Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Kabanata II:

AKADEMIKONG
PAGSUSULAT
Isinumite nina :
Diocel Baylon, Dale Estacio, Yrica Adigue, Rogelyn Agustin
KAHULUGAN AT KALIKASAN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
• “Ano mang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang
pangangailangan sa pag-aaral.” -(http:/grammar.about.com/)
• “Ano mang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori o
argumentatibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik
upang magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa. “
-(http:/grammar.about.com/)
• “Makadang tuluyang prosa na nasa uring ekspositori or
argumentatibo na ginagawa ng mga magaaral at guro
patungkol sa isang paksa.”
• “naasahang ito ay tumpak, pormal, impersonal at
obhetibo.” – http:/grammar-your.dictionary.com/
May ilang kalikasan ng akademikong pagsulat na
sinusunod ng nakararami. Tatlo sa mga ito, ayon kina
Fulwiler at Hayakawa (2003), ay ang sumusunod:
• 1. Katotohanan. Ang isang mahusay na akademikong papel ay nagpapakita na
ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang
makatotohanan.
• 2. Ebidensya. Ang mga iskolar sa Iahat ng disiplina ay gumagamit ng mga
mapagkakatiwalaang ebidensya upang suportahan ang katotohanang kanilang
inilalahad.
• 3. Balanse. Nagkakasumdo ang halos Iahat ng akademya na sa paglalahad ng
mga haka, opinyon at argumento ay kailangang gumamit ng wikang walang
pagkiling, seryoso at di-emosyonal nang maging makatwiran sa mga
nagsasalungatang pananaw.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG
PAGSULAT

• “Ang akademikong pagsulat sa ingles ay LINEAR. - http:/.www.


Uefap.com/
• “Ang akademikong pagsulat sa ano mang wika ay may may
tinutubok na sentral na ideya o tema at ang bawat bahagi ay may
ambag sa pangunahing linya ng argumento.”
Ayon muli sa http://www.uefap.com, ang iba pang
katangian ng akademikong pagsulat ay ang sumusunod:
1. Kompleks. Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wika. Ang pasulat
na wika ay may higit na mahahabang salita, mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.
2. Pormal. Hindi angkop dito ang mga kolokyal at balbal na salita at ekspresyon.
3. Tumpak. Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay
inalalahad nang tumpak o walang labis at walang kulang.
4. Obhetibo. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga
argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
5. Eksplisit. Responsibilidad ng manunulat nito na gawing malinaw sa mambabasa kung
paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa.
6. Wasto. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o
pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
7. Responsable. Kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga
ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento maging sa pagkilala sa ano
mang hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang maparatangan na isang
plagyarista.
Sa mga katangiang natalakay ay maidaragdag ang sumusunod na mula naman sa http://www.vsm.sk:
8. Malinaw na Layunin. Ang layunin ng akadamikong pagsulat ay matugunan ang mga
tanong kaugnay ng isang paksa.
9. Malinaw na Pananaw. Ang manunulat ay naglalahad ng mga ideya at saliksik ng iba, ang
layunin ng kanyang papel ay maipakita ang kanyang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng
kanyang papel. Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.
10. May Pokus. Kailangang iwasan ang mga hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi
mahalagan at taliwas na impormasyon.
11. Lohikal na Organisasyon. Ang karamihan ng akademikong papel ay may introduksyon,
katawan at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
12. Matibay na Suporta. Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta
para sa pamaksang pangungusa at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng
facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon ng mga eksperto at siniping pahayag o
quotations.
13. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon. Napakahalaga nito, dahil bilang manunulat,
kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging
posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng
manunulat.
14. Epektibong Pananaliksik. Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal at
akademikong hanguan ng mga impormasyon. Kaugnay nito, mahalagang maipamalas ang intelektwal
na katapatan sa pamamagitan ng dokumentasyon ng Iahat ng hinangong imposmasyon o datos.
Iminumungkahi naming ang dokumentasyon sa estilong A.P.A.
15. Iskolarling Estilo sa Pagsulat. Iskolarli ang estilo sa pagsulat ng akademikong papel dahil
sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong
papel, kung kaya't napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas
at bokabularyo sa pagsulat nito.
LAYUNIN NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
1. Mapanghikayat na Layunin
2. Mapanuring Layunin
3. Impormatibong Layunin
TUNGKULIN O GAMIT
NG AKADEMIKONG
PAGSULAT
1. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang
ng kahusayan sa wika
2. Ang akademikong pagsulat ay lumilinang
ng mapanuring pag-iisip.
3. Ang akademikong pagsulat ay
lumilinang ng mga pagpapahalagang
pantao.
4. Ang akademikong pagsulat ay isang
paghahanda sa propesyon.
MGA ANYO NG
AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang mga anyong ito ng akademikong papel
ay hinati ng mga may akda sa tatlong kategorya:
• Unang Kategorya (Yunit 2)
-ito ay madalas na ipinapagawa sa mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura.
Nabibilang dito ang Sintesis, Buod, Abstrak, Talumpati at Rebyu.
• Ikalawang Kategorya (Yunit 3)
-naiiba ang anyo nito dahil ito ay personal o pansarili.
Nabibilang dito ang Replektibong Sanaysay, Posisyong Papel, Lakbay-Sanaysay at Pictorial Essay.
• Ikatlong Kategorya (Yunit 4)
-Walang ibang dahilan sa pagkakategoryang ito maliban sa residual ang mga ito.
Nakapaloob dito ang Bionote, Panukulang Proyekto, Agenda at Katitikan ng Pulong.
SALAMAT

You might also like