayo,Dumating ang maraming tsino,mabilis na naging bayan-bayanan ang nayon at nag karoon ng isang kurang katutubo.Pagka raang maging bayan-bayanan,namatay ang kura at dumating si PADRE DAMASO. TALASALITAAN
• Kahangalan – ang ka sinabing kahangalan ay nangangahulugang walang
alam,hindi nag iisip o estupido • Simboryo – ito ay kultura ng bawat mamayanan o kampanaryo • Mataas managalog – ang kastilang mataas manangalog ay si DONYA CONSOLACION