Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Opinyon at

Katotohanan
Opinyon
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa
mga paliwanag lamang batay sa mga totoong
pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na
batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang
mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng
impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung
totoo o hindi. Ginagamitan ito ng mga salita o
parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa
pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin,
sa ganang akin atbp.
Halimbawa:

1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa


magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay
ng isang tao na may takot sa Diyos.
Katotohanan - Ang mga pahayag na may
katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng
pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon
na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong
magbago mula sa isang pinagmumulan ng
impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng:
batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng,
pinatutunayan ni, sang- ayon sa, mula kay, tinutukoy
na, mababasa na atbp.
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of
Education , unti-unti ng nababawasan ang
mga o ut-of school youth .
2. Mababasa sa naging resulta ng
pananaliksik ng mga ekonomista na unti-
unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.
Parehong uri ng impormasyon
Sagutin kung ang sumusunod ay
katotohanan o opinyon.
1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan,
pagmamano, pagsagot ng po at opo, at
pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa
Pilipinas lamang makikita.
2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa
kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga
Pilipino.
3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa
makabagong panahon ngayon, ang kaugalian
ng Pilipino ay nananatiling mayaman sa bawat
isa sa atin.
4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino
ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at
maaaring maging isang sandigan ng isang
bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid
na landas.
5. Kung ako ang tatanungin, ang mga
kaugaliang Pilipino ay nararapat na
panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa
susunod na henerasyon.
Ang Balagtasan ay masining din na paraan
sa paglalahad ng katotohanan at opinyon.

You might also like