Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ANG PAGTATALO

Dalawang magkasalungat na panig ang nagkakatuwiran ukol


sa isang paksang pinagkaisahang talakayin ang pagtatalo.
Samakatuwid, katulad ng pagtatalumpati, sa pagtatalo ay mahalaga
ang kaalaman sa tamang pagmamatuwid. Ang pagtatalo ay
maaaring nakasulat o kaya ay binibigkas. Ang mga Pilipino ay may
isang uri ng pagtatalo na ginagawa nang patula. Ito ay ang
Balagtasan.
PAGPILI NG PAKSA O PROPOSISYON

Ang proposisyon ay isang paninindigang inihayag sa isang


anyong pangungusap na nilalayong patunayan ng tagapagtaguyod
nito sa pamamagitan ng mga argumento. Nagsasaad ang proposisyon
ng mga bagay na maaaring tutulan at pagtalunan.
Ang pangkat ng sang-ayon (affirmative) ang nagpapatunay sa
proposisyon samantalang ang panig ng salungat (negative) ang
nagpapabulaan sa proposisyon.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PROPOSISYON
1. Magkasinlakas na panig ang nagkakasalungatang palagay.
Samakatuwid, walang kinikilingan ang proposisyon.
2. Kailangang hindi gaanong malawak at hindi rin naman gaanong
makitid ang larangan ng paksa.
3. Mahalaga at napapanahon ang paksa.
4. Dapat may masasaliksik na mga katibayang batay sa katotohanan.
5. Kawili-wili ito sa nagtatalo at sa mga nakikinig.
6. Hindi pa ito napagpapasiyahan.
7. Mahalagang pagtaluhan.
ISAALANG-ALANG ANG MGA SUMUSUNOD SA
PAGPAPAHAYAG NG PROPOSISYON

1. Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.


2. Gawing payak at paturol ang pangungusap na may isa lamang
suliraning patutunayan.
3. Ipahayag na walang salitang mapag-aalinlangan ang kahulugan.
4. Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.
PAGHAHANDA SA PAGTATALO

Ang paghahanda sa pagtatalo ay nangangailangan ng mga


hakbang na ito:

1. Pangangalap ng kinakailangang mga datos


2. Paggawa ng balangkas
3. Pagpapatunay ng mga katuwiran
PAGTITIPON NG DATOS
Ang pangangalap ng mga kinakailangang datos na gagamitin
sa pagmamatuwid ay dapat na gawin sa pamamagitan ng pagtatala
ng mga tunay na pangyayari buhat sa mapaniniwalaan at
napapanahong mga aklat, sanggunian, at magasin.
Dalawang sanggunian ang karaniwang pagkunan ng datos:
ang ating sariling pangmasid at ang pagmamasid ng iba na
awtoridad sa paksang pinagtatalunan. Banggitin sa tala ang
pamagat ng aklat o magasin, ang may-akda, ang pahina at petsa na
pinagkunan ng tala.
ANG BALANGKAS
Ang balangkas ay ang paghahanay ng mga katuwiran. Ito ay
masasabing pinaikling pakikipagtalo. Ang mga bahagi ng balangkas ay
panimula, katawan at wakas. Sa panimula, ihayag ang paksa ng pagtatalo,
kahalagahan sa kasalukuyan gn paksa, ang mga kinakailangang
pagbibigay-katuturan ng mga talakay o termino at ang pagpapahayag ng
isyu. Ang katawan ng balangkas ay binubuo ng mga isyung dapat na
bigyang-katuwiran. Pumili ng mga tatlo o apat na isyu at ilagay sa wastong
ayos. Bawat isyu ay binubuo naman ng mga patunay, mga katibayan o mga
katuwirang siyang magpapatotoo sa panig na pinanghahawakan o
pinapanigan.
ANG WAKAS

Ito ay ang mga pangungusap na siyang nagbubuod sa mga


isyung binigyan ng mga patunay. Inuulit dito ang mahahalagang
katuwiran na binanggit sa katawan ng balangkas.
PARAAN NG PAGTATALO
Ang Oregon-Oxford na uri ng pagtatalo ang madalas na gamiting paraang
ng pagtatalo.
1. Binubuo ng dalawa o tatlong kasapi ang bawat koponan.

2. Walo o sampung minuto ang oras ng talumpati ng bawat tagapagsalita.

3. Pagkatapos ng talumpati ng bawat isa, mayroon munang tatlong minuto ng


pagtatanungan.
4. Pagkatapos ng lahat ng mga pangunahing talumpati at tanungan, mayroon
namang tatlong sandali ng pagtuligsa (rebuttal) ang mga kasapi, ngunit
limang minuto naman ang para sa pagtuligsa at pagbubuklod ng puno ng
bawat koponan.
AYOS NG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MGA
MAGSASALITA SA PAGTATALONG ITO:
1. Unang tagapagsalita (sang-ayon) pagtatanggol sa panig.
2. Unang tagapagsalita (salungat) pagtatanong.
3. Unang tagapagsalita ng salungat, pagtatanggol sa panig.
4. Unang tagapagsalita ng sanga-ayon (magtatanong).
5. Ikalawang tagapagsalita ng sang-ayon (pagtatanggol sa panig).
6. Ikalawang tagapagsalita ng salungat (magtatanong).
7. Ikalawang tagapagsalita ng salungat, pagtatanggol sa panig.
8. Ikatlong tagapagsalita ng sang-ayon, magtatanong.
9. Ikatlong tagapagsalita ng salungat, talumpating ganting-matuwid (rebuttal
speech).
10. Ikatlong tagapagsalita ng sang-ayon, talumpating ganting-matuwid.
MGA DAPAT MALAMAN SA PAGTATANONG:

1. Siya ay dapat magtanong lamang ng mga tanong na masasagot ng oo o hindi.

2. Huwag payagang magtanong sa kanya ang kalaban kung siya ang nagtatanong.

3. Huwag pumayag na aksayahin ng kalaban ang kanyang oras sa pagtatanong.

4. Dapat siyang magtanong ng tungkol sa buod ng talumpati ng tinatanong niya.

5. Kung lumabag sa alintuntunin ng pagtatanong ang isa sa kanila, dapat itong


ipaalam sa Tagapangasiwa ng pagtatalo.
MGA DAPAT BANGGITIN SA PAGTULIGSA
(REBUTTAL)
1. Ilahad ang mga mali sa katuwiran ng kalaban.
2. Ipaalam ang walang katotohanang sinabi ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang kahinaan ng mga katibayan ng kalaban.
4. Ipaalam na labas sa buod ang katuwiran o katibayan ng kalaban.
5. Magtapos sa pagbubuklod ng sariling mga katuwiran at katibayan
sa sariling buod.

You might also like