mga libangan, at negosyo. Nililikha ang pelikula sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay (kabilang ang inarte na pantasya at mga peke) sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun. Ano ang pelikula? • Ang pelikula, kilala din bilang sine , ay isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakita ng mga gumagalaw na larawan ang letratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang larangang ito ng akademya bilang ang pag-aaral ng pelikula. Pagsulat ng Isang Rebyu ng Isang Pelikula Ano ang rebyu? • Ang rebyu o panunuri naman ay isang paraang nagpapahalaga, nagtitimbang at nagpapasiya sa isang akda o likhang sining. Layunin nitong hanapin ang kabutihan at katotohanan para bigyang-pansin ang kahalagahan at kariktan; at hanapin ang kahinaan ng akda o pagtatanghal upang ito’y mapapabuti. • Ito ay hindi pamimintas na halos walang makitang mabuti sa bagay na sinusuri. Tumutukoy ito, hindi lamang sa kakulangan kundi sa mabubuting bagay na isinasaalang-alang. Ano ang rebyu? •Ito’y sinusulat hindi upang magbigay ng papuri o manira bagkus ay upang timbangin ang kahinaan at kagalingan at pagkatapos ay magbigay ng angkop na pagpapahalaga at pagpapasiya sa isang aklat o pagtatanghal at iba pang akdang pampanitikan. Mga Aspektong sa Pagsusuri ng Pelikula •Pamagat Pagganap ng mga •Tema Tauhan •Buod •Ang Paglapat ng •Direksiyon Tunog •Disenyong •Ang Paglalapat ng Pamproduksiyon Musika •Sinematograpiya •Editing •Makatotohanang •Screenplay 1.Pamagat Pamagat •Ito ang magpapakilala sa pelikula. 2. Tema Tema •Tungkol saan ang nilalaman ng pelikula? Ano ang mensaheng ipinahahayag nito? 3. Buod Buod •Ang pinaikling nilalaman ng isang pelikula. Isang maikling pagpapakilala sa mga tauhan at mahahalagang pangyayari sa isang pelikula. 4. Direksiyon Direksiyon •Ang pamamaraan ng director kung paano niya patatakbuhin ang pelikula. 5. Disenyong Pamproduksiyon Disenyong Pamproduksiyon
•Ito ay tumutukoy sa mga
kasuotan at mga props ginagamit sa pelikula upang higit na makatotohanan. 6. Sinematograpiya Sinematograpiya •Ang pagbibigay-anggulo sa mga eksena ang pinatutungkulan nito. • Ang kagandahan ng isang pelikula ay dumedepende sa galling ng pagbibigay-anggulo sa mga eksena. 7. Makatotohanang Pagganap ng mga Tauhan Makatotohanang Pagganap ng mga Tauhan •Tumutukoy ito sa kung paano binibigyang-buhay ng mga artistang nagsiganap sa pelikula ang mga karakter na kanilang ginagampanan. 8. Ang Paglapat ng Tunog Ang Paglapat ng Tunog •Nakakatulong ito upang maging higit na makatotohanan ang dating ng isang pelikula. 9. Ang Paglapat ng Musika Ang Paglapat ng Musika •Nakakatulong ito upang mabuhay ang mga emosyon at damdamin ng mga manonood ng isang pelikula. 10. Editing Editing •Ang pagdudugtong-dugtong ng mga eksena mula sa isang tagpo patungo sa isa pang tagpo. 11. Screenplay Screenplay •Ang magagandang diyalogo sa isang pelikula ay naaalala ng mga manonood hanggang sa pagwawakas ng isang pelikula.