Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

“TAPAT NA

PAMAHALAAN
AT MGA
TAGAPAGLINGKOD
NITO AY SUSI SA
MAS MAUNLAD NA
BUKAS NG ATING
CORRUPTION
- Ito ay pang-aabuso sa hawak na
posisyon(KORAPSIYON)
upang magkaroon ng
pakinabang.
- Ito ay nagaganap hindi lamang sa
pampubliko kung hindi maging sa
pribadong sektor.
- Ang kahulugan nito ay mas malawak.
GRAFT
- Ito ay isang anyo ng politikal na
korapsiyon kung saan ang opisyal ng
pamahalaan ay nagkakamal ng pinansiyal
na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal
na pamamaraan.
- Ito ay nasa ilalim ng isang kategorya
na corruption –ang political corruption.
GRAFT AND CORRUPTION
-Nangangahulugang katiwalian,
pananamantala, pang-aabuso at
pagpapakasasa sa mga kayamanan ng
bayan at ari-arian na gagamitin sana sa
mga proyekto ng bayan. 
ARTIKULO XI O
PANANAGUTAN NG
PAMPUBLIKONG OPISYAL
Ang sinumang opisyal at naglilingkod sa
pamahalaan sa lahat ng pagkakataon ay
may pananagutan sa taumbayan, at sila ay
inaasahan na buong kayang maglilingkod
na may responsibilidad, integridad,
katapatan at kahusayan, na kikilos na may
pagkamakabayan at katarungan at
mangunguna sa pamumuhay na payak.
REPUBLIC ACT NO. 3019
“ANTI-GRAFT AND CORRUPT
PRACTICES ACT”
Nilalayon ng batas na ito na mapigilan o
maiwasan ang anumang uri ng gawain na
may kinalaman sa graft and corruption ng
mga opisyal ng pamahalaan at mga
naglilingkod dito.
WORLD BANK 2006
Ang korupsyon sa Pilipinas ay itinuturing
na malala sa Timog-Silangang Asya na
naging dahilan ng pagbagal ng pag-unlad
ng ekonomiya nito dulot na rin ng
kakulangan sa paglulunsad ng mga
reporma.
TRANSPARENCY
INTERNATIONAL NA
CORRUTION PERCEPTION
Ipinakita dito na bumuti ng bahagya ang
INDEX (2009)
sitwasyon ng korupsyon sa bansa ngunit
nanatili pa rin itong seryosong suliranin ng
ating bansa na dapat ay bigyan ng
solusyon.
IBA’T IBANG URI NG
GRAFT AND CORRUPTION
• Tax Evasion
• Ghost projects and payrolls
• Bidding
• Nepotismo/Paboritismo
• Pangingikil
•Tong
• Lagay
TAX EVASION
Ito ay uri ng pandaraya kung saan ang
pribadong negosyante ay hindi tapat na
dinedeklara ang kanilang kabuuang aktwal
na kita at upang magbayad ng
karampatang buwis sa pamahalaan.
GHOST
Ito ay ginagawa ng ilang mga opisyal ng
PROJECTS/PAYROLLS
pamahalaan kung saan ang mga
proyektong hindi naman talagang
nangyayari ay pinopondohan at gayundin
ang pagpapasuweldo sa mga tinatawag na
“ghost employees” dahil dito marami
ang nasasayang na pondo ng gobyerno.
BIDDING
Dumadaan sa proseso ng bidding ang
anumang transaksyon ng gobyerno lalo na
kung ito ay may kinalaman sa pagbili ng
mga materyales o pagkuha ng isang
serbisyo mula sa isang kumpanya.
NEPOTISMO/PABORITIS
Ito ay paraan ng pagbibigay ng
MO at katungkulan sa
anumang uri ng trabaho
pamahalaan ng isang makapangyarihang
opisyal ng gobyerno sa kanyang kaibigan o
kamag-anak kahit na hindi ito kuwalipikado
sa nasabing posisyon upang gawin ang
inaasahang tungkulin.
PANGINGIKIL
Ginagawa ito ng mga opisyal ng
pamahalaan sa mga kliyente nito sa
pamamagitan ng paghingi ng pera o
anumang mga bagay na may halaga o sa
mga pangkaraniwang mamamayan na
nagsasagawa ng anumang uri ng
transaksyon sa gobyerno.
Makikitang umiiral ang pangingikil sa
mga ahensiyang nagbibigay ng clearance
o dokumento, at iba pang mga
transaksiyon na may kinalaman sa
pagbibigay ng trabaho, posisyon o
promosyon sa pamahalaan.
TONG
Isang uri ito ng panunuhol na ginagawa
ng isang mamamayan ng gumagawa ng
anumang uri ng ilegal na gawain upang
magkaroon ng proteksyon sa awtoridad.
Karaniwang ipinapadala nila ang pera sa
makapangyarihang lider lalo na yung mga
inatasang magpatupad ng batas.
Hal. Jueteng
LAGAY
Isang uri ito ng panunuhol sa mga
opisyal ng pamahalaanna umuukopa ng
mga pribadong posisyon sa gobyerno dahil
na rin sa pag-iral ng red tape.
Ginagawa ito upang mapabilis ang
pagpoproseso ng mga papeles na
kailangan sa negosyo o anumang uri ng
gawain.

You might also like