Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 23

ARALIN 3

TEKSTONG DESKRIPTIBO
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Ang tekstong deskriptibo ay isang


tekstong naglalarawan. Ito ay naglalaman
ng mga impormasyong may kaugnayan sa
mga katangian ng tao, bagay, lugar, at
pangyayaring madalas nasasaksihan ng
tao sa paligid.
Sinasabing makulay, masining at
nagpapahayag ng malakas na impresyon
o emosyon.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

MGA HALIMBAWA
NG
PAGLALARAWAN
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Paglalarawan sa Katangian ng Tao:

• Ang Pilipino ay matitiyaga sa ano


mang trabahong ginagawa.
• Ang kabataan sa kasalukuyan ay
mahuhusay sa larangan ng
teknolohiya
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Paglalarawan sa Bagay:

• Ang mga produktong gawa ng mga


Pilipino magaganda at matitibay.
• Ang kanilang bahay ay yari sa
naglalakihang kahoy na may
kakaibang disenyo.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Paglalarawan sa Lugar:

• Dahil sa likas na yaman ng Pilipinas


ay tinatawah itong “Perlas ng
Silanganan”
• Isa sa siyudad na Baguio sa may
pinakamalamig na klima sa bansa.
TEKSTONG DESKRIPTIBO

Paglalarawan sa Pangyayari:

• Naging mapaminsala ang nagdaang


bagyo dahilan upang mawalan ng
bahay ang maraming pamilya.
• Umaasa ang lahat ng magiging
mapayapa ang darating na eleksiyon
ISTRUKTURA AT KATANGIAN
NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
Panlahat na Istruktura o Balangkas ng Deskriptibong
Teksto
Ang deskriptibong teksto ay nagpapakita ng mga sumusunod:
Binibigyang tuon ang isang partikular na tao,
bagay, lugar o pangyayari.
Inilalarawan nang mabuti ang bawat bahagi,
katangian o kondisyon at pisikal na hitsura ng
isang partikular na penomenon.
ISTRUKTURA AT KATANGIAN
NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
Katangian ng Wikang Ginamit sa Deskriptibong Teksto
Paggamit ng mga pang-uri, ng mga panuring at
mga salitang nasa anyong pangkasalukuyan.
Halimbawa:
Paningin – kaugnay ng nakikita
halimbawa: pulang rosas
Panlasa – kaugnay ng nalalasahan
halimbawa: matamis na mangga.
Pandinig – kaugnay sa naririnig
halimbawa: maugong na sasakyan
ISTRUKTURA AT KATANGIAN
NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
Katangian ng Wikang Ginamit sa Deskriptibong Teksto
Paggamit ng mga pang-uri, ng mga panuring at
mga salitang nasa anyong pangkasalukuyan.
Halimbawa:
Pang-amoy – kaugnay ng naaamoy
halimbawa: mabangong bulaklak
Panghipo – kaugnay ng nararamdaman o nasasalat.
ISTRUKTURA AT KATANGIAN
NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
Katangian ng Wikang Ginamit sa Deskriptibong Teksto
Paggamit ng barayti ng mga termino o mga
tayutay upang makapagbigay ng tumpak at
epektibong paglalarawan.
Halimbawa:
Kayod kalabaw sa ilalim ng araw ang kanyang
pagtitinda ng sampaguita
ISTRUKTURA AT KATANGIAN
NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
Katangian ng Wikang Ginamit sa Deskriptibong Teksto
Paggamit ng mga salitang kilos o pandiwa na
nagbibigay-buhay sa imahen inilalarawan
Halimbawa:
Dali-daling umuwi si Leon, nagpahid ng pawis at
nagpalit ng kanyang gulagulanit na damit.
Mga Uri ng Paglalarawan na ginagamit
sa Tekstong Deskriptibo
1. OBHEKTIBO O KARANIWANG PAGLALARAWAN
ang ganitong uri ng paglalarawan ay hindi ginagamitan
ng sariling emosyon o pagpapahayag ng sariling
paghahatol. Nagbibigay ang may-akda ng impersonal o
karaniwang paglalarawan sa kaniyang ipinapakilala
sapagkat ang tanging layunin nito ay makapagbigay ng
impormasyon o tiyak na kabatiran sa kongkretong
katangian nito.
Mga Uri ng Paglalarawan na ginagamit
sa Tekstong Deskriptibo
Halimbawa ng Obhektibo o Karaniwang Paglalarawan:
Si Pingkaw pala ang sinundan ng mga bata. May kargang kung
ano at pasayaw-sayaw na naglalakad. Gula-gulanit ang kaniyang
damit na ilang ulit nang tinagpian at may medyas ang isang paa
na ewan kung asul o berde. Malayo siya kaya’t di ko makita
nang mabuti. Sa kabilang binti, may nakataling pulang papel de
hapon na lata sa dulo. Sa kaniyang ulo, may nakaputong na
palara ang kumikinang tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.
-Maikling Kuwentong Hiligaynon
Ni Isabelo S. Sobrevego
Mga Uri ng Paglalarawan na ginagamit
sa Tekstong Deskriptibo
2. SABHEKTIBO
Nagbibigay ang may-akda ng sariling impresyon sa
bagay na inilalarawan, ayon sa kaniyang nakikita o
nadarama upang mapukaw ang emosyon ng
mambabasa. Layunin ng ganitong uri ng paglalarawan
ang makahikayat o makaantig ng damdamin ng
mambabasa.
Mga Uri ng Paglalarawan na ginagamit
sa Tekstong Deskriptibo
2. Halimbawa ng Sabhektibo
Ang poso negro o septic tank ang pinagsilidan ng dumi at ihi
ng tao. Ito ang unang nagsasala at naglilinis ng duming ito.
Delikadong trabaho ang paglilinis ng septic tank sapagkat
amoy pa lang nito ay maaring ikamatay ng naglilinis. Kaya
lamang na kumpleto ang kagamitan ng naglilinis upang
makaiwas sa nakasusulasok na amoy nito
Mga Uri ng Paglalarawan na ginagamit
sa Tekstong Deskriptibo
3. MASINING NA PAGLALARAWAN
Ang may-akda ay gumagamit ng mga tayutay o di-literal
na paglalarawan upang mapukaw ang guni-guni o
imahinasyon ng mambabasa sa tiyak na larawang
nalilikha ng may-akda
Mga Uri ng Paglalarawan na ginagamit
sa Tekstong Deskriptibo
Halimbawa ng Masining na Paglalarawan
Ang pagkakaibigan ay katulad ng pag-ibig na
katulad naman ng buwan: kung hindi lumiliit o
palubog, ito’y lumalaki o bumibilog.

-Ang Pagkakaibigan, Tulad din ng Pag-ibig


Ni F.C Borlogan
Mga Uri ng Paglalarawan na ginagamit
sa Tekstong Deskriptibo
4. TEKNIKAL NA PAGLALARAWAN
Gumagamit ang may-akda ng akma o mga teknikal na
mga salita upang makapagbigay ng eksaktong
representasyon sa mga bagay-bagay at pangyayaring
kanyang inilalarawan.
Mga Uri ng Paglalarawan na ginagamit
sa Tekstong Deskriptibo
Halimbawa ng Teknikal na paglalarawan
Isang napakalakas na lindol ang tumama sa Surigao del Norte at kalapit
probinsiya nito. Ayon sa ulat ng Philippines Institute of Volcanology and
Seismology, dalawanpu’t pitong aftershock ang naitala nila matapos na
tumama ang 6.7 magnitude na lindol. Ang sentro ng paglindol ay nasa labing
apat na kilometro sa kanlurang bahagi ng Surigao City. Sinabi ng Philvocs na
tectonic ang pinagmulang ng lindo na may lalim na labing isang kilometro.
Naitala rin ang aftershock sa Dinagat islands, Burgos, Libjo sa Surigao del
Norte at San Jose sa Dinagat at ilang bahagi ng Southern Leyte.

http://www.philstar.com/bansa/2017/02/12
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGLALARAWAN
1. Tukuyin ang tiyak at kawili-wiling paksa na
iikutan ng teksto.
2. Tukuyin ang layunin sa paglalarawan.
3. Bumuo ng malinaw ng imaheng nais
ilarawan sa pamamagitan ng paggamit ng
limang uri ng pandamdam: pandinig, pang-
amoy, panlasa, at panalat.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGLALARAWAN
4. Gumamit ng akma at mabisang pananalita upang
maging buhay na buhay ang inilalarawan.
5. Gumamit ng iba’t ibang pananaw: distansya sa
bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito;
kung nasa loob o labas; ayon sa sariling palagay o
damdamin ng naglalarawan na bunga ng karanasan
o ng karanasan ng ibang tao; ayon sa sariling
palagay batay sa kaniyang narinig o nabasa.
WAKAS

You might also like