pagbabahaginan ng impormasyong ang kototohanan ay di-tiyak. • Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang magkakilala o magkapalagayang- loob. ALAM MO BA... • Ang haba ng tsismisan ay di rin tiyak, maaaring ito ay saglit lamang o tumagal ng isa o higit pang oras depende kung may mailalaang panahon ang mga kausap ng mahabang panahon sa pag-uusap. ANO NGA BA ANG TSISMIS? • Ito ay maaaring totoo, bahagyang totoo, binaluktot na katotohanan o dinagdagan o binawasang katotohanan, sariling interpretasyon sa nakita o narinig, pawang haka- haka, sadyang di totoo o inimbentong kwento. • Halaw sa salitang espanyol na chismes. PINAGMULAN NG TSISMIS • Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita o nakarinig sa itsinitsismis. • Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa. • Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o sa madla. URI NG TSISMIS UNANG URI NG TSISMIS • Ang obserbasyon ay maaaring maipamahagi nang walang malisya at ito ay nagiging tsismis dahil kumalat nang hindi nabeberipika. PANGALAWANG URI NG TSISMIS • Ang pahayag ay may kaakibat na balaking maghasik ng intriga. • INTRIGA- ito ay isang uri ng tsismis na nakakasira sa reputasyon o pagkakaibigan. PANGATLONG URI NG TSISMIS • Ito ay madalas kinasasangkutan ng naghaharing-uri kagaya ng mga politiko, negosyante at dinastiyang politikal para manira ng kalaban, lituhin ang taumayan o pagtakpan ang mga kabuktutan. TAWAG NG BANYAGA SA TSISMIS Sa United States at Australia kung saan english ang bernakular na wika, ito ang madalas na katumbas ng salitang 'tsismis': • Gossip • Rumor • Hearsay • Scuttlebutt • Chatty talk sa pamamagitan ng grapevine. KAHALAGAHAN NG TSISMIS • Sa kabila ng negatibong konotasyon, ang tsismisan ay bahagi pa rin ng daynamiks ng interaksyon ng mga Pilipino sa kapuwa at maaaring nakapagbibigay sa mga magkakausap ng sikolohikal na koneksiyon at kultural na ugnayan sa lipunang ginagalawan. • Maaari itong makapagbigay ng mga panimulang ideya hinggil sa mga isyung binibigyang-pansin ng mga mamamayan, ng mga palatandaan na makapaglalantad sa malalaking isyung panlipunan na apat bulatlatin nang masinsinan at ng palaisipan hinggil sa mga motibo ng isang tao o grupo na nagpapakalat ng tsismis. EPEKTO NG TSISMIS SA IBA'T IBANG ASPETO NG BUHAY • Isang hamon sa pag-alam o paglalantad sa katotohanan, lalo na kung may katuturang panlipunan ang paksa. • Social Marketing” • Politikal na pananaw Hal.: Noli me tangere ni Jose Rizal