Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Kabanata 13

Ang Klase sa Pisika


Talasalitaan
Tauhan
Padre Millon
Dominikanong pari na nagtapos ng Sikolohiya
ngunit nagtuturo ng Pisika

Juanito Pelaez
kamag-aral ni Placido paborito ng mga Prayle
anak ng Mestisong kastila at mayamang
mangangalakal na ang lahat ng pag-asa at
kaligayahan ay nasa kakayahan ng anak
Buod
Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba
ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na
mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang
panig ng kuwarto ay mayroong upuang
kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas.
Doon umuupo ang mga mag-aaral na
nakaayos batay sa titik ng kanilang
apelyido. Kahit malaki ang silid, makikita
namang wala itong anumang palamuti. May
mga kagamitan at instrumento para sa pag-
aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa
isang aparador na nakakandado.
Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag
sa paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa
niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang
tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at
Placido ay nagsesenyasan na magturuan.
Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang
hudyat ngunit napasigaw si Placido. Siya tuloy
ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong.
Utal-utal siyang sumagot at nagalit ang pari at
binigyan siya ng mababang marka habang
nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari.
Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na
ikinagulat ng lahat.
Aral
Kung minsan ay lumalabis na sa
pagdidisiplina ang iba. Kahit
maganda ang intension, kung
hindi maganda ang pamamaraan
ay wala rin itong bisa.
Pahiwatig ng Kabanata
Ang mga mag-aaral noong unang
panahong iyon ay hindi nasisiyahan sa
pamamalakad at pamamaraan ng
pagtuturo sa pamantasan. Sila'y naghain
ng kahilingan upang magkaroon ng
pagbabago.
Ang malaking laboratoryo sa Pisika ay
laging inihahanda sa mga panauhing
darating at hindi sa pag-aaral. Isa ito sa
sakit ng ating lipunan.
Quiz

You might also like