Judy Mar L. Goco

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

BANGHAY ARALIN

SA
IKA-10 BAITANG
Inihanda ni

JUDY MAR L. GOCO


Guro sa Filipino
1. Kilala niyo ba kung sino ang
nasa larawan?
2. Ano ang nobelang isinulat ni
Jose Rizal upang ipamulat sa
sambayanang Pilipino ang pang-
aapi na ginawa sa atin ng mga
sinaunang Kastila?
Ang nobelang
“El Filibusterismo” o Ang
Paghahari ng Kasakiman (The
Reign of Greed)
ang sumunod sa akdang “Noli
Me Tangere” o Huwag mo
Akong Salingin
(Touch Me Not)
Pa n u o ri n n g
mabuti ang
a h a y a g n g
ipinap
bidyu.
PANGKATANG
GAWAIN
 
Unang Pangkat: Panuto: Gumawa ng isang
maikling dula na minamaliit
ARTISTA AKO! ng mga mayayaman ang
isang Pilipino.
 

Panuto: Gumuhit ng isang


Ikalawang Pangkat: simbolo na nagpapakita ng
pagkakaisa at ipaliwanang
IGUHIT MO AKO!
kung bakit ito ang inyong
ginuhit.

- Panuto: Gumawa ng isang


Ikatlong Pangkat: interpretatibong sayaw na
nagpapakita ng Kalayaan sa
ISASAYAW KO ITO!
pakikipaglaban ng isang
karapatan.
EL FILIBUSTERISMO
El
- Salitang Kastila na nangangahulugan
“Ang” o kung sa Ingles ay ang artikulong
“The”.

Filibustero
- Galing ito sa salitang “Filibuster” sa
Ingles o sa ating sariling wika ay
“Filibustero” na nangangahulugang “taong
kumakalaban sa paraan
ng pangangasiwa ng
Pamahalaang Kastila”.
Filibusterismo
- mula sa salitang “Filibustero” at
dinagdagan ng panlaping “ismo” na
nagresulta sa kahulugan nito bilang
“idiyolohiya o paraan sa pakikipaglaban ,
pagtuligsa o pagkontra ng mga
sinaunang Pilipino sa maling
pamamaraan ng pananakop ng mga
Kastila”.
KABANATA 14
SA TAHANAN NG MGA MAG-AARAL
Buod

Malaki ang bahay na tinitirhan ng


estudyanteng si Makaraig. Maluwag
ang bahay na ito at puro binata
ang nakatira na pawang
nangangasera. Iba-iba ang
kanilang edad at pag-uugali.
May sobrang palaaral, may
bulakbol, may maramdamin, may
mainitin ang ulo at ang iba naman
ay hindi matapos-tapos ang
kaharutan sa iba pang kapwa.
Si Makaraig ay isang mayamang
mag-aaral ng abogasya at pinuno
ng kilusan ukol sa isyu sa
Akademya ng Wikang Kastila.
Inimbitahan niya sa kanyang
tahanan sina Isagani, isang
makata; Sandoval, isang Kastilang
naging kapanalig ng mga
eestudyanteng Pilipino; Pecson,
isa sa pangunahing estudyante; at
Pelaez,isang mag-aaral upang
pag-usapan ang kanilang plano.
Nagpalitan sila ng kuru-kuro
habang naghihintay at marami
silang katanungan na batid nilang
si Makaraig lamang ang
makakasagot. Nananalig sina
Isagani at Sandoval na
pagbibigyan ang kanilang adhikain,
samantalang nag-aalinlangan si
Pecson.
Si Sandoval ay larawan ng mga
Kastilang may malasakit at
pagpapahalaga sa mga Pilipino at
kanyang hinihikayat ang mga mag-
aaral na patuloy na manalig sa
pamahalaang Espanya sapagkat
patuloy itong nagbibigay ng
magandang bukas.
Dumating si Makaraig na may
dalang magandang balita. Ibinalita
niya na si Padre Irene ang
nagtanggol sa kanila laban sa mga
sumalungot sa kanilang adhikain.
Kailangan ng grupo ang pagkiling
ni Don Custodio, isa sa mga
katas-taasang lipon ng paaralan
sa kanilang panig.
Dalawang paraan ang kanilang
naisipan upang pumanig sa kanila
si Don Custodio, si Pepay na isang
mananayaw na matalik na
kaibigan ni Don Custodio at si G.
Pasta, isang abogado na siyang
tagapayo at tanungan ni Don
Custodio na malapit din sa isang
mananahi.
Napagkasunduan ng lahat na
piliin si G. Pasta upang maging
marangal ang pamamaraan at
kung walang mangyayari ay saka
nila pag-iisipang humingi ng
tulong kaninuman sa dalawang
babae.
Mga tanong sa talakayan:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa


kabanata 14?
2. Ano ang layunin ng grupo ni
Makaraig, Isagani at Pecson?
3. Sino-sino ang sumang-ayon sa
panukala nina Isagani, na
nagtatanggol sa kanila sa Los
Baños?
4. Sino-sino ang kanilang lalapitan
5. Tungkol saan ang pagpupulong na
isinagawa ng mga mag-aaral?
6. Anong klaseng mithiin ang
ninanais ng grupo nina Isagani?
7. Bakit ganoon na lamang ang
pagnanais ng mga estudyante na
magkaroon ng Akademya ng Wikang
Kastila?
Ano ang namayaning
kaisipan sa inyong
pinanood na bidyu at
binasang teksto? Paano
niyo ito maiuugnay sa
akda na inyong binasa?
Bilang isang
mamamayan, paano ka
makatutulong upang
maging bahagi ng
solusyon sa suliraning
paglabag sa karapatang
pantao?
Sa kasalukuyang panahon na
uso na ang paggamit ng
teknolohiya, paano mo
imumulat ang mga kapwa mo
kabataan sa kahalagahan ng
edukasyon at sa karapatan
nilang maging malayang
makapag-aral ng mabuti?
Maghanda ng
isang (1) pirasong
papel para sa
pagtataya.
Panuto: Batay sa kabuuang talakayan
ng El Filibusterismo sa Kabanata 14,
sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

1. Bakit mahalaga sa isang bata na


matuto at makapag-aral?
2. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong
adhikain/mithiin na maaaring
makatulong upang masolusyonan ang
suliranin ng lipunan sa edukasyon?
Takdang- Aralin
Panuto: Basahin ang Kabanata
XV ng El Filibusterismo. Itala ang
mahahalagang impormasyong
nakapaloob sa akda. Isulat ang
mga malalalim na salitang
nangangailangan ng kahulugan.
Maraming Salamat!

You might also like