Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ISANG TALINHAGA

KABANATA XLIX
TALASALITAAN
May simpatiya siya kay Ibarra
Parang tuod sa pagkakatayo Naitigil
Nakikiming katahimikan Sandaling katahimikan
Ni gaputok Kahit konti
Panatag na ang kalooban
Sakmal ng malamig ng kamay
ng takot
TAUHAN
• Maria Clara
• Tiya Isabel
• Crisostomo Ibarra
• Linares
• Maestro Juan
• Mga trabahador
• Elias
BUOD
Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng
pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno.
Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan
Tiyago upang ibalita na siya ay hindi na excomunicado at
dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo
na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang
excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto
siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng
kanyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares.
Tinawag ni Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra.
Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat
nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na nasa
balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na
abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na
nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng
makita si Ibarra
BUOD
samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na
lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo,
pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares
ay waring napapatda at hindi makapagsalita.
Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang
diipinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si
Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi
sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra
na bukas nalamang siya dadalaw. Tumango ang dalaga.
Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding
pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip. Sa paglakad niya,
humantong siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni
Nol Juan at mangagawang dinatnan niyang abalang
gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na
wala
BUOD
ng dapat ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat siya ay
hindi na excomunicado. Pero, tinugon siya ni Nol Juan na
hindi nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang
lahat ay pawang excomunicado.
Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga
manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa
pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin
sa kanya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin
at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang
kanyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang
nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais
niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap
nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang
hapon upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay.
BUOD
Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa
kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang
tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang
pangalan ng pilotong si Elias.
Ang maiitim na langay-langayan ay magliliparang
pabalik…

- Becker

You might also like