Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Republika ng Pilipinas

SORSOGON STATE COLLEGE


PAARALANG GRADWADO

ANG EPEKTIBONG
GURO
Paano nga ba masasabing
 Kapagepektibo
ba matataas angang isang GURO?
nakuhang
marka ng mga estudyante sa
kanilang mga pagsusulit ay
masasabi ba nating epektibo
 ang
Kapag ba gumamit ng naaakmang
isang guro? estratehiya o pamamaraan ang
guro sa pagtuturo ay masasabi ba
nating
 Kapag ba napabago ng guro ang mahusay siya?
masasamang ugali ng kanyang
mga estudyante ay masasabi ba
nating magaling siya?
KATANGIAN NG
EPEKTIBONG GURO
WALANG
Hindi malilimutan ng mga mag-aaral kung ang
ITINATANGI
guro'y may paborito sa klase o ang kanyang di
pagkakapantay-pantay na pagtrato sa kanyang
mga mag-aaral. Sa loob ng klase, dapat na siya'y
walang kinikilingan at mahalagang maging pantay
ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral.
MAY
Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng
POSITIBONG
papuri at pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito
sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon. Naniniwala at
UGALI
nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-
aaral.
 
MAY
Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng
KAHANDAAN
nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga
mag-aaral. Madaling makilala ng mga mag-aaral ang
gurong organisado at handa nang magturo.
MAY HAPLOS-
Pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang gurong may
PERSONAL
ugnayan sa kanila, yaong tumatawag sa kanilang
pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang
nadarama at opinyon, tinutuklas ang kanilang interes at
tinatanggap ang tunay nilang pagkatao. Ang pagkukwento
ng guro ng mga kwentong may kinalaman sa aralin ay higit
na nagugustuhan ng mga mag-aaral.
MASAYAHIN
Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa
klase. Ang dagling pagbibiro at pagpapatawa sa mga
sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral
ay nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng
mga mag-aaral.
MALIKHAIN
Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong
malikhain sa mga gawaing pangklasrum, lalo na sa oras na
ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang
pag-aayos sa klasrum ng kanilang guro.
MARUNONG TUMANGGAP NG
Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang
KAMALIAN
kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga
ng pagkakamaling ito. Nagiging modelo ang isang guro
kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa
pagkakamaling kanyang nagawa.
MAPAGPATAWAD
Kinalulugdan ng mga mag-aaral ang gurong marunong
magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa, lalo't yaong
nauukol sa kanilang maling gawi at ikinilos. Ang guro ang
tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase
kaya't mahalagang maiwasan din niyang magbigay ng di-
magandang puno ukol dito.
MAY RESPETO
Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng
markang kanyang ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o
yaong kinakausap ang mag-aaral na may nagawang
pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o
nakakaalam, o yaong nagpapakita ng sensitibiti sa
nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob
ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga
tunguhin.
MAY MATAAS NA
Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng
EKSPEKTASYON
napakataas na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang
mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang kanyang
ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang
mga mag-aaral. Kung maniniwala ang guro na may mga
kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging
marubdob ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang
mga tunguhin.
MAPAGMAHAL
Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang
kanyang mag-aaral at kikilos siya upang makagawa ng
paraan halimbawa para malutas ang suliranin nito ay
naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal.
IPINADARAMANG KABILANG
Laging nasa isip ng mga mag-aaral na sila'y kabilang sa
ANG BAWAT
klase. Nadarama nilangMAG-AARAL
kapamilya ang kanilang guro. Ang
pagtatanong at pagpapakita ng kasiyahan sa ipinakikitang
mga gawad, pampamilyang album at iba pa ng mag-aaral
ay nakabubuo ng pagkakaisa at mabuting pagsasamahan.
Ang mahusay at epektibong guro ay yaong nakaiisip agad
ng paraan upang hindi magkaroon ng hinanakitan ang
kanyang mga mag-aaral.
Republika ng Pilipinas
SORSOGON STATE COLLEGE
PAARALANG GRADWADO

ANG PAGTUTURO NG
WIKA
 Ang pagtuturo ng kahit anomang wika ay hindi nag-iiba
kung ang ating pag-uusapan ay pananaw at pamamaraan
nito. Sa kahit na anong pagtingin, ang pagtuturo ng wika ay
nagiging epektibo kung ang isang guro ay gumagamit ng
isang epektibo teknik, pamamaraan o metodolohiya upang
mailipat ang pagkatuto sa wikang ninanais matutunan ng
mga mag-aaral.
Ang kaalaman at kasanayan sa pagtuturo ng wika
ay maaaring nakatuon lamang sa pagtuturo ng
wikang Ingles na naging dahilan ng pagkaiwan ng
pag-unlad sa pagtuturo ng sariling wika.
 Mula sa pananaliksik ng mga manunulat, naunawaan ng
mga ito na halos wala naman palang pinagkaiba ang
mga pamamaraan at gawi ng pagtuturo ng wikang
Filipino sa pagtuturo ng wikang Ingles—mga
pangunahing wikang umiiral sa bansa
 Sa mas malawak na pagtingin, magkakatulad na mga
approach din ang ginagamit sa pagtuturo at
pagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng kahit anong wikang
higit pa sa sinusong wika.
 Kailangan lamang isaalang-alang ng isang guro ang
kakayahan ng mga mag-aaral, ang sitwasyon kung saan
gagamitin ang pamamaraan, at ang kanyang layunin
upang maitawid ang pagtuturo papunta sa kasanayan.
SANGGUNIAN:
Villafuerte, Patricinio V. at Rolando A. Bernales.  2008.  Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga
Teorya at Praktika.  Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

http://
siningngfilipino.blogspot.com/2013/02/ang-mga-katangian-ng-epektibong-guro.html
https://guroako.com/2017/09/05/katangian-ng-isang-magaling-na-guro/
https://hrsiapo.wordpress.com/2012/09/08/paano-nga-ba-malalaman-na-mahusay-at-ep
ektibo-ang-isang-guro/

You might also like