Ang Alamat NG Mangga

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 28

“Ang Alamat ng Mangga”

ISANG PAGSUSURI
Ano nga ba ang alamat?
• Ang alamat ay nagsasalaysay ng mga pangyayari na
nagdulot ng pagkabuo ng mga tunay na tao,pook o
bagay sa mundo.
• Ito ay isang malikhaing akda na parte ng panitikan
ng Pilipinas.
Ano nga ba ang alamat?
• Ang mga alamat ay nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon at hindi alam kung kanino nga ba
nagsimula.
• Bukod dito, ito din ay nagbabahagi ng
magagandang asal bilang aral.
“Ang Alamat ng Mangga”

• Maraming bersyon ng Alamat ng Mangga ang


aming nakita ngunit ang aming ginamit ay mula sa
pahina ng Buklat Blogspot na sinulat ni Jim Lloyd
sa wikang Filipino dalawang taon na ang
nakakalipas.
II. Tauhan

• Tandang Isko – siya ang pangunahing tauhan sa kuwento. Isa


siyang mabait at mapagbigay na magsasaka na nagbabahagi ng
kanyang mga tanim na mangga na tinatawag na “pahutan”.
• Pahutan – bunga ng punong manggang tanim ni Tandang Isko.
Ito ay maliliit at matamis kapag hinog kaya gustong-gusto ng
mga bata.
II. Tauhan
• Diwata ng mga Prutas – isang magandang dalaga na
napadaan sa manggahan ni Tandang Isko. Siya din ang
nagtanim ng buto ng mga pahutan sa bukid at sa paanan ng
bundok.
• Mangga – ang butong itinanim ng diwata sa paanan ng
bundok na naging matalik na kaibigan ni Kalabaw.
II. Tauhan

• Kalabaw – pinagpa-pahingahan si Mangga matapos ang


buong araw na pagtatrabaho.
• Mangga – ang butong itinanim ng diwata sa bukid kaya siya
ang nagiging pahingahan ng mga magsasaka.
• Matandang may dalang Piko – magsasakang nagpapahinga
sa ilalim ng manggang pahutann na palaging may dalang piko.
III. Tagpuan/Panahon

• Manggahan ni Tandang Isko - pinagmulan ng mga


manggang pahutan.
• Bukid - pinagtaniman kay manggang piko.
• Paanan ng Bundok - pinataniman kay manggang
kalabaw.
IV. Simula
Noong araw ang mga punong manggang tanim ni
Tandang Isko ay pare-pareho lamang ang bunga. Ito ay
maliliit at ang tawag dito ay “pahutan”. Matamis kapag
hinog kaya gustong-gusto ng mga bata. Marami ang
natutuwa kapag panahon ng pamumunga dahil ang
matandang may-ari ay hindi maramot.
IV. Simula

Minsan, may magandang dalagang sa manggahan ni


Tandang Isko ay dumaan. Kusang-loob na inalok ito ng
mga hinog na mangga ni Tandang Isko. Sa kasiyahan ng
binibini ay itinanim nito ang mga buto ng pahutan sa
bukid at sa paanan ng bundok.
V. Saglit na Kasiglahan

Agad tumubo ang dalawang buto at pagkaraan lang


ng ilang araw ay ganap na itong isang puno. Labis na
nagtaka si Tandang Isko sa pagkakaroon ng punong
mangga sa hangganan ng bukid at sa ibaba ng batuhang
bundok.
V. Saglit na Kasiglahan

Balak sanang putulin ng matanda ang dalawang puno,


subalit sa tuwing siya ay lumalapit, wari'y may
bumubulong ng
"HUWAG PO! HUWAG MO AKONG PATAYIN".
V. Saglit na Kasiglahan
Dala rin ng panghihinayang kaya hinayaan na lang nitong
lumaki at lalong lumago ang dalawang puno ng mangga.
Malaking pakinabang tuloy ito sa mga magsasaka at kalabaw
na roon ay sumisilong.Ang madalas magpahinga sa punong
manggang nasa bukid ay si Kalabaw, kaya nagkaroon sila ng
pagkakataong magkausap palagi ng puno.
V. Saglit na Kasiglahan

"Hulog ka ng langit sa akin, punong mangga. Dati-


rati'y init sa katanghaliang tapat ay aking tinitiis, subalit
nang ikaw ay sumibol, pagal kong katawan ay binigyan
mo ng ginhawa. Kaya kapag sa iyo ay may nagtangkang
pumutol, humanda sila sa sungay kong matutulis".
V. Saglit na Kasiglahan

"Salamat sa iyo, Kalabaw at ako ay iyong


ipagtatanggol. Noon pa man ay hinahangaan ko na
ang iyong kasipagan, kasisigan at kalakasan,"
nahihiyang wika ng mangga.
VI. Tunggalian

Hindi nagtagal, sa dalas ng kanilang pag-uusap ay


nagkaintindihan ang kalabaw at ang punong mangga.
Samantala, nagkaroon na rin ng kagustuhan ang
punong manggang nasa paanan ng bundok at ito ay si
"manggang pahutan" na malapit sa kanyang
kinatutubuan.
VI. Tunggalian

Sa panahon ng paglilihi ni Pahutan ay


palaging sumisilong sa lilim niya ang isang
magsasakang may dalang "piko" at ewan kung
bakit gustong-gusto ng mangga na titigan ang
piko.
VII. Kalakasan
Sumapit ang araw ng pamumulaklak at pamumunga
parehong pinausukan at inalagaan ni Tandang Isko ang
magkahiwalay na puno. Ang lahat ng mga punong
mangga ay pawang nagbunga. Nang bumalik ang
matanda upang anihin ang mga bunga ng mangga, ito ay
lubhang nagulat.
VII. Kalakasan

Ang dalawang puno na hiwalay sa karamihan ay


magkaiba ng hugis at laki ng kanilang mga bunga.
Hindi maisip ni Tandang Isko kung bakit
nagkaganoon.
VIII. Wakas
Muli, ang magandang dalaga ay nagbalik, at sinabing,
"Sapagkat ang malalaking mangga ay bunga ng
pagkakaunawaan nina Kalabaw at Pahutan kaya tatawagin
itong Manggang Kalabaw. Bagama't magkawangis sa laki
ang mga bunga nila ng kabilang puno ay may pagkakaiba pa
rin sa hugis at sa anilang sukat.
VIII. Wakas

"Dahil ipinaglihi ito sa piko, kaya makikilala ito sa


tawag na Manggang Piko."
"Binibini, paano mo nasabi ang bagay na iyan?"
"SAPAGKAT AKO ANG DIWATA NG MGA
PRUTAS", ngumiti ang dilag at biglang nawala.
IX. Aral/Mensahe
Ang pagbabahagi ng mga biyaya katulad ng ginawa ni
Tandang Isko ay nagdudulot ng maganda hindi lamang sa
nagbibigay kundi maging sa binibigyan. Katulad na lamang ng
nangyari sa istorya, dahil sa kabaitan ni Tandang Isko ay
biniyayaan siya ng diwata ng mga karagdagang prutas na
mangga na mayroong magandang naidudulot sa kanilang
buong probinsiya.
IX. Aral/Mensahe

Isa pa ay maihahalintulad natin ito sa


pakikipagkaibigan. Dahil sa pakikisalamuha ng
dalawang punong mangga kina kalabaw at piko,
nagkaroon ito ng magandang kinalabasan at
naisilang sina Manggang Kalabaw at Manggang
Piko.
X. Buod
Si Tandang Isko na siyang may-ari ng isang manggahan
ay mahilig magbahagi nito sa kanyang mga kababayan.
Kilala ang mga manggang ito sa tawag na pahutan. Isang
araw ay inalok niya ang isang magandang dalaga na
napadaan sa kaniyang manggahan, at dahil sa tuwa nito ay
itinanim nito ang mga bunga sa bukid at sa paanan ng
bundok.
X. Buod

Lumaki ang mga butong ito at naging malagong


puno ng pahutan. Ang isa na nakatanim sa paanan
ng bundok ay naging matalik na kaibigan ni kalabaw
na palaging nagpapahinga sa ilalim niya matapos
ang buong araw na pagtatrabaho.
X. Buod

Ang isa naman na nakatanim sa bukid ay


nagkaroon ng paglilihi sa piko nang mga panahong
mamumulaklak na ang kaniyang puno. Nang
dumating ang pamumunga ay nagulat na lamang si
Tandang Isko dahil sa naiibang bunga ng mga ito.
X. Buod

"Ang isa ay malaki at dahil sa pakikipag-unawaan


kay kalabaw ni pahutan ay tinawag itong Manggang
Kalabaw. Ang isa naman na ipinaglihi ni pahutan sa
piko ay tinawag na Manggang Piko", ayon sa
Diwata ng mga Prutas.
“Ang Alamat ng Mangga”
ISANG PAGSUSURI
ANG KATAPUSAN

You might also like