Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

SI DON DIEGO

AT ANG AWIT
NG IBONG
ADARNA
Si Don Diego’y inatasang
hanapin ang naparawal,
ang prinsipe’y di sumuway
at noon di’y nagpaalam.
Baon sa puso at dibdib
ay makita ang kapatid,
magsama sa madlang sakit
sa ngalan ng amang ibig.
Hanapin ang kagamutang
siyang lunas sa magulang
kahit na pamuhunanan
ng kanilang mga buhay.
Parang,gubat,bundok,ilog
tinahak nang walang takot;
tinalunton ang bulaos
ng Tabor na maalindog.
Sa lakad na walang humpay
nang may mga limang buwan,
ang kabayong sinasakyan
ay nahapo at namatay.
Sa gayon ay kinipkip na
ang lahat ng baon niya,
ang bundok ay sinalunga
nang matatag, may pag-asa.
Salungahing matatarik
inaakyat niyang pilit
ang landas man ay matinik
inaari ring malinis
Hindi niya nalalamang
siya pala’y nakadatal
sa Tabor na sadyang pakay,
dikit ay di ano lamang.
Noon niya napagmalas
ang puno ng Piedras Platas,
daho’t sanga’y kumikintab
ginto pati mga ugat.
Biglang napagbulay-bulay
ni Don Diegong namamaang,
punong yaong pagkainam
baka sa Adarnang bahay.
Sa tabi ng punong ito
may napunang isang bato,
sa kristal nakikitalo’t
sa mata ay tumutukso.
Muli niyang pinagmalas
ang puno ng Piedras Platas,
ang lahat ay ganitong wagas
tila mayroong piedrerias
Sa kanyang pagkaigaya
sa kahoy na anong ganda,
inabot mang ikalima’t
madlang ibo’y nagdaan na.
Gayong kayraming nagdaang
mga ibong kawan-kawan,
walang dumapong isa man
sa kahoy na kumikinang.
Kaya ba’t ang kanyang wika,
“Ano bang laking hiwaga,
punong ganda’y tila tala
di makaakit na madla.
“Ganito kagandang kahoy
Walang tumitirang ibon?
May hiwagang tila balong,
Di madakot, di matunton.
“Sa kahoy na kaagapay
mga ibon ay dumuklay,
punong ito’y siya lamang
tanging ayaw na dapuan.
“Ngunit anumang masapit
ako rito’y di aalis,
pipilitin kong mabatid,
ang himalang nalilingid.”
Nang ang gabi’y lumalim na
kalangitan ay maaya,
si Don Diego’y namahinga
sa batong doo’y nakita.
Sa upo’y di natagalan
ang prinsipeng naghihintay,
Ibong Adarna’y dumatal
mula sa malayong bayan.
Dumapo sa Piedras Platas,
mahinahong namayagpag;
hinusay ang nangungulag
balahibong maririlag.
Sa kariktang napagmasdan,
prinsipe’y halos natakam;
“Ikaw ngayo’y pasasaan
at di sa akin nang kamay.”
Nang makapamayagpag na
yaong ibong engkantada,
sinimulan na ang pagkantang
lubhang kaliga-ligaya.
Sa lambing ng mga awit,
ang prinsipeng nakikinig,
mga mata’y napapikit,
nakalimot sa daigdig.
Sa batong kinauupua’y
napahimbing nang tuluyan,
naengkanto ang kabagay,
nagahis nang walang laban.
Sino kaya’ng di maidlip
sa gayong lambing ng tinig?
ang malubha mang maysakit
gagaling sa kanyang awit.
Pitong awit, bawat isa
balahibo’y iniiba
at may kanya-kanyang ganda
sa titingin ay gayuma.
Matapos ang pagkokoplas
ang Adarna ay nagbawas,
si Don Diegong nasa tapat
inabot ng mga patak.
Katulad din ni Don Pedro
siya’y biglang naging bato,
magkatabi at animo’y
mga puntod na may multo.

You might also like