Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 38

SOSYEDAD AT

LITERATURA
PANITIKANG PANREHIYON, PANITIKANG PAMBANSA

MGA INAASAHANG RESULTA NG PAGKATUTO

1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan,


makabuluhan at kapaki-pakinabang na sanggunian
sa panunuring pampanitikan.
2. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na
akdang pampanitikan na may kabuluhang
panlipunan.
PANITIKANG PANREHIYON, PANITIKANG PAMBANSA

Mula sa:
Bienvenido Lumbera. (2000). Writing the Nation/ Pag-
akda ng Bansa. Quezon City: University of the
Philippines Press, pp. 162-165.
PANITIKANG PANREHIYON, PANITIKANG PAMBANSA

“Kanon” ng Panitikan ng Pilipinas


• Sumalamin sa kabuuan ng mga akdang likha
ng mga Filipinong mula sa iba’t ibang
panahon at wika
• Tatlong panitikan lamang ang may kinatawan
sa “kanon” (Tagalog, Ingles, at Espanyol)
PANITIKANG PANREHIYON, PANITIKANG PAMBANSA

Pagkakaiba ng Wikang Tagalog sa Wikang Filipino


• “Kulturang” pinag-uugatan ng wika dahil
panitikang panrehiyon ang panitikang Tagalog
na itinuturing na ring panitikang pambansa
• Katangiang panrehiyon ay nagsisilbing
tuntungan tungo sa higit na malawak na daigdig
sa labas ng rehiyon (Lumbera)
PANITIKANG PANREHIYON, PANITIKANG PAMBANSA

Pagkakaiba ng Wikang Tagalog sa Wikang


Filipino
• Wikang Tagalog ay batayan ng wikang
palalaganapin sa lahat ng Filipino
• Akdang Tagalog ang batayang babasahin sa
panimulang pag-aaral ng wikang pambansa
PANITIKANG PANREHIYON, PANITIKANG PAMBANSA
Relasyong “diyalektikal” ang relasyon sa pagitan
ng panrehiyon at pambansa
Bisa ng Panitikang Panrehiyon
 Panloob na paninging nagpapalalim at
nagpapatibay sa pag-ugat ng mga akda sa
tradisyonal na kultura ng rehiyon
Bisa ng Panitikang Pambansa
 Palabas na paninging nakabukas sa ibang
kultura, katutubo man at dayuhan, na
nagpapalawak sa repertoryo ng kaisipan at
pamamaraan na magagamit ng manunulat
PANITIKANG PANREHIYON, PANITIKANG PAMBANSA
Panitikang panrehiyon
1. Sebuwano (Bisaya)
2. Ilonggo (Hiligaynon)
3. Iluko (Bannawag)
• May “bahagyang kaugnayan” na makikita sa
limitadong relasyon ng tatlong prinsipal na
panitikang rehiyonal na nakapalaman sa
Liwayway
PANGKARANIWANG BATAYAN SA PAGSUSURI NG
PANITIKAN
 1. Pagsusuri ng Teksto o Salitang Ginamit
(Text-Oriented Approach)
 2. Pagsusuri sa Istilo ng Manunulat
(Author-Oriented Approach)
 3. Pagsusuri ng Mambabasa/ Tagapakinig
(Reader-Oriented Approach)
Gawain 1: Pag-aanalisa ng Kundiman na
pinamagatang Jocelynang Baliwag
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
 Ang kulturang popular ay ang lingguwistiko at
kultural na translasyon ng gitnang uring
fantasya o ang panunutunan ng
pagkamamamayang nakabatay sa markers at
mga muhon ng gitnang uri ng buhay.
 20% -kabilang sa gitnang uri
 80% - kabilang sa mahihirap
 1% - kabilang sa kumikita ng lampas-lampasan
sa 99% ng mamamayan
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
 Ang kondisyon ng posibilidad ng kapangyarihan
ng estado – gobyerno at malaking negosyo – ay
nakapaghari
 “Politikal na Pagsusuri” sa kulturang popular
1. Pagtukoy sa kondisyong sumisikil sa aktuwal na
materyal na kondisyon, pagwaksi sa pagiging
kulang sa materyal na lagay at marka ng gitnang
uri ng panuntunan, at pribatisadong paghahabol
sa panahon na walang sistemikong serbisyo
publiko at pagtulong na mahihita sa estado.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
 “Politikal na Pagsusuri” sa kulturang popular
2. Pagkukumahog ng mamamayang naitsa na
lamang mula sa barko, para lumangoy ng sarili
nila, habulin ang barko sa ginintuang sunset, at
ang posibilidad ng korelatibong pagsusuri at
pagkilos batay sa analitikal na perspektiba ng
politikal sa kulturang popular para sa pagmumulat,
pagpapakilos at pag-oorganisa ng mamamayan
para sa rebolusyonaryong adhikain.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa
Kulturang Popular
 korolaryong metapora at trope ng pagbalikwas
sa teksto-konteksto ng kulturang popular na
maaaring umalingawngaw sa aktuwal na
lipunan
 Na tulad ng metapora, madulas at hindi lamang
iisa ang tinutumbok, na ang rosas ay hindi
lamang pagsisinta at pag-ibig, pagdurugo rin at
katapangan, kahiwagahan at kaginhawaan.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa
Kulturang Popular
• Trope naman ang mga imahen, tulad sa
panitikan, na maaaring makapagbigay-liwanag at
makapagpaliwanag sa mas malaking kahulugan
ng mga bagay at aksyon, na ang kayamanan sa
loob ng baul na itinapon ni Padre Salvi sa El
Filibusterismo, halimbawa, ay ang pagkupkop sa
posibilidad ng rebolusyon, ng pagkahinog ng
mamamayang yaman ng bansa para sa mas
mataas na rebolusyonaryong gawain.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang
Popular
• In retrospect at hindsight ang pagsusuri ng metapora
at trope sa teksto ng kulturang popular. Parang sa film
class, nakapanood na ang mga estudyante bago pa
man sila pumasok sa klase. Alam na nila kung paano
manood ng sine kahit walang formal na nagturo nito.
Ang inilalahok na lamang ng pagsusuri ay ang
bokabularyo ng disiplina, maging ang paraan ng
pagbasa—formal at kontekstuwal—sa mga pelikula.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa
Kulturang Popular
• Nagmo-malling ang mga estudyante; may mga
preferensiya sa tugtog na pinapakinggan, damit
na sinusuot, gupit ng buhok, gimik places,
modelo ng cellphones, at iba pa; ito ang
henerasyong pinakababad sa kulturang popular
sa global na diin sa mga industriyang service
sector, tulad ng entertainment, fashion,
edukasyon, kalusugan, turismo, at iba pa.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa
Kulturang Popular
• Sa karaoke, etika ng partisipasyon ang paglahok
ng lahat. At least once ay kailangang kumanta
dahil hating kapatid naman ang bayad. Kaya
whether-you-like-it-or-not, kakanta ka kahit wala
kang boses, kahit nga sapilitan kahit pa alam
naman ang etikang ito bago pa man pumaloob sa
karanasan ng karaoke. Peer pressure gaya ng
pagpili sa karaoke bilang bonding mode ng
barkada o office mates.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang
Popular

• Koersibo ang karaoke kahit walang nakatutok na baril. Hindi


nakapapanghimok ito ng kontraryong pagkilos sa loob ng
kuwarto ng karaoke o sa lounge. Kahalintulad ng pag-
alinsunod sa kalakaran sa karaoke ang substansiya ng
politikal na protesta sa kulturang popular. Ang politikal na
protesta ay sa antas ng kamalayan lamang—pagkamulat
tungo sa mas malaking konteksto ng partisipasyon at
resepsiyon sa karanasan ng kulturang popular. At kahit
magpakaganito, ang protesta ay hindi lubos na nagaganap:
wala namang “eksteriorisasyon” ang guni-guni maliban sa
pagkibit-balikat, pag-ismid, paglampas lalo sa tono, at iba pa
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang
Popular
• Nagaganap ang pangkamalayang protesta dahil sa
antas ng edukasyon hinggil sa pagdanas ng
kulturang popular. At sa kamalayang protesta, di
lubos ang kasiyahan sa resepsiyon sa mall kahit pa
ito rin naman ang sentimiento ng sinumang
dumaranas sa kulturang popular.
• Na kahit libre ang malling ay hindi pa rin nakatatakas
sa kakatwang ritwalisasyon ng konsumpsiyon.
Retrospect din ang pagdanas ng mayorya ng
mamamayan sa konsumerismo at karanasan.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang
Popular
• Nagaganap ang pangkamalayang protesta dahil sa
antas ng edukasyon, hinggil sa pagdanas ng
kulturang popular.
• Sa punto ng industriya ng kultura na humuhubog ng
mga produkto at serbisyo ng karanasan ay
eksplorasyon ng kasiyahan ng gitnang uring
karanasang makakapaghimok ng higit pang
pagbababad, pagtangkilik at kontraryong kamulatan.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang
Popular
• Kakatwang ritwalisasyon ng konsumpsiyon (malling)
Tripleng negation ng karanasan:
1. Supplanting ng manaka-manaka at panandaliang
kasiyahan at elitismo, relief na historikal at panlipunang
realidad
2. Tila partnership pero wala namang pakialam ang estado
kundi ang paglikha ng produktibong docile subject
3. Replacement ng karanasan sa kulturang popular ay
utopia at praxis ng pagrerebolusyon
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang
Popular
• Kontraryong kosmopolitanismo ang nagpapatunghay sa
kontra-produktibong kalidad ng kosmopolitanismo ng
pambansang modernidad
• Ang pambansang modernidad ay nakaangkla sa
pagpapadanas ng gitnang uring fantasya bilang
kalakaran para maitago ang perpetwasyon ng kahirapan
at elitismo, kasama ang korupsiyon at siste ng
patronahe.
Ang mga idolo at politiko ay nangangako lamang ng
posibilidad ng pag-angat, hindi ng aktwal na pag-angat.

GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang
Popular
• Walang kalakarang politikal na protesta sa kulturang
popular (walang matagumpay na consumer group,
walang nagtagumpay na boykot…)
• Ang politikal na protesta ay matatagpuan sa labas ng
karanasan ng kulturang popular.
• Ang kosmopolitanismo ng politikal na protesta ay
pagdadala ng agenda (fantasy ideal) ng
organisadong mamamayan para sa pagpapatupad
ng hustisya sosyal, ekonomiyang kalagayan, at
politikal na empowerment.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
Karaoke Koersiyon: Politikal na Protesta sa Kulturang
Popular
• Ang politikal na protesta ay matatagpuan sa
lansangan, kanayunan, kabundukan, sa mga
pabrika, komunidad at paaralang nagsusulong ng
kilusang mamamayan.
• Nasa domain ng kilusang masa ang imahinaryong
makababaklas ng gitnang uring fantasya, ang utopia
ng sambayanang nakikibaka para sa tunay na
ikakalaya at ikakabuti ng mamamayan nito.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
2. Melankoli a ng Gitnang Uri
Ang melankolia ay isang mental na estado ng pagluluksa
(mourning). Ang sintomas ay depression, at mas matindi raw
ito tuwing umaga. Sa psychoanalysis, mayroong tanging puwang
ang melankolia. Paratihan ang pagluluksa sa love object, at hindi
magawang ilibing ito.
Sa politika, ang melankolia ay ang sistematisasyon ng
pag-aabang sa nais dumating kahit mas malaki ang posibilidad
na hindi ito makakarating.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
2. Melankoli a ng Gitnang Uri
Nag-aantay ng tunay na pagbabago. Isang pangulong
hindi magiging gahaman, hindi lubos ang pangungurakot,
may kapasidad na mag-moderate ng greed. Isang pamahalaang
pinahahalagahan ang serbisyo publiko, hindi ang pananaw na
ang publiko ang magseserbisyo sa kaniya. Isang pamayanang
ligtas sa kapahamakan, maunlad at makatao. Isang lipunang
may trabaho, katarungan at nakasasapat na kita para sa lahat.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
2. Melankoli a ng Gitnang Uri
Paratihan na lamang nag-aantay sa pagbabago ang mamamayan.
Para mapabilang sa gitnang uri, ang taunang kita ay dapat
nakapaloob sa ₧251,283 hanggang ₧2,045,280. Sa
sosyoekonomikong katangian, ang gitnang uring pamilya ay dapat
nakapasok sa lahat ng sumusunod na mga requirement: “1) whose
housing unit is made of strong roof materials; 2) who owns a house
and lot; 3) who owns a refrigerator; and 4) who owns a radio.”
Natagpuan ng pag-aaral ng National Statistics Office na ang
pangkalahatang populasyon ay gumagasta ng mga sumusunod: 1)
pagkain, 46.58 porsiyento; 2) pabahay at pagkumpuni, 16.8
porsiyento; 3) transportasyon at komunikasyon, 7.52 porsiyento; 4)
gasolina, ilaw at tubig, 6.95 porsiyento; at 5) edukasyon, 3.83
porsiyento.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
2. Melankoli a ng Gitnang Uri
Batay pa rin sa pag-aaral, ang pinakamababang
pinagkakagastusan ay ang mga sumusunod: 1) libangan, 0.38
porsiyento; 2) iba pang bagay, 1.04 porsiyento; 3) tabako, 1.19
porsiyento; 4) kalakaran sa bahay, 1.23 porsiyento; at 5) gamit at
kasangkapan sa bahay, 1.76 porsiyento. Maging ang gitnang uri
sa bansa ay hindi rin nakapaglulustay nang lampasan. May
pagkakahalintulad ang kaniyang paggastos sa nakararami sa
populasyon.
Astang mayaman si Juan at Juana dahil hindi sila aktuwal na
mayaman.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
2. Melankolia ng Gitnang Uri
Mayroong melankolia ang gitnang uri dahil sa dalawang
bagay. Una, intermittent o irregular ang gitnang uring buhay, na
sa isang aksidente, trahedya, matinding pagkakasakit o
sabayang enrollment ng mga anak ay hindi na nakakayanang
matustusan ng sariling kita, nangungutang na kundi man
nakapagsasangla at nakapagbebenta ng mga ari-arian.
Serialisadong melankolia dahil panandalian lamang ang
posisyon ng gitnang uri. Paratihang nagsisimula na naman sa
sikliko ng pagtratrabaho, pagtustos sa malakihang gastos,
pangungutang, pagbabayad-utang, at muling pagtatrabaho.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
2. Melankolia ang Gitnang Uri
Ikalawa, hindi naman talaga gitnang uri ang “gitnang uri,”
napapaastang gitnang uri ang gusto—lifestyle, kalakaran,
operasyonalisasyon, tunguhin at kalidad ng buhay—ng hindi
aktuwal na gitnang uri.
Melankolia dahil paratihang ibinabalik ng pagiging di
gitnang uri—ang mayoryang underclass—ang gitnang uri. Na
kahit saglit at panandalian itong nadaranas, kahit mas matagal
ang kinakailangang paggawa para kumita, itinuturing na ito
bilang preferensiya ng kalidad ng buhay.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
2. Melankolia ng Gitnang Uri
Sa lente ng buhay ng gitnang uri, ang uring afiliasyon
ay nagbabago. Nagkakaroon ng pagtatraydor (betrayal) sa uring
pinagmulan (class origin) para ang identifikasyon ay pumanig sa
abstraksiyon at materyalisasyon ng gitnang uri. Abstraksiyon ito
dahil nga sa mas maraming pagkakataon ay dinaranas lamang
ito sa malawakang antas ng fantasya, ng imahinaryong
makakamit din ang gitnang uri sa di malayong hinaharap.
Materyalisasyon ito dahil nga sa pamamagitan ng sachet
economy, charity at casino public service, manaka-nakang
napaparating ang pribilehiyadong karanasan ng gitnang uri. Tulad
ng imahinaryo, ang gitnang uri ay nililikha bilang abot-kamay,
abot-tanaw na panuntunan. Parang kay daling abutin kahit hindi.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
2. Melankoli a ng Gitnang Uri
Ang akses man sa kulturang popular ay sa pamamagitan
ng gitnang uring panuntunan. Kailangang gumasta—ibig ding
sabihin, kailangang tumbasan ng lakas-paggawa—para
makaranas ng kulturang popular.
Nagpapaalam tayo sa pasakit at pighati para matagpuan
ang kasiyahan. May ligaya sa kamangmangan ang umaastang
gitnang uri. Kahilingang i-off ang switch ng aktuwalisasyon ng
kahirapan para madanas ang ilang saglit na kaligayahan o
kayamanan. Sa bawat saglit ng abang buhay—ang
kolektibisasyon ng 80 porsiyentong mababang uri at 20
porsiyentong gitnang uri—napapaindayog sa kumpas ng tugtog
ng isang porsiyento.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
3. Materyal na Kahirapan , Gitnang Uring Fantasya
Ang kaniyang materyal na kahirapan ay napapalitan ng
imahinaryo ng abot-tanaw (puwede-puwede na muna), at abot
kamay na gitnang uring panuntunan ng buhay.
Ang nangyari sa edad ng neoliberalismo ay ang pagtanggal
ng welfare na aspekto ng estado, ang pag-alis ng inaasahang
tulong ng mga mamamayang nawalan ng kabutihan ng buhay
dulot ng masibong ekonomiyang maniobra ng pamahalaan at
negosyo. Kung nawala ito, ang direksiyon ay tungo sa kaniya-
kaniyang pagsagip ng sarili. Wala nang katiyakan ang bukas, o
kundi man, wala nang maasahan sa gobyerno dahil nagsisiste
na ito sa sariling papel sa global na buhay— ang buksan ang
landas para sa pagpasok ng dayuhang kapital, at ang
pagsasabatas ng mga alituntuning kaugnay nito.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
3. Materyal na Kahirapan , Gitnang Uring Fantasya
Isinusugal niya ang kaniyang kinabukasan dahil ang materyal na
kasalukuyan—kasama ng historikal na uring pinanggalingan— ay hindi
nakasasapat. Nadadale siya sa pyramiding scheme na get-rich-quick
na modalidad na pang-ekonomiyang pag-angat. Nalulugi siya sa
negosyong pinasok. Natatalo sa mga isinugal. Nangungutang kapag
may nagkakasakit sa pamilya. Silang gitnang uri ay naniniwala sa
imahinaryo ng gitnang uring fantasya.
Kulturang popular na lamang ang malawakang tinatangkilik, at
dito na lamang naghahanap ng subersibong kahulugan at pagbasa
na taliwas sa hegemoniya ng naghaharing uri. Akademiko ang
treatment, at alam natin na walang nabago ang akademya sa
praktika ng pag-iisip at pagkilos ng malawakang mamamayan.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
4. Kasiyahan sa Kultural na Imperyalismo
Tinuturing na wala nang reli (relevance) o cache ang
“kultural na imperyalismo.” Ang imperyalismo ay ang
“pinakamataas na yugto ng kapitalismo” (Lenin) na
pumapatungkol sa mas matinding kalakaran tungo sa
konsentrasyon ng kapital sa iilang makapangyarihang bansa;
at kung gayon, mas matinding anyo ng panunupil at
exploitation.
Hindi naman nawawala ang militaristikong pamamayagpag
sa imperyalismo. Ang huling pinakamatingkad na
pamamayagpag ng U.S. ay ang panlulusob nito sa Iraq, isang
dating malayang bansa. Sa Pilipinas, parating may paalaala
ang U.S. sa sinusuportahan nitong pangulo.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
4. Kasiyahan sa Kultural na Imperya lismo
Tanging ang karanasan sa kultural na imperyalismo ang salin sa
antas ng kasiyahan. At sa kasalukuyang henerasyon, tunguhin ng
kultural na imperyalismo ang kultural na integrasyon sa bawat yugto
ng buhay ng indibidwal (life cycle).
Kung kasiyahan ang itinatampok, ang alaala ng karanasan sa
mas mabigat at malawak na sakop ng pasakit at pighati ang
binubura.
Kaya ang paglaban sa kultural na imperyalismo ay hindi lang sa
antas ng pang-araw-araw at kamalayan: pedestrian malling at
window shopping na hindi pinapakita ang mall developer, wala pang
successful na boycott ng mga produkto at serbisyo sa bansa, wala
pang nabalikwas na kalakarang pangestado ang pinakaradikal na
term paper na isinumite sa klase.
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
4. Kasiyahan sa Kultura l na Imp erya lismo
Politikal na pagkilos ang katugunan—sa antas ng indibidwal, ang
pagtaas ng kamulatan, at pag-ugnay nitong mataas na kamulatan sa
kilusang masa tungo sa mobilisasyon at organisasyon. Ang ginawa ng
pagtampok sa kasiyahan sa kultural na imperyalismo ay gawing
pang-araw-araw na lamang ang kalidad ng pagbabalikwas gayong
wala namang sistemikong nababago sa sistemang kalakaran. Ang
binubura ng kontemporaneong kultural na pagsusuri ay ang
panlipunang politika (social politics) para paboran ang politika ng
pang-araw-araw (politics of everyday life). Sa mga pagsusuri ng
kulturang popular, lalo na ang urban na kultura, ang diin ay sa mga
kalakaran ng pang-araw-araw na pagbabalikwas. Paano maituturing
na pagbabalikwas ang mga pagkilos at kaisipan kung ito ay
adaptasyon lamang ng namamayaning hegemoniya, tulad sa krisis
ng politika at ekonomiya?
GITNANG URING FANTASYA AT MATERYAL NA
KAHIRAPAN SA NEOLIBERALISMO: POLITIKAL NA
KRITISISMO NG KULTURANG POPULAR
4. Kasiyahan sa Kultura l na Imp erya lismo
Kinakailangan ng mas masaklaw na politikal na pagsusuri
bilang tunay na kahandaan sa politikal na transformasyon—
ang pag-imagine at pagkilos tungo sa mundo sa labas ng
imperyalismo. Tungo sa isang kultura na naninilbihan sa interes
ng sambayanan.

You might also like