Download as ppt, pdf, or txt
Download as ppt, pdf, or txt
You are on page 1of 40

PAGSULAT NG SURING

PELIKULA
DANNA JENESSA R. SUNE
Tagapag-ulat
Mga Layunin
1. Maunawaan ang mga elemento o
sangkap ng pelikula.

2. Magamit ang kaalaman sa pagsulat ng


tekstong ekspositori.

3. Makasulat ng isang maayos at


mabisang suring pelikula.
Mga Elemento ng Pelikula

Direksiyon
Paano pinatakbo ng direktor
ang pelikula. Sa kanya
nakasalalay ang bisa at husay
ng pelikula sa kabuuan.
Mga Elemento ng Pelikula

Iskrip (Screenplay)
Ito ang nakasulat na kuwento
ng isang pelikula. Maaaring ito
ay tradisyonal o
eksperimental.
Mga Elemento ng Pelikula

Sinematograpiya
Pagsasalarawan ng kuwento
gamit ang iba’t ibang teknik sa
pag-iilaw, texture, pagkukulay,
komposisyon, galaw ng
kamera, anggulo ng kamera.
Mga Elemento ng Pelikula

Editing
Ito ang pagdudugtong-
dugtong ng mga imahen
para makabuo ng
kwento.
Mga Elemento ng Pelikula

Akting
Pagganap ng mga tauhan
sa kuwento.
Mga Elemento ng Pelikula

Disenyo
Lahat ng biswal na sangkap
ng mapapanood kasama na
ang set, kostyum, make-up,
props, at pati na ang visual
effects.
Mga Elemento ng Pelikula

Tunog: Mga naririnig na


mga elementong pandinig
tulad ng diyalogo, natural na
tunog, o sound effects.

Musika: Ang paggamit ng


angkop na musika para
magbigay damdamin sa
eksena at buong pelikula.
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Introduksiyon

Isama rito ang mga mahalagang impormasyon


tulad ng pamagat ng pelikula, direktor, mga aktor,
kailan ipinalabas, atbp.

Isulat ang buod ng pelikula (iklian at iwasan ang


spoiler) at ilahad ang tesis na pangungusap o kung
ano ang pokus ng rebyu.
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Katawan ng papel

Naglalaman ng mga talatang sumusuporta sa tesis


na pangungusap.

Suportahan ng mga ebidensiya o halimbawa mula


sa pelikula ang anumang opinyon.

Maging konsistent sa punto de bista (impersonal o


di-impersonal) at sa estilo ng pagsulat (pormal o di-
pormal).
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Katawan ng papel
Iminumungkahi na ang unang bahagi ay nakatuon sa
pagsusuri ng mga pormal na elemento:
•Gaano kahusay ang direksiyon?
•Kapani-paniwala ba ang mga pangyayari o diyalogo?
•Kapani-paniwala ba ang pagganap?
•Malinaw ba ang daloy ng mga pangyayari?
•Nakatulong ba ang shots, anggulo, at galaw ng
kamera sa pagdebelop ng kuwento at karakter?
•Angkop ba ang disenyo sa kuwento?
•Nakatulong ba ang tunog at musika sa kuwento?
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Katawan ng papel

Sa ikalawang bahagi, maaaring suriin ang nilalaman


(content) ng pelikula:

•Ano ang layunin ng pelikula?


•Anong isyu ang tinalakay?
•Napapanahon ba ang paksa?
•Ano ang bago sa pelikula?
Paano isusulat ang
pagsusuri?
Kongklusyon

Isulat ang iyong pangkalahatang reaksiyon sa


pelikulang pinanood.

Nakakonekta ka ba sa pinanood?

Inirerekomenda mo ba ito?
Mga Tip

• Maging pamilyar sa direktor


at sa iba pa niyang pelikula.
• Magtala habang nanonood.
• Gumamit ng mga
halimbawa mula sa pelikula.
• Maging tapat sa inyong
ebalwasyon.
• Gawing interesante ang
pagsusuri.
BALANGKAS NG PAGSUSURI NG
PELIKULA
I. BUOD
II. PAGSUSURI
A. Paksa
B. Banghay
C. Skrip
D. Pag-arte
E. Disenyo ng Produksyon
F. Tunog
G. Potograpiya
H. Direksyon
I. Pag-dit
J. Konklusyon
HALIMBAWA NG SURING PELIKULA

PAGSUSURI SA PELIKULANG
‘ CAREGIVER’
I. BUOD
 
Tipikal na istorya ng isang Pilipinang may
ambisyon para sa pamilya ang papel ni Sarah.
Dahil sa hangarin niyang matulungan ang asawang
si Teddy (John Estrada) ay nag-aral siya ng kursong
caregiving at naging isa sa 150,000 OFWs na
nagtatrabaho sa United Kingdom. Magkasama
nilang iniwan sa Pilipinas ang anak na si Paulo
(John Manalo) na binilhan niya ng winter coat
kalakip ang pangakong pag-iipunan niya ang
pamasahe nito upang makasama nila sa London.
Hindi ang oportunidad na
makapagtrabaho lamang sa ibang bansa ang
naging katuparan ng mga pangarap ni Sarah.
Bumigat ang pagtitimbang sa maraming bagay.
Kaalinsunod nito ang mga pagbabago sa
kanyang pagkatao, manapa'y ang
pagkakatuklas tungkol sa kanyang sarili.
Magmula sa isang pagiging masunurin at
maamong maybahay kay Teddy, at bilang
katuwang sa pagsisinop ng kanilang pamilya
hanggang sa pagkakaroon ng kapangyarihan,
dignidad at pagpapahalaga sa kanyang sarili
bilang isang babae, at bilang isang taong may
silbi sa kanyang mundong ginagalawan.
Makalipas ang sigla at kasabikan na makatapak sa
London, nagsimulang matikman ni Sarah ang lahat ng uri
ng paghamon na siya ring pinagdaanan ng lahat ng OFWs
sa kanilang araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa: ang
kakaibang lamig ng klima, ang hirap nang pakikitungo sa
samut saring ugali ng mga nakakasalamuhang tao at ang
kalbaryo ng sukdulang pagtitiis sa pag-aalaga sa isang
maysakit. Kinalaunan ay namuo ang mga tensyon - sa
banyagang lugar na kanyang kinasadlakan, sa relasyon nila
bilang mag-asawa ni Teddy, at sa kanyang
ginagampananang tungkulin. Ngunit sa gitna nang unos ay
pinanatili ni Sarah ang pagiging matatag at may nag-
uumapaw na pang-unawa, higit sa lahat, ang dedikasyon at
determinasyong mapagtagumpayan ang piniling larangan.
Iginupo si Teddy ng mga pagsubok hanggang
sa dumating sa puntong napagpasiyahan na niya
ang bumalik sa Pilipinas. Hinimok niya si Sarah na
sumama sa kanya upang umuwi. Dito mahahati ang
desisyon ni Sarah. Isang matalinong pagpapasiya
kung ano ang nararapat niyang gawin: ang manatili
sa London kakambal nang matiim na hangaring
magtagumpay sa kanyang propesyon sa kabila nang
pagkawala ng kanilang relasyon bilang mag-asawa,
o ang paglaho ng kanyang mga pangarap kapalit
nang pagiging buo ng kanilang pamilya.
II. PAGSUSURI
A. PAKSA
Ang pelikulang ito ay nagbigay diin sa pakikipagsapalaran ng ating
mga kababayan upang mabigyan ng magandang buhay o kinabukasan ang mga
minamahal sa bayang pansamantalang iniwan. Ito ay patungkol sa mga OFW’s
o Overseas Filipino Workers na nagtitiis sa mga hirap na nararanasan nila at sa
patuloy na pagkayod para sa ikabubuti o kapakanan ng kani-kanilang pamilya.
Isa pa, napagtuunan din ang transpormasyon ng mga indibidwal
tungo sa ikauunlad o ikababagsak ng kanilang pagkatao. Una, sa parte ni
Sarah(Sharon Cuneta), mula sa nakasanayan niyang pagsunod sa bawat
kagustuhan ng kanyang asawa ay nabago niya ang takbo ng kanyang buhay;
malaya siyang nakapagpasiya para sa alam niyang mas makabubuti sa buhay
niya. Sa kabilang banda, mula sa nasimulang determinasyong gumanda ang
buhay, naipakita ni Teddy(John Estrada) ang isang nakakabiglang pagbabago,
at ito ay ang desisyon niyang sumuko na sa trabahong sa tingin niya ay hindi
naman karapat-dapat sa kanya...
Bukod pa rito, natalakay rin ang mga katangian ng isang
tunay na Pilipino. Isa sa mga ito ay buong pusong pagbibigay
serbisyo, pagtulong sa abot ng makakaya, paggalang sa kapwa,
at higit sa lahat, ang pagkapit sa tamang paniniwala o ang
pagsulong sa tamang prinsipyo.
Ang paksa ay masasabing tunay at matapat. Sa pelikula,
ipinakita ang realidad ng buhay sa kabila ng mga paghihirap at
problemang kinakaharap. Ang pamumuhay nina Sarah at Teddy
sa United Kingdom sa kabila ng matinding pagtitiis sa hirap, ang
pagsasakripisyo ni Sarah para sa pamilya, lalong lalo na sa
kanyang anak na si Pau, ang pagpupursigi ng iba pang
pangunahing tauhan sa trabaho sa UK, at ang pagharap ng
bawat karakter sa mga problemang dumadagsa sa kanilang
buhay ay ilan sa mga katibayan na ito ay naging tunay at
matapat na paksa.
B. BANGHAY
Ang kuwento ay nagsimula noong napagpasyahan na nga ni Sarah na
sumunod na patungong UK upang doon ay makasama sa trabaho ang kanyang asawa
at upang matulungan na rin niya itong maitaguyod ang pamilya sa Pilipinas. Nang
makarating si Sarah sa UK upang makapagtrabaho, noong una ay naging mahirap sa
kanyang gampanan ang kanyang trabaho bilang isang caregiver sapagkat hindi niya
masikmura ang maglinis ng puwet ng matandang hindi naman niya kaano-ano.
Kinalaunan ay minahal na rin niya ang kanyang trabaho; na kahit alam niyang
naghihintay na lamang ng kamatayan ang mga matatandang inaalagaan niya, hindi siya
sumuko sa mga tungkulin at pananagutan niya. Dahil sa pagkakaroon ng dedikasyon sa
trabaho, napamahal na din siya sa mga ito kaya naman sa tuwing may binabawian ng
buhay sa sinuman sa kanyang alaga, hindi na niya mapigil ang sobrang pag-iyak at
paghihinagpis.
Sa gitnang parte ng kuwento, nasaksihan din ang pagbagsak ng loob ni Teddy
dahil sa paniniwalang hindi katanggap-tanggap ang trabahong napapunta para sa
kanya. Tunay na nahirapan si Sarah na maayos ang sitwasyon sapagkat dumating ang
mga araw na lagi na lamang may inom o kaya naman ay hindi pumapasok sa trabaho si
Teddy. Nawalan ng loob si Teddy sa kanyang trabaho, at ito rin marahil ang isa sa mga
dahilan ng kalungkutan ni Sarah habang siya ay
nananatiling nagtatrabaho sa UK kasama ang kanyang asawang si Teddy.
Nang hindi na matanggap ni Teddy ang mga kabiguan niya noong siya ay
napadpad sa bansang UK, nagpasya siyang bumalik na lamang sa Pilipinas
upang doon na lamang ituloy ang mga pangarap para sa kanyang pamilya. Sa
kabila nito, naging matatag si Sarah habang malaya siyang nakabuo ng pasya
para sa mga pinapaniwalaan niya. Hindi niya hinayaang basta-basta na
lamang masira ang pangarap na nasimulan na niya para sa kanyang pamilya,
lalo na sa kanyang anak. Nagtiyaga siyang ipagpatuloy ang trabaho bilang
isang caregiver at kinalaunan ay natupad niya ang pangako sa anak na madala
ito sa UK nang sa gayon ay magkasama na silang mag-ina. Napatunayan ni
Sarah sa kanyang sarili na kaya niyang paunladin ang sarili niya lalo na’t para
sa kanyang mga minamahal at sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya.
Masasabing kawili-wili ang banghay ng pelikulang ito dahil bukod sa
pagiging payak nito ay nag-iwan din ito ng kapani-paniwalang mga
pangyayari. Mapapansin din ang natural na daloy ng mga pangyayari,
kumbaga, hindi na ito nagpaligoy-ligoy upang maintindihan ng mga
manonood ang pelikulang ito.
C. SCRIPT
Sa pamamagitan ng script, naging organisado ang daloy
ng banghay. Isa pa, naging malinaw ang bawat mensaheng nais
iparating ng pelikula sa mga manonood. Batid natin na
mawawalang bahala ang banghay o ang mga pangyayari kung
wala ang script na magbibigay buhay sa bawat detalye ng pelikula.
Masasabing makatotohanan ang mga paguusap ng mga
tauhan sapagkat ito ay naging makabuluhan at payak na siyang
naging daan para mabilis na maintindihan ang mga pangyayaring
nagaganap sa usapan ng mga karakter. Isa sa mga patunay dito ay
ang pangyayari kung saan naging bukas si Sarah sa kanyang anak
sa totoong dahilan sa pagsunod niya kay Teddy sa UK.
Mapapansing sa natural na paraan ng pag-uusap, ay naiparating
ang totoong nais niya iparating.
Nagtaglay ito ng maayos na yugto ng mga pangyayari. Sa
pamamagitan nito, hindi naging mahirap sa mga manonood ang
pag-unawa sa bawat pangyayaring nagaganap sa kuwento. Isa pa,
dahil din sa kaisahan ng mga pangyayari, madaling napagtanto ng
mga manonood ang mensaheng nais iparating ng pelikulang ito.
Sa pamamagitan ng mga salitang binitawan ng
pangunahing tauhan na si Sarah, mabisang naipakita ang paksa
ng pelikula sa script. Litaw na litaw ang matinding mga linyang
binitawan ni Sarah lalo na sa parte kung saan hindi niya
napigilan ang sarili niya upang sabihin ang naging saloobin kay
Mr. Morgan, ang matandang noong una’y naging masama ang
pagtrato sa kanya bilang kanyang tagapag-alaga. Hindi
maikakailang naipakita sa script ang paksa ng pelikula, at ito ay
ang pagpapakahirap ni Sarah bilang isang caregiver sa kabila
ng kalungkutang kanyang nadarama.
Ang kuwentong nabuo sa script ay ang
pakikipagsapalaran ng ilan sa ating mga kapwa Pilipino sa
ibang bansa na pinatunayan ng mga paghihirap na kinaharap
nila para mapadama sa sarili nila pati na rin sa naiwang
pamilya ang magandang buhay na naging mailap sa kanilang
sariling bayan. Sa kabila nga mga suliraning kinaharap ng mga
tauhan, lalo na ni Sarah, nanatiling buo ang loob niyang ituloy
kung anu man ang nasimulan na niya sa UK kahit noong
bandang huli ay sumuko o nawalan na ng pag-asa ang kanyang
asawa. Sa pamamagitan ng mabisang script ay madaling
tumatak sa isipan ko ang istoryang nabuo sa pelikulang ito.
D. PAG-ARTE
Si Sharon Cuneta ang gumanap at nagbigay buhay sa
kanyang role bilang si Sarah. Alam nating lahat na ang “Mega Star”
ay kakikitaan ng mga magagandang katangiang hinahangaan ng
balana, at bukod pa rito, kapansin-pansin din ang pagiging
masayahin ng aktres na kinatuwaan ng madami. Siya ay isang
mayamang aktres ngunit sa pagganap niya sa pelikulang ito,
taliwas ang mga nabanggit na katangian sa pagganap niya bilang
Sarah. Gumanap siya bilang isang ordinaryong manggagawa.
Bukod pa dito, hindi pansin ang totoong estado niya sa buhay;
naipakita niyang kaya niyang gampanan ang mga tungkulin ng
kanyang role sa pelikula. Madamdamin ang pagganap niya at
kitang-kita ang pakikisimpatya niya sa kanyang karakter. Natural
ang mga kilos niya, at bukod pa rito ay napamalas niya ang tunay
na karakter na dapat niyang gampanan.
Ang ganap ni Sarah ang nagpatunay sa totoong saloobin ng isang
inang naiipit sa bawat kagustuhan ng asawa. Isa pa, siya rin ang nagpamulat
ng mga sakripisyong kaya niyang gawin para sa mga taong minamahal at
naniniwala sa kanyang kakayahan.
Bilang karagdagan, masasabi rin na waring si Sarah ang tunay na
tao sa papel na ginampanan niya sapagkat tunay na kapansin-pasin ang
dedikasyon niya sa kanyang role at ang pag-iinternalisa ng bawat sitwasyong
kakaharapin niya. Hindi lamang malalaking role ang nabigyang-buhay ng mga
artista sa pelikula kundi pati ang maliliit na role. Masasabing malaki rin ang
kahalagahan ng mga tauhang may maliliit na role sapagkat kahit papaano ay
nasusuportahan nila ang takbo ng kwento ng pelikula. Maliit man ang
gampanin ng ilang artista, nakatutulong pa rin ito upang maiparating ang
maayos na mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari. Ilan sa
mga patunay dito ay ang tauhang si David, anak ni Mr. Morgan, na nagbigay
kulay sa daloy ng kuwento. Isa siya sa nagpabatid kay Sarah na habang may
buhay ay may pag-asa. Kahit hindi ganoon kahalaga ang ganap ni David,
nakatulong ang gampanin niya sa pagbuo ng mas matibay na karakter ni
Sarah. Isa pang makakapag-patunay dito ay ang ganap ni Sean na noong
simula ay nagbigay problema kay Sarah dahil sa nagawa nitong pagnanakaw
sa isang grocery store. Dahil dito, nagsimulang malapit ang loob ni Sarah sa
bata sapagkat gusto niya itong mapagbago. Dahil din sa nangyaring aksidente
sa batang ito na kung saan si Sarah ang nagdala sa kanya sa ospital,
napagtanto ni Sarah ang tunay na estado ng buhay ni Teddy sa trabaho niya.
Nalaman ni Sarah ang totoong trabaho ni Teddy. Makikita natin ang malinaw
na koneksyon ng bawat karakter sa pelikula.
E. DISENYO NG PRODUKSYON
Masasabing naipakita sa pelikula ang tunay na kaligirang atmospera
sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa kabuuang disenyo, kasama ang
tagpuan, kasuotan at kulay na nagbibigay daan upang maging
makatotohanan ang pelikula. Sa pamamagitan ng kabuuang disenyo, mas
madaling naiparating sa mga manonood ang mensaheng nakapaloob sa
pelikula. Masasabing ang pagkaka-pili ng direktor ng bansang paggaganapan
ng pelikula ay nakatulong upang mas makita ang totoong kaganapan sa
bansang ito. Isang halimbawa na lamang ay ang pag-snow sa London na
nagsilbing instrumento upang mas mapadama ang kalungkutan ni Sarah sa
pagkakawalay sa anak. Kung kasuotan ang pag-uusapan, nabigyang diin ang
ganap ni Sarah bilang caregiver sa pamamagitan ng uniporme ng tunay na
caregiver sa ibang bansa. Kapansin-pansin din ang mga gayak ng pamilya ni
Sarah sa Pilipinas; sa unang tingin pa lamang sa kanila, mababatid agad na
sila ay kabilang sa gitnang antas ng lipunan. Napatunayan ng mga kasuotan
ang kaangkupan nito sa pagkatao ng mga artista.
F. TUNOG
Naging epektibo naman ang pagdaragdag ng tunog at
musika sa pagbuo ng pelikula. Sa pamamagitan ng mga ito, mas
nadarama ang emosyong taglay ng mga artistang gumanap sa
pelikulang ito. Nakatulong ang musika at tunog sa pagpapadama
ng tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito. Halimbawa
na lamang nito ay ang pangyayari kung saan namatay si Mr.
Morgan. Sa pamamagitan ng mabagal at nakaka-iyak na musika,
nakatulong ito upang maging makatotohanan ang pangyayari.
Mas maipaparating ang totoong damdamin ni Sarah sa bahaging
ito. Sa pagdaragdag ng mga angkop na tunog, mas maaantig
ang damdamin ng mga manonood o kaya nama’y mas makikita
nila ang katotohanang bawat emosyong nakikita sa mga tauhan
ay nangyayari sa totoong buhay.
G. POTOGRAPIYA
Mapapansing ang kamera ay pinagalaw
nang maayos mula sa umpisa hanggang
katapusan ng pelikula. Upang mabigyang diin
ang mga pangyayari, damdamin, at tagpo sa
pelikula, ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t
ibang anggulo. Tunay na may malaking epekto
sa pagbuo ng damdamin ang posisyon o
paggalaw ng kamera sa larawang ating nakikita
sa pinapanood. Kapansin-pansin ang malimit na
pagpopokus sa mukha ng bawat tauhan sa
tuwing may matinding linyang binibitawan. Sa
pamamagitan nito, nabibigyang pansin ang
emosyong namayani sa mga tauhan sa pelikula.
H. DIREKSYON
Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga
pangyayari. Dahil dito, masasabing naging matagumpay ang direksyon ng pelikulang ito.
Litaw na litaw ang kontrol ng direktor sa tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o
galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdargdag ng script
dito. Sa kabila nito, may mga bahaging nagpakita ng kalakasan at kahinaan ng direktor.
Para sa akin, ang nagpamalas ng kahinaan ng direktor ay ang parte kung saan binawian ng
buhay ang isa sa mga pasyente ni Sarah na naging sobrang malapit sa kanya. Naglaan si
Sarah ng oras para muling makapiling si Mr. Morgan. Bago pa man binawian ng buhay
ang butihing si Mr. Morgan ay nakasama pa siya ni Sarah at ginugol ang mga natitirang
oras sa pagpapalipad ng saranggolang gawa ng isa sa mga kaibigan niya. Hindi nagtagal ay
tuluyan na ngang binawian ng buhay si Mr. Morgan. Pagkatapos nito, hindi man lamang
naipakita sa pelikula ang mga detalye ng pagkamatay ni Mr. Morgan. Ipinakita lamang
kapagdaka ang pagdadalamhati ni Sarah sa pagkawala ng mahal na kaibigan. Sa kabilang
banda, naipakita naman ang kalakasan ng direktor sa bahagi kung saan natupad ni Sarah
ang pangako niyang pagkuha sa anak mula sa Pilipinas. Naipakita ang pagtatagumpay ng
karakter sa desisyong binitawan at pinanindigan niya. Sa lahat ng ito, masasabing
nagtagumpay ang direktor na maabot ang orihinal nitong layunin. Hindi lamang ito
nakapag-abot ng mahahalagang impormasyon, nag-iwan din ito ng aral sa buhay ng tao.
I.PAG-EDIT
Naipakita sa pelikula ang natural o makinis
na daloy ng mga pangyayari. Sa mga nasaksihang
pangyayari, mapapansin ang mahusay na pagkaka-
edit sapagkat hindi halata ang pagputol ng mga
bahagi mula sa simula hanggang sa wakas ng
pelikula na nagbigay daan upang makita ng mga
manonood ang tunay na nilalaman nito. Ang pag-
edit ay tunay na nakatulong upang matuklasan at
ganap na maunawaan ang paksa, banghay, at iba
pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng
pagtatanggal ng mga bahaging hindi ganoong
kahalaga sa daloy ng istorya, mas madali itong
maunawaan. Isa pa, mas gumaganda ang nilalaman
ng pelikula kung ang kabuuang pagpapalabas sa
mga bahagi nito ay detalyado at walang
nakasasagabal sa daloy ng bawat pangyayari.
J. KONKLUSYON
Ang pelikula ay kakikitaan ng tatlong kahalagahan: Pangkawilihan,
Pangkaalaman, at Pansining. Kahalagahang Pangkawilihan ito kung nabihag
nito ang interes o kawilihan ng mga manonood. Maaaring ito ay nagpatawa o
nagpalungkot, nakapagpanabik sa mga susunod na tagpo, nakapagbigay ng
takot, at madami pang iba. Sa unang bahagi pa lamang ng pelikula, nabihag na
ako na waring walang oras para ito’y mawala sa aking paningin. Habang
pinapanood ko ang pelikulang ito, hindi ko mapalampas ang bawat pangyayari
sapagkat nawili na agad ako sa kuwento nito.

Kapansin-pansin sa pelikulang ito ang mga makabagbag damdamin ng


mga tauhan lalo na ni Sarah. Naantig ang aking puso sa ginawa niyang buong-
pusong pag-aaruga kay Mr. Morgan na kinalaunan ay naging napakalapit sa
kanya. Natuwa ako sa pagtratong inilaan niya sa matandang inaruga niya.
Hindi lamang niya nabigyang ligaya si Mr. Morgan, nabago rin niya ang takbo
ng buhay nito na mula sa pagiging masungit, nahalinhan ito ng magaang loob
sa lahat ng taong makakasalamuha niya.
Sa isang bahagi ng pelikula kung saan nawalan na ng
pag-asa si Teddy, nangamba ako para kay Sarah sapagkat
maaari siyang maapektuhan sa nangyayari sa kanyang asawa.
Dahil dito, lalo pa akong nanabik sa mga susunod pang mga
pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon ni Teddy, hindi
napanghinaan ng loob si Sarah para harapin ang bukas.
Nagpursigi si Sarah sa trabaho niya nang sa gayon ay makuha
na niya ang kanyang anak sa Pilipinas. Hinangaan ko ang
desisiyon niyang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho kahit
alam niyang magkakahiwalay sila ni Teddy. Naging buo ang
loob niya sa kung ano ang pinaniniwalaan niyang mas
makabubuti sa kanya at sa mga taong minamahal niya.
Sa kabilang banda, litaw ang Kahalagahang
Pangkaalaman ng pelikulang ito sapagkat napakaraming
kaalaman o karagdagang impormasyon ang handog nito. Sa
pelikulang ito natin mapapagtanto ang tunay na
pagpupunyagi ng ating mga OFW’s o ang mga tinatawag
nating mga “bagong bayani” sa ibang bansa upang
mapaganda ang buhay ng mga minamahal na
pansamantalang iniwan sa paghahangad ng ikabubuti at mas
ikauunlad ng kanilang buhay.
Dito rin matututunan ang totoong ibig sabihin ng
sakripisyo. Sa pagsasakripisyo natin malalaman kung tayo ay
nagmamahal ng totoo. Sa ginawang sakripisyo ni Sarah, hindi
maikakailang nagsilbi siyang isang tunay na mapagmahal na
asawa, anak at higit sa lahat, sa pagiging mabuting ina.
Maipaparating din nito ang maayos na pagtrato ng kapwa. Katulad
ni David, ipinaglaban niya si Sarah mula sa maling iniisip ng
kanyang kapatid. Bukod pa rito, mas nabigyang diin ang pagiging
relihiyoso ng mga Pinoy saan mang sulok ng mundo. Kahit na saan
magpunta, hindi pa rin mawawala sa mga Pinoy ang mga santo na
pinaniniwalaang gagabay sa pang-araw-araw na pamumuhay sa
ibang bansa. Isa pa sa mga matututunan at mas maiintindihan dito
sa pelikulang ito ay ang kalayaan sa pagbuo ng sariling desisiyon.
Kagaya ni Sarah, kahit alam niyang mawawalay siya kay Teddy,
pinilit niyang maging matatag para sa pagpapatuloy sa mga
pangarap niya kasama ang kanyang anak.
Higit sa lahat, ang pelikulang ito ang nagbigay diin sa mga
pagtitiis at paghihirap ng mga OFW’s sa ibang bansa. Kaugnay nito,
nais nito iparating sa mga manonood na bigyan ng sapat na puri at
paggalang ang ating mga kababayang nagpupursigi para sa pag-
ahon ng kanilang pamilya, pati na rin ng ating bayan.
Bilang huli, masasabing kakikitaan din ito ng Kahalagahang
Pansining sapagkat naisagawa naman at napaloob nito ang lahat ng
bahaging nararapat upang makatawag pansin at makaantig ng damdamin.
Sa pelikulang ito ay mabisang naipakita ang realidad ng buhay. Si Sarah,
bilang isang caregiver, ay nagpamalas ng buong pusong laging handang
sumuporta anu mang oras. Hindi niya pinabayaan ang trabaho niya. Sa
kabila ng mahirap na trabaho, nagsumikap siyang magampanan ang lahat;
lagi niyang isinasapuso ang bawat responsibilidad niya bilang isang asawa
at ina. Isa sa mga pangyayaring nakaantig ng aking damdamin ay ang parte
kung saan nabago ni Sarah ang matandang sa una’y nagkaroon ng malamig
na pagtrato sa serbisyong ibinibigay niya. Si Mr. Morgan, mula sa pagiging
mainitin ang ulo marahil na rin siguro sa problema at mga isipin, ay
nakakita ng apeksyon kay Sarah. Naramdaman ni Mr. Morgan na bilang
isang tagapag-alaga niya, hindi ni Sarah basta-bastang mapapabayaan ang
kalagayan niya lalo na’t siya ay may delikadong karamdaman.
Ipinaramdam ni Sarah kay Mr. Morgan kung gaano kahalaga sa kanya ang
trabahong ginagampanan niya sa kabila ng matinding kalungkutan sa
pagkakaiwan niya sa pamilya para lamang sa pagganap ng sinabi niyang
thankless job. Dahil dito, napagtanto ni Mr. Morgan na mali ang ginawa
niyang pagpapabigat ng nararamdaman ni Sarah sa simula. Mapapansin
din dito ang dakilang pagmamahal ng ina sa kanyang anak. Hindi ni Sarah
kinalimutan ang pangako sa kanyang anak, na ito’y kukunin niya mula sa
Pilipinas upang sila’y magkasama na muli.

You might also like