Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Kabanata 11

“Los Baños”
Taga ulat:
Daisy Rose Saumat Saturos Garcia
LAYUNIN
 Naipapakilala ang mga Tauhan sa kabanata
 Naipapakita ang simbolo ng kabanata
 Nabibigyan ng kahulugan ang talasalitaan
 Naipapaliwanag ang mga pangyayari
 Maibabahagi ang gustong iparating ni Rizal
 Nasasagot ang mga tanong
 Aral
Tauhan
Padre Sibyla
Paring Dominiko

Padre Irene
ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatag
ng Akademya ng Wikang Kastila
Padre Camorra
ang mukhang artilyerong pari

Don Custodio
kilala sa tawag na Buena Tinta
Padre Fernandez
Dominikong pari

Simoun
mag-aalahas

Kalihim
Sa kanya ibinibilin ang mga desisyon ni
 

Kapitan Heneral.
Kapitan Heneral
Pinipilita niyang gawin ang kanyang mga
trabaho habang siya ay naglalaro ng baraha.
Dahil sa paglalaro niya ng baraha, hindi niya
na bigyan ng pansin ang kanyang trabaho.
Hindi niya gaanong pinag-iisipan ang mga
desisyon
na kanyang ginagawa. Madali din siyang
mabuyo sa mungkahi ng ibang tao.

Ben-Zayb
Kasama niya si Simoun sa pagbibilyar
SIMBOLISMO
TALASALITAAN
Peninsula
-noong rehimeng Kastila katumbas ito ng salitang
España.
Dampalit
-daang paliit
Puñales
-isa itong pahayag na padamdam o ekspresyon na
katumbas ng "Caramba!'‘
Simbad
-isang marino na ang mga paglalakbay ay isinasalaysay sa
Arabian Nights
Armas de salon
-sandatang pandekorasyon sa salas pagbalingan pagtuunan
Batik
-marka
tumudla
-bumaril
Ipukol
-Ibato
Bugnot na bugnot
-yamot na yamot
KAUGALIANG PILIPINO
 Pagsusugal
 pagsipsip sa mga may kapangyarihan
PROBLEMANG
POLITIKAL/PANLIPUNAN
• Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni
Rizal sa pamamaril ng Heneral?
-Ang paglalangis sa may kapangyarihan. Halos
nangyari ang balak na pagbihising usa ang
isang tao para may maipabaril lamang sa
Kapitan Heneral. Ang pag-gamit ng banda ay
isa pa
• Anong institusyon sa Pilipinas ang napag-
ukulan ni Rizal na patawang pamumuna
nguni’t dapat na matalim na pag-iwa sa
damdamin ng mga Pilipino? Totoo pa ba ito
ngayon?
-Ang sabong,Samantalang ang mga sabungan noon ay
magagara’t malalaki, ang paaralan ay nasa kahabag-habag
na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang
nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni’t ang
pagpapaaral at pag dadamit sa mga anak, ang pagkumpuni
sa sariling tahanan, at iba pa ay mahirap. Kung minsa’y
maganda pa ang kulungan ng sasabungin kaysa bahay nila.
Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang mga
pangangailangan.
Sakit sa lipunan:
 Ang pangangailangan ng mataas na posisyon
o kaya’y pakikipagkaibigan sa
makapangyarihan upang maisakatuparan ang
mga balak, ang paniniwala ng mga Kastila at
prayle na mayroong likas na kasamaan ang
mga indiyo at ang kahit anong panukala nila
ay maaaring may nakatagong masamang
balak.
Gustong iparating ni
Rizal sa Kabanata 11
• Ang pamahalaan ay abuso at sakim sa
kapangyarihan at sila mismo ang tumututol na
matuto ang mga tao. Kinakatakutan at pinipigil
nila ang pag- usad at pagbabago dahil ayaw
nila mawalan ng kapangyarihan sa mga
Pilipino.
• Ang panunuyo sa mga may kapangyarihan ay
kaugalian nating mga Pilipino.
MGA TANONG
Bakit di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan
Heneral?
- kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man
siya paroon.
Bakit nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa
dalawang kura at sa heneral?
-Di niya batid na sadyang nagpapatalo ang dalawang pari
upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo
nito para maging madali ang kanilang pagkuha sa kalooban
ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan
Bakit sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na
dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang higit na mga
mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan?
-Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo ang kanyang
pananalig na kung ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga
maginoo ito at kaya niyang kausapin ng marangalan. Di niya
ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala
niya iyon upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang
gawing katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga tulisan tulad ng
mag-isa niyang pagkakalakbay.
Bakit sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa
paaralang binabalak ng kabataan?
-Si Padre Fernandez ay naiiba sapagka’t siya’y matalino. Sa kanyang
pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng
may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming
prayle. Dilat ang mga mata niya sa katotohanan
Aral :
Ang ika-labing isang kabanata ng El Filibusterismo
ay may pamagat na “Los Baños” ay nagpapakita ng
kaugalian ng mga Pilipino na basta nasa
kapangyarihan ang isang tao ay atin itong
sinusuyo. Dagdag pa rito, makikita rin sa kabanata
na ito na tunay ngang magkaiba ang pagpapalakad
ng mga mas liberal na Heswita kaysa sa mga
Dominiko.

You might also like