Old Paper PowerPoint Template Autosaved2

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

El Filibusterismo

(BUOD)
Tauhan
Tauhan
Simoun - ang mayamang mag-
aalahas, na nakasalaming may
kulay, na umano'y tagapayo ng
Kapitan Heneral ngunit siya ay
si Juan Crisostomo Ibarra na
nagbalik upang maghiganti sa
kanyang mga kaaway.
Tauhan
Isagani- siya ay pamangkin ni Padre
Florentino at kasintahan ni Paulita
Gomez. Maliban pa rito si Isagani ay
isa sa mga estudyanteng sumuporta sa
hangaring magkaroon ng sariling
akademya para sa wikang kastila ang
Pilipinas.

Tauhan
Basilio - ang mag-
aaral ng medisina at
kasintahan ni Juli.
Tauhan
Kabesang Tales - ang
naghahangad ng karapatan
sa pagmamay-ari ng lupang
sinasaka na inaangkin ng
mga prayle.
Tauhan

Juli- anak ni Kabesang


Tales at katipan ni
Basilio.
Tagpuan
Tagpuan

Bayan ng San Diego


Buod
Labintatlong taon na matapos ang pagkamatay ni Sisa at Elias.Isang bapor
na nangangalang Bapor Tabo na naglalakbay sa pagitan ng Maynila at
Laguna. Nakasakay ang mag-aalahas na si Simoun, Basillo, at Isagani.
Si Basillo ay nakarating sa San Diego upang dalawin ang yumao niyang
ina sa libingan ng mga Ibarra. Di-inaasahang nagkita niya si Simoun na
nakilalang si Crisostomo Ibarra na ngayon nagkunwari.Tinangka ni Ibarra
na patayin si Basillo ngunit nagdesisyon siya na samahin si Basillo sa
layuning maghiganti sa mga Kastilla. Tinanggihan ng binata nang dahil
nais niyang makatapos sa pag-aaral. Ang mga mag-aaral na Pilipino ay
samantalang naghain sa isang kahilingan na itatag ang isang Akademiya ng
Wikang Kastila ngunit hindi ipinagtibay nang dahil sa pamamahala ng mga
pari.
Nagkita muli si Simoun at Basillo at muling inalok nga magkaisa sa
paghimagsik sa Sta. Clara para agawin si Maria Clara ngunit binawian
ng buhay ang dalaga maghapon. Samantala, ang mga mag-aaral ay
pumunta sa isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto upang
magtalumpati laban sa mga pari na hindi ipinagtibay ang pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila. Ang unibersidad, kinabukasan ay natagpuan
na may mga paskin na naglalaman ng paghihimagsik. Dahil dito ay
ibinintang ito sa mga nagtalumpati na mag-aaral at nadamay si Basillo.
Tuluyan ng nilapitan ng kanyang kasintahang si Juli upang ipalaya ang
binata. Pinilit din siya ni Hermana Bali sa kadahilanang ang pari ay nag-
iisang maaring lapitan. Napawalang-sala ang mga mag-aaral nang
kanilang nilakad ng mga kamag-anak nila maliban kay Basillo na wala
siyang kamag-anak.
Nagpakamatay si Juli dahil naisagawa ni Padre Camorra ang panghahalay sa
kanya. Nagpatuloy si Simoun sa balak niyang paghiganti sa pamamagitan ng
pakikipagsanib niya sa negosyo ni Don Timoeo Pelaez, ang ama ni Juanito, na
ipinagkasundo na ipakasal kay Paulita Gomez, na ang ninong ay ang Kapitan
Heneral. Nakalaya si Basillo makalipas ng dalawang buwan sa tulong ni Simoun.
Tinanggap ni Basillo ang alok ni Simoun nang dahil sa pangyayaring ito at ang
pagkamatay ni Juli.Ipinakita ni Simoun ang lamparang granada na itanim niya
bilang handog sa kasal ni Juanito at Paulita na king itat aas ang apoy matapos
malabo ng dalawampung minuto ay magpuputok ng malaki bilang senyas na
magsisimula na ang paghihimagsik.Sa araw ng kasal ay nasimula na nila ang
plano. Nakita ni Basillo si Isagani na dating kasintahan ni Paulita Gomez.
Ipinagtapat ni Basillo ang plano kay Isagani at binalaang umalis para hindi na
madamay.Nang iniutos ng Kapitan Heneral na pataasin ang mitsa ng lampara kay
Padre Irene, biglang inagaw ni Isagani at inihagis ang lampara sa ilog. Nabigo ang
balak ni Simoun kaya pumunta siya sa bahay ni Padre Florentino.Uminom siya ng
lason at ipinagtapat niya ang buong katauhan sa pari para hindi na siya aabuting
buhay. Namatay si Simoun pagkatapos nangungumpisal. Itinapon ni Padre
Florentino ang naiwang alahas ni Simoun.
Tunggali
an
Tunggalian
Tao laban sa Tao- ang kagustuhang baguhin ni
Simoun or Ibarra ang pagpapatakbo ng mga pari
at isa pa dito ay ang pagkamatay ni Maria Clara
kaya lalong napagisipan ni Ibarra ituloy ang
rebolusyon pero ang plano niyang rebolusyon ay
hindi natuloy dahil sa natalo sila sa mismong
pagtapos ng kasal ni Paulita Gomez.
Aral
Aral
Huwag maging mapang-api at mapang-abuso sa iyong kapuwa,
matuto kang igalang at respetohin ang iyong kapuwa huwag kang
mangamkam ng mga pag-aari na pinag-hirapan ng iba dahil sa
bandang huli ang lahat ng ito ay may kabayaran, Ipinakita sa
nobelang ito ang labis na pang-aaping ginagawa ng mga kastila sa
mga Pilipino sa ilalim ng kanilang pamamahala, pagmamalabis, at
sapilitang pag angkin sa mga lupaing pinaghirapan ng mga Pilino
noon, kaya naman isang araw ay namulat ang ilan sa mga Pilipino
natuto silang lumaban at nag-aklas laban sa pamahalaang Kastila,
tunay na ang kasakiman ay nagdudulot ng kaguluhan.
Mensahe
Mensahe
Ang kaapihang nararanasan ng mga Pilipino
at ng bansang Pilipinas gumising tayo at
matutong ipagtanggol an gating mga sarili at
ang bayan.

You might also like