Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pagsulat sa

Humanidades
• May tatlong anyo sa pagsulat sa larangan ng Humanidades batay sa layunin (Quinn at
Irvings 1991)

A.Impormayonal

• Paktuwal na Impormasyon
- bilang background gaya ng talambuhay o maikling bionate tungkol sa
may akda o libro sa pabalat , artikulo tungkol sa kasaysayan ng mga
bagay at iba pa.
Halimbawa:
Maliban sa masusing pagsalaysay kung paanong nakakamit at
napapanatili ng katutubong Talaanding ang kulturang
kapayapaan,nilalaman din ng aklat ang mga salaysay tungkol kay Agyu,ang
bida at bayani ng mga Manobo at Talaandig sa Mindanao , pitong modyul
sa pagtuturo ng edukasyonng pangkapayapaan at kuwentong pambata ng
Talaandig na huhubog ng isang kamalayang makatao ang sinama sa aklat.
-Geraldine Villaruz,RSCJ Nalandangan:
Kulturang Kapayapaan ng Inang Malinandang ng Talaandig(2014)
• Paglalarawan

-Nagbibigay ito ng detalye mga imahe na dinedetalye sa


isipan ng mambabasa, sinasabayan ng kritikal na pagsusuri
na kariwan ay isinasawa sa mga pampanitikan gaya ng
kritisismo,tula,kuwento,nobela,at iba pa.
Halimbawa:
Ni minsan, hindi pa ako nakapasok sa bahay ng
mahirap.Bahay na pala ang tawag nila doon.Doon sa masikip
na kawayang sahig na siya ring kainan, kuwarto,sala at
kusina.Malawak ang paligid nila ngunit hirap silang makakain
ng tatlong beses sa isang araw.

-Joel Albulario”Merli”Binhi,1990
• Proseso

- Binubuo ito ng paliwanag kaugnay ng


teknik,paano isinagawa,at ang naging resulta na
kadalasa'y ginagawa sa sining at musika.
Halimbawa:
Sumunod na naisipan nina Picasso at Braque ang paglalagay na tunay na
bagay sa kanilang gawa:kapirasong diyaryo o, di kaya, upuang
yantok....Ngunit kahit na naipahiwatig ng mga likhang ito ang damdamin at
alaala ng isang pook o bagay, ang kabuuan ng mga bagay-bagay ay
nawala.Nagkawasak-wasak ang mga gitara't nagkawatak-watak ang
pagmumukha ng mga tao ni Picasso.

Rodolfo Paras Perez,” Sining ng Nagsisikip na Dingding”Binhi,(1990)


• Imahinatibo
- Binubuo ito ng mga malikhaing akda gaya ng
piksyon(nobela,dula,maikling kuwento)sa larangan ng panitikan,gayundin
ang pagsusuri dito.

Ang pagsusuri ng malikhaing akda(piksyon) ay nagbibigay-tuon sa kung


ano ang mensaheng ipinahahayag at paano nila ito ipinahahayag.Ang
apela nito ay sa imahinasyon at emosyong ng nagbabasa o
nakikinig.Gayundin,sinusuri ito ayon sa estilo, at maging lihika na akda.
Ang pagsusuri ng piksyon,kinakailangan ang analitikal at kritikal na
ebalwasyon at pagbasa na katatampukan ng sumusunod na
elemento:tauhan, aksyon, tagpuan, banghay(plot)tema, wika at
ebalwasyon ng akda kaugnay ng katangian,kahulugan at kabuluhan
nito.

Sa larangan naman ng sining at musika,ang pagsusuri ay batay


sa kakaibang katangian ng akda, kabuluhan,at katangian nito ayon
sa ibinibigay nitong ginhawa,malalim na pag-unawa, at bagong
kaisipan kaugnay ng karanasan at buhay ng sangkatauhan.
Halimbawa:
Sa “Himagsik ni Emmanuel,”masasabing napaka-Asyano ang pananaw ng awtor
sa kasaysayan ng tao.Ang pagbabalik, gaya ng nabanggit, ay sirkular-buhay at
kamatayan, Alpa at Omega, Yin...Hindi lamang saksi ang bundok kundi sagisag na
ito ng walang katapusang kasaysayan ng tao at ng kaniyang kamalayan.Sa bundok
unang nagising ang kamalayan ni Emmanuel sa pamamagitan ni Aurora at sa
bundok din siya yayao.Ngunit sa bundok mababalik habang nakaabang ang wlang
kapaguran ni Apo Layo.

Ma.Crisanta Nelmida Flores,Panitikan


Bilang Panunuring Panlipunan,Daluyan 200
C. Pangungumbinse

-Pangganyak ito upang mapaniwala o di-mapapaniwala ang


bumabasa,nakikinig at nanonood sa teksto o akda.Subhetibo ito kaya't
mahalaga ang opinyon ay kaakibat ng ebidensiya at katuwiran o
argumento.

Makikita ang ganitong anyo ng pagsulat sa mga kritisismo o rebyu ng


libro,pelikula, dula,sining,musika at iba pa.

You might also like