Wastong Gamit NG Salita

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

WASTONG GAMIT

NG
MGA SALITA
Ang “Paggamit ng Tama at Angkop na Gamit ng mga Salita” ay
naglalayong:

a. Mapabuti at maiangat ang kakayahang komunikatibo ng mga


mag-aaral nang may tama at angkop na gamit ng mga salita;
b. Mapalawak ang kaalaman at maisagawa ang mga kasanayang
pambalarila sa pakikipagtalastasan;
c. Magamit ang kasanayan sa pag-unawa, pagpapakahulugan,
pagsusuri, at pagbibigay-halaga sa tama at angkop na gamit
ng mga salita sa iba’t ibang paraan;
d. Makasulat nang maayos at mahusay na komposisyon nang
may tama at angkop na gamit ng mga salita;
e. Makapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamaraang
malinaw, wasto at mabisa.
Pahirin – Pahiran

Pahirin – pagtatanggal, pag-alis, o pagpawi ng


Pahirin
isang bagay.
– Pahiran
Halimbawa:
Pahirin mo ang iyong pawis sa ilong.

Pahiran – paglalagay ng isang bagay.


Halimbawa:
Masarap na almusal ang pandesal na
pinahiran ng mantekilya.
Punasin – Punasan

Punasin – ginagamit kapag binabanggit ang bagay


na tinatanggal.
Halimbawa:
Maaari mo bang punasin ang alikabok sa mesa?

Punasan – ginagamit kapag ang binabanggit ay ang


bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man.
Halimbawa:
Punasan mo ang iyong mukha.
Iwan – Iwanan
Iwan – huwag isama/dalhin;
– paglayo o paglisan
Halimbawa:
Iwan mo na lang ang bag mo sa kotse ko.
Iniwan ko ang pag-aaral dahil walang pantustos ang
magulang ko.

Iwanan – bibigyan ng kung ano ang isang tao;


– paglagay ng bagay o tao sa isang lugar o tao
Halimbawa:
Iwanan mo ako ng perang pambili ng hapunan.
Naiwanan ko ang payong doon sa simbahan, nakita mo ba?
Pinto – Pintuan

Pinto (door) – bahagi ng daanan na isinasara o


ibinubukas
Halimbawa:
Isinara ni April ang pinto upang makaiwas sa
masasamang-loob.
Pintuan (doorway) – kinalalagyan o kinakabitan ng
pinto; bahaging daanan
Halimbawa:
Nakaharang sa pintuan ang hinubad niyang
sapatos.
Hagdan at Hagdanan

 Hagdan (stairs) – mga baitang na inaakyatan at


binababaan sa bahay o gusali
Halimbawa:
Mabilis nilang inakyat ang hagdan dahil huli na sila
sa klase.

 Hagdanan (stairway) – bahagi ng bahay na kinalalagyan


ng hagdan
Halimbawa:
Ang hagdanan ng kanilang bahay ay matibay kaya hindi
gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.
Operahan – Operahin

 Operahan – tumutukoy sa tao at hindi ang bahagi


ng katawan.
Halimbawa:
Kailangang maoperahan siya agad dahil malala na
ang bukol sa kanyang dibdib

 Operahin – tumutukoy sa tiyak na bahagi ng


katawan na kailangang tistisin.
Halimbawa:
Bukas na ooperahin ang mga mata ng matanda.
Sundin - Sundan

 Sundin – sumunod sa payo o pangaral


Halimbawa:
Sundin mo ang lagi kong inihahabilin sa iyo upang
hindi ka mapahamak.

 Sundan – tularan ang ginagawa ng iba


– pumunta sa pinuntahan ng iba
Halimbawa:
Sinundan ni Trisha ang pagiging guro ng kanyang ina.
Sundan mo agad ang kaibigan mo at baka tuluyan na
iyong magtampo.
Walisin – Walisan

 Walisin – tumutukoy sa bagay na tatanggalin


Halimbawa:
Kailangan na nating walisin ang mga tuyong
dahon.

 Walisan – tumutukoy sa lugar na lilinisin


Halimbawa:
Huwag din nating kalimutang walisan ang
likod-bahay.
Kung – Kong

 Kung (if) – pangatnig na panubali at ginagamit


sa hugnayang pangungusap
Halimbawa:
Magpaalam ka muna sa iyong lola kung aalis ka.

 Kong (my) – nanggaling sa panghalip na panaong


ko na inangkupan ng ng
Halimbawa:
Mapagkakatiwalaan ang matalik kong kaibigan.
Sila – Sina

 Sila – panghalip na panao


Halimbawa:
Sila ay mahusay mamuno ng palatuntunan sa
paaralan.

 Sina – panandang pangkayarian sa pangngalan


(anyong maramihan ng “si”)
Halimbawa:
Sina Susan at Rowen ay masisipag na anak.
May at Mayroon

Ginagamit ang may:


a. kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa: Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbigyan
nito.
b. Kapag sinusundan ng pandiwa.
Halimbawa: May pupuntahan ka ba mamaya?
c. Kapag sinusundan ng pang-uri.
Halimbawa: May mahabang buhok si Lucy.
d. Kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang
paari.
Halimbawa: Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa
buhay.
Sanggunian:

https://www.academia.edu/37760651/MODYUL_SA_TAMA_AT_ANGKOP_NA_GAMIT_N
G_MGA_SALITA-SANDY_MAGANA

You might also like