Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

COLD WAR

CONT.

Pahina 436 - 441


Impluwensiya ng United
States
Hindi tulad ng iba pang bansang tuwirang
naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
mapalad ang United States dahil hindi sa lupain nito
aktuwal na nangyari ang mga labanan. Dahil sa
sitwasyong ito, naligtas ang kabuhayan at uri ng
pamumuhay ng mga Amerikano at matapos ang
digmaan, sila lamang ang may kakayahang pang-
ekonomiya na tumulong sa ibang bansa.
Tumayong Pinuno ng Kanluran

Sa simula ng taong 1945, ang United States na ang


tumayong pinuno ng mga bansang Kanluranin dahil sa
mahahalagang katangiang taglay nito. Nakatulong ng
malaki sa bansa ang pag-usbong ng mga pagawaan ng mga
armas noong kasagsagan ng digmaan. Ang mga pagawaang
ito ang nagbigay ng hanapbuhay sa maraming Amerikano at
tumulong upang makaahon ang U.S sa epekto ng Great
Depression o ang malawakang paghina at pagbagsak ng
ekonomiya ng U.S mula noong 1920s.
Tumayong Pinuno ng Kanluran

Hindi maitatangging Malaki ang ginampanang


bahagi ng puwwersang militar ng mhga Amerikano
upang magtagumpay ang Allied Forces laban sa
Germany & Japan. Sa katunayan, ang mga
sundalong Amerikano ang bumuo ng malaking
bahagi ng mga lumahok sa pagsalakay sa Normandy
noong Hunyo 6, 1944, at sa pagbawi sa maraming
isla sa Pacific mula sa mga Hapones.
Tumayong Pinuno ng Kanluran

Higit sa lahat, ang U.S lamang ang


bansang may atomic bomb. Ang
atomic bomb ang naturang sandata
na tumapos sa digmaan nang gamitin
ito ng mga Amerikano laban sa Japan.
Marshall Plan

Noong Hunyo 1947 pormal na nag-alok ng tulong


ang mga Amerikano sa mga bansang European sa
pamamagitan ni Secretary of State George C.
Marshall. Ang naturang tulong ay bahagi ng layunin
ng U.S na muling bumangon at mapalakas ang
kabuhayan ng iba’t-ibang bansa sa daigdig, lalo na
ng mga bansang European.
Marshall Plan

Batay sa programang European Recovery Program


o Marshall Plan (isinunod ang pangalan sa bumuo
ng programa na si Secretary George Marshall), ang
U.S ay magbibigay ng tulong sa mga bansang
European na naapektuhan at patuloy na dumaranas
ng kahirapan, kagutuman, at iba pang epekto ng
digmaan.
Mabilis na Pagbangon ng
Kanluran
Naging mabunga ang tulong na ibinigay ng United
States sa West Europe dahil sa mabilis na
pagbangon nito sa kahirapan. Sa pagitan ng 1948 at
1952, tinatayang umabot sa $12 bilyon ang tulong
na pangkabuhayang kaloob ng mga Amerikano sa
mga European. Sa gitnang bahagi ng 1950, malinaw
na nagsimula na ang isang bagong yugto ng
kanluran sa West Europe.
Containment Policy

Kabilang sa mga ipinatupad ng U.S at ng mga


kaalyado nitong ang pagsulong ng patakarang
containment policy. Tinawag ding Truman Doctrine
(mula kay President Harry Truman na nagsulong ng
patakaran sa Kongreso ng U.S), ang patakarang ito
ang naging tugon ng mga Amerikano upang
mapigilan ang paglaganap ng komunismo sa
maraming bahagi ng daigdig.
Containment Policy

Batay sa patakarang ito, gagawin


lahat ng U.S at ng mga kaalyado nito
ang kanilang magagawa upang
mapanatili ang demokrasya sa mga
rehiyong mayroon itong
impluwensiya.
Containment Policy

Pinangambahan ng mga Kanluranin ang maaaring


maging domino effect kung hindi bibigyan ng
suporta ang mga bansang malapit sa rehiyon ng
komunismo. Sa kontekstong ito, ang domino effect
ay tumutukoy sa sunod-sunod na pagbagsak sa
kamay ng mga komunista ng mga bansang
magkakatabi kung isa man lang dito ay
mapapailalim sa komunismo.
Impluwensiya ng USSR

Bukod sa United States, ang USSR ang isa


pang bansang nanguna sa sphere of influence
nito matapos ang digmaan. Ngunit hindi tulad
ng mga Amerikano, dumanas ang mga Ruso
ng matinding kahirapan. Ito ang bansang
bahagi ng mauunlad na lungsod nito ay
nawasak.
Impluwensiya ng USSR

Gayunpaman, ginawa ni Joseph Stalin ang


lahat ng paraan upang makabangon ang
ekonomiya ng USSR. Sa pamamagitan ng
mahigpit na pagpapatupad ng kanyang New
Economic Policy (NEP), ang pamahalaan na
mismo ang nangangasiwa sa lahat ng mga
gawaing pangkabuhayan ng bansa.
“Pakikilahok” ng mga
Komunista

Kabilang sa mga bansang napalaya ng USSR mula sa


Germany (at napailalim sa impluwensiya nito) ang
Bulgaria, Hungary, Poland, Romania,
Czechoslovakia, at silangang bahagi ng Germany.
Ang impluwensiya ng mga Ruso ay sa anyo ng
pagtulong sa mga lokal na partido komunista sa
mga nabanggit na bansa.
Satellite States

Tinawag na satellite states ang mga


komunistang bansa dahil Malaki ang
tulong na ibinigay ng mga Ruso sa
mga pinunong komunista upang
mapanatili ang kanilang
kapangyarihan.
Patakarang Pangkabuhayan

Tulad din ng U.S, nagbigay ng tulong ang USSR


sa mga bansang inaakala nitong kapanalig sa
ideolohiya at politika. Sa halip na lumapit sa
United States, ang mga Ruso ang gumawa ng
paraan upang umangat ang kabuhayan ng
mga naturang bansa matapos ang digmaan.
Patakarang Pangkabuhayan

Noong 1949 itinatag ng USSR ang Council


for Mutual Economic Assistance
(COMECON). Layunin nito ang
pagtutulungan sa larangan ng ekonomiya
ng mga bansang kaalyado ng USSR. Hindi
kagaya ng Marshall Plan, hindi sapat ang
tulong na naibibigay nito.

You might also like