Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Tekstong

Argumentatibo:
Ipaglaban ang
Katuwiran
Balik-tanaw
Alalahanin ang isang pagkakataon
kung kalian kinailangan mong
magbigay ng sariling argumento
tungkol sa isang usapin. Ibigay ang
naging paksa ng usapin at kung ano
ang naging posisyon at argumento
mo hinggil dito.
Lusong – Kaalaman
Magbigay ng repleksiyon sa isinaad ni William
Faulkner tungkol sa halaga ng paninindigan sa
gitna ng kawalan ng katarungan. Sumasang-ayon
ka ba sa sinabi niya?
“Huwag matakot na magsalita at
manindigan para sa katapatan at
katotohanan laban sa kawalan ng hustisya,
kasinungalingan, at kasakiman. Kung lahat ng tao
sa buong daigdig ay gagawa nito, mababago ag
mundo.”

WILLIAM FAULKNER
 Lahat ng tao ay gumagamit ng iba’t ibang porma
ng argumentasyon sa iba’t ibang pagkakataon.
 Maging ang mga simpleng sitwasyon ay
nangangailangan ng mahusay na
pangangatuwiran gaya ng paghingi ng permiso sa
mga magulang, panghihiram ng gamit sa kapatid,
pamimili ng paksa o konsepto sa mga gawaing
panggrupo sa klase, o kaya ay paghingi ng
pangalawang pagkakataon sa iniibig.
 Bagama’t hindi pormal ang estilo ng argumentasyon
sa mga nabanggit na pagkakataon, ang mga
estratehiyang ito sa pangangatuwiran ang batayan
ng mga tekstong argumentatibo.
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng
teksto na nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa
o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa
personal na karanasan, kaugnay na mga
literature at pag-aaral, ebidensiyang
kasaysayan , at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy sa
pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng
pakikipanayam, sarbey, at eksperimentasyon.
Nangangailangan ang pagsulat ng tekstong
argumentatibo ng masusing imbestigasyon
kabilang na ang pangongolekta at ebalwasyon
ng mga ebidensiya.
Mula rito ay paninindigan ang isang posisyon na
isusulat sa maikli ngunit malaman na paraan.
Sa pamamagitan ng detalyadong pag-aaral sa
paksa o isyu, mas nauunawaan ang iba’t ibang
pananaw o punto de bista at nakapipili ang
mananaliksik ng posisyong may matibay na
ebidensiya.
Kailangang may malinaw na tesis
at ginagabayan ng lohikal na
pangangatuwiran ang tekstong
argumentatibo, kahit pa ang
pangunahing layunin nito ay
ipahayag ang opinion ng
manunulat sa isang tiyak na isyu.
2 elemento ng pangangatuuwiran:
1. Proposisyon
2. Argumento
Ayon kay Melania L. Abad(2004) sa
“Linangan : Wika at Panitikan,”
Proposisyon- ay ang pahayag na inilalahad
upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang isang
bagay na pinagkakasunduan bago ilahad ang
katuwiran ng dalawang panig.
magiging mahirap ang pangangatuwiran kung
hindi muna ito itatakda sapagkat hindi
magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang
dalawang panig.
Narito ang mga halimbawa ng
proposisyon.
Dapat na ipasa ang Divorce Bill upang
mabawasan ang karahasan laban sa
kababaihan.
Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang
miyembro nito upang magtrabaho sa ibang
bansa.
Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral
ang multilingual education kaysa sa bilingual
education.
Ang unang hal. Ng proposisyon ay
tungkol sa pagiging epektibo ng
pagpapatupad ng isang polisiya.
Ang ikalawa naman ay tungkol sa
paniniwala sa isang bagay at epekto
nito sa tinutukoy na phenomenon.
At ang ikatlo ay paghahambing kung
ano ang mas mabuti o hindi.
Argumento- ito ang paglalatag ng
mga dahilan at ebidensiya upang
maging makatuwiran ang isang
panig.
Kinakailangan ang malalim na
pananaliksik at talas ng pagsusuri sa
proposisyon upang makapagbigay
ng mahusay na argumento.
Katangian at Nilalaman ng Mahusay
na Tekstong Argumentatibo
Mahalaga at napapanahong paksa
Upang makapili ng angkop na paksa, pag-
isipan ang iba’t ibang napapanahon at
mahahalagang isyu na may bigat at
kabuluhan. Makatutulong din kung may
interes ka sa paksa, ngunit hindi ito sapat.
Kailangan mo ring pag-isipan kung ano ang
makatuwirang posisyon na masusuportahan
ng argumentasyon at ebidensiya.
Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
Sa unang talata, ipinaliliwanag ng
manunulat ang konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtalakay nito sa
pangkalahatan. Tinatalakay rin sa bahaging
ito kung bakit mahalaga ang paksa at kung
bakit kailangang makialam sa isyu ang mga
mambabasa.
Maaaring gumamit ng introduksiyon na
makakukuha ng atensiyon ng mambabasa
gaya ng impormasyon, estadistika,
makabuluhang sipi mula sa prominenteng
indibidwal, o kaya ay anekdota na may
kinalaman sa paksa ng teksto.
Malinaw at Lohikal na transisyon sa pagitan ng
mga bahagi ng teksto
Transisyon ang magpapatatag ng pundasyon
ng teksto. Kung walang lohikal na pagkakaayos
ng kaisipan, hindi makasusunod ang
mambabasa sa argumento ng manunulat at
hindi magiging epektibo ang kabuuang teksto sa
layunin nito. Nakatutulong ang transisyon upang
ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng teksto
at magbigay ng introduksiyon sa susunod na
bahagi.

You might also like