Jen Garalda

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 31

KUYA AT ATE: PANANAW NG KABATAAN

SA “KAPATIRAN”
Kabanata l

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral


 Panimula

 Kapag walang makakapitan o matatakbuhan


ay sa kapatiran lumalapit agad, lalo na tayong
mga kabataan. Nagsisilbing taga-tugon sa
ating mga pangangailangan lalo na sa ating
sarili andiyan palagi kung may gusto tayong
makamit katulad na lamang ng paghahanap
ng trabaho at kaya kang ipasok ng kapatiran
na kinalolooban mo.
 Pero ano ba ang epekto kapag nakapasok ka
sa isang kapatiran? makakabuti ba ito sa
ating sarili o magdudulot lang ito ng
pahamak? Sa pagpasok mo ng ganitong
samahan ay kilangan mong mag-isip ng
maingat upang hindi mo ito pagsisihan sa
huli,kasi bago ka pumasok sa samahang ito
ay dadaan ka muna sa mga prosesong na
para maging ganap ka na miyembro ng isang
kapatiran,halimbawa nito ang hazing na
ipinagbabawal na ngayun sa kasalukuyan
pero tuloy parin ang pagsasagawa ng mga
bagay na ito.
 Karamihan sa mga kabataan ngayong mga
araw na ito ay nagpapamiyembro sa
tinatawag na “kapatiran”. Pero ano ba ang
kapatiran?ang kapatiran ay isang pangkat ng
mga taong nagbabahagi ng isang
pangkaraniwang propesyon o interes.

 Ayon kay Imma Slow (2016) maraming mga


kabataan ang naiinganyong sumali sa
kapatiran dahil minsan iniisip nila na ang
pagsali dito ay maganda dahil nagkakaroon
ka ng mga kakampi at kaagapay at
matatakbuhan sa oras na ika’y
nangangailangan.
 Ang pag-aaral na ito ay kinakailangan pa ng
masusing pagsusuri upang mas mabigyan
pansin ang mga kabataan na nasasangkot sa
pagpasok ng kapatiran at para ipaalam sa
kanila ang mga posibleng mangyari sa kanila
kung sakaling papasok man sila sa kapatiran.
 Paglalahad ng Suliranin
 
Ang mga pag aaral na ito ay pagsuri sa
pananaw ng mga mag-aaral ng HUMSS A
tungkol sa pananaw ng kabataan sa
“kapatiran”.

1.Ano ang pinakamalaking kapatiran sa


Pilipinas?
 
2.Paano isinasagawa ang simbolo ng kapatiran?
 
3.Ano ang dahilan sa pagsali nila sa kapatiran?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay makadaragdag bilang
mapagkukunang impormasyon ukol sa

Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing


babala sa mga mag-aaral tungkol sa mga epekto ng
pagsali ng kapatiran.

Magulang at Guro. Ang pananaliksik ay magsisilbing


gabay ng mga magulang at guro upang protektahan
ang kanilang mga anak o mag-aaral sa mga
posibleng panganib ng pagsali sa kapatiran.

Sa susunod na Mananaliksik. Ang pananaliksik na ito


ay silbing maging gabay sa kanilang gagawin din na
pananaliksik.
 Konseptwal ng Balangkas

 Ang batayang konseptwal ng pag-aaral na ito


ay gingagamitan ng input-process-output
model. Tutuklasin ng mga mananaliksik ang
mga pananaw ng mga kabataan sa
kapatiran,mga suliranin at karanasan na
kinakaharap ng mga kabataang nasa isang
samahan.
 Saklaw at Limitasyon

 Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsuri


sa pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral
tungkol sa kapatiran. Saklaw nito ang
estudyante sa HUMSS A Senior High School.

 Nalilimitahan ang pag-aaral na ito sa


respondante ng HUMSS A Holy Spirit National
High School, naniniwala ang mga nananaliksik
na sa kasalukuyang panahon ay pinakamainam
na magkaroon ng pag-aaral sa ganito upang
masagot ang mga katanungan at
makapagbigay ng sapat na impormasyon .
 Kahulugan ng mga Terminolohiya
 
 Hazing. Ang anumang pagkilos na ginawa o
anumang sitwasyon na nilikha nang sadyang
nagdudulot ng pagkapahiya, panggugulo o
panunuya at panganib sa emosyonal at / o
pisikal na pinsala sa mga miyembro ng isang
pangkat o bago man o hindi, anuman ang
nais ng isang tao na makilahok.
 Kabataan. Ang kabataan ang
nangangahulugan at tumutukoy sa
pangkalahatang mga bata na nakatira sa
isang lupain. Ito ay maaring tumutukoy din sa
mga menor de edad. Kung saan
nangangailangan pa ng matinding
pagpapatnubay mula sa mga kanilang
magulang o may-gulang na mga kasama.
 Kapatiran. Isang pangkat ng mga tao na
nauugnay o pormal na naaayon sa
karaniwang layunin, interes o kasiyahan.
 Kabanata ll
 
 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-
AARAL
 Ang partikular na bahaging ito ay may layuning
maglahad ng mga limbag na literature at pag-
aaral na may kaugnayan kung hindi man ay
pagkakahawig sa kasalukyang pananaliksik.
 
 Ayon kay Derick Barrogo ang karamihan sa mga
kabataan ngayon ay mga likas na mapakisama o
mahihilig makisalamuha sa iba at ang iba sa
kanila ay may mga grupong kinabibilangan
naitinuturing nilang Pamilya. Ang mga
kadalasang sumasali dito ay ang mga mag-aaral.
Ngunit bago ka maging miyembro ng kapatiran,
kailangan mo munang sumailalim sa hazing.
 Ayon kay Rocky Rivera “Kung tutuusin wala
naman sanang issue ang FRATERNITY kung
hindi lang naging controversial ang tinatawag
nilang HAZING isang uri ng pagsubok o
initiation na dapat mong pagdaanan upang
maging official kang miyembro o kapatid ng
organisasyon.”
 Ayon kay Bishop Mallari, dapat na mabigyang
nang mas malalim na pakahulugan ang
‘pakikipagkapatiran’ lalo na sa mga fraternities
sa mga Catholic schools tulad ng UST.

 Ayon kay Divina hindi umano nakipag-ugnayan


sa Faculty at hindi nila alam na mayroon palang
ginagawang initiation rites ang nasabing
Fraternity at hindi sila nakikialam sa mga
aktibidades ng anumang klaseng fraternity sa
Unibersidad.
 
 
 Ginawa ni Divina ang pahayag matapos na
mapatay sanhi ng mga pasa sa katawan dahil
sa hazing si Horacio Tomas Castillo III, na
natagpuan sa alas siyete ng umaga noong
linggo sa Balut, Tondo.

 Paliwanag ni Divina sa ilalim ng Anti-Hazing


Law, kinakailangan ipagbigay alam agad ng
pamunuan ng Unibersidad sa pamamagitan
ng sulat ang gagawing hazing o initiation
rites pitong araw bago ang naturang gawain.
 Nakasaad sa sulat ang gawain ng initiation na
hindi lalampas ng tatlong araw,nakalagay ang
mga pangalan na kasali sa mga gawain at
walang physical violence sa naturang
initiation rites alinsunod sa,” Republic Act No.
8049 kung saan mananagot sa batas ang
mga opisyal at miyembro ng fraternity na
kasama sa isasagawang initiation rites kung
mayroong miyembro ang masawi.
 Ayon kay Maria Fatimaparro (2016) Depende
sa kapatiran na iyong sasalihan. Kung ang
kapatirang ito ay makakasama o
makapagpapahamak sa iyo ay nararapat
lamang na huwag mong salihan ngunit,
subalit, datapwat kung ang kapatirang ito ay
magiging isang mabuting ehemplo at
tutulong sa iyo upang ikaw ay makatapos ng
pag-aaral ay okay lamang na ikaw ay sumali
rito.
 Ayon kay Maria Fatimaparro Depende sa kapatiran
na iyong sasalihan. Kung ang kapatirang ito ay
makakasama o makapagpapahamak sa iyo ay
nararapat lamang na huwag mong salihan ngunit,
subalit, datapwat kung ang kapatirang ito ay
magiging isang mabuting ehemplo at tutulong sa
iyo upang ikaw ay makatapos ng pag-aaral ay
okay lamang na ikaw ay sumali rito.
 
 Ayon kay Jhanna Joy Ace (2016) Sa pagsali ng
fraternity dapat tingnan ang objective ng grupo at
ang kanilang mga ginagawa at kung papaano sila
tumanggap na bagong meyembro para malaman
mo kung ito ay makakabuti o makakasama sa iyo.
 Ayon kay Divine (2017) para sa akin may mga
taong nais sumali sa isang fraternity dahil
nais nilang magkaroon ng kapangyarihan
subalit ang iba'y nais magkaroon ng grupong
maaasahan at magbibigay sa kanila ng
proteksiyon. Marahil din ay naghahanap sila
ng maaaring paggugulan ng kanilang oras
kaya sila sumasali, pero para sa akin ayos
lang sumali sa isang fraternity basta ang
hangarin nito ay maganda.
 Ayon kay Mutya (2018) Ang aking pananaw sa
pagsali sa iba't ibang fraternity ay minsan
mabuti minsan din ay masama. Bakit mabuti?
dahil sila ang mga tutulong sainyo sa
financial or sa kahit ano pa na pwedeng
maging kagabay mo at minsan masama,
marahil nadin sa prosesong kanilang
isinasagawa bago makasali sa grupo. “Ngunit
hindi lahat ng fraternity ay masama, dahil ang
iba ay nagbibigay lamang ng tulong o
proteksyon para sayo.
 Ayon muli sa blog nang Bond-og, ang mga fraternity ay
maaaring magdulot ngkasamaan at masamang
impluwensya sa mga mag-aaral kung ang mga kasapi
nito aypawing mga di matitinong mga tao at magdudulot
lamang ito ng hindi magandang epektosa pag-aaral at
buhay ng mga mag-aaral. Sa paglipas ng mga panahon
ng pagsali sa mgafraternity ay naging batayan upang ang
mga mag-aaral ay masabing sikat at in sa mga usoat
mga kalakaran sa makabagong panahon. Ito ay naging
paraan ng mga kabataan o mag-aaral sa pagkakaroon ng
mga kaibigan at mga kasama sa mga katuwaan at
kasiyahan namaaaring maging paraan upang
magkaroonng pagkakataon na makapagpahayag ng
mgaopinion at mga kuro-kuro tungkol sa mga
pangyayari at bagay bagay sa paligid. Maramiang nagsabi
na ang pagsali sa mga fraternity ay nakakatuwa at
nakakapagbigay ngpagkakataon na magkaroon sila ng
sariling mga pananaw. (2016)
Ang post ni James (2002) Isa ring forum ang
aming kinuwaan ng impormasyon ukol sa
kasaysayan ng hazing at kung saan ito
nagsimula.
 
 Isa rito ang website ni bucknell na
naglalaman ng mga history tungkol sa
pinagsimulan sa hazing. Pinaliwanag nya dito
na hindi sa Amerika nagsimula ang mga
fraternity dahil karamihan sa atin ay inaakala
na dito unang nakilala. Nagsimula pala ito sa
Europe at pinasa lang ng mga mananakop sa
mga amerikano.
 Ayon kay Razel Resula (2015) marami pang
dahilan ang maaaring maging rason ng mga
estudyante upang sumali sa kapatiran ngunit
hindi nito maaaring alisin ang katotohanan na
marami sa mga kapatiran na ito a ginagamit
lamang na front ang kanilang “brotherhood”
upang makapang-bully o di kaya ay
maturuan ng leksyon ang mga taong hindi
nila gusto.
 Kabanata III
 
 DISENYO NG PANANALIKSIK
 Ang mga mananaliksik ay gagamit ng Case
Study sa paglalahad ng datos. Ito ay
gagamitin para mapabatid ang pananaw ng
mga kabataan sa “kapatiran” at para ipaalam
sa mga kabataan ang mga posibleng
mangyayari sa kanila pag pinasok nila ang
“kapatiran” at magsisilbing babala sa mga
kabataan ngayon.
 
 PARAAN NG PAGPILI
 
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng
purposive sampling. Sa paraang ito ang mga
mananaliksik ay pipili ng respondante na
naaayon sa nakatalagang pag-aaral ng mga
mananaliksik.
 MGA KALAHOK
 
Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na
ito ay ang mga miyembro ng isa sa mga
malalaking pangkat ng kapatiran( TAU
GAMMA MEMBERS). Sa kabuuan mayroong
sampung(10) mga kalahok upang maging
respondante ng pananaliksik.
 PINANGGALINGAN NG DATOS
 
Dito nakapaloob kung sino-sino ang mga
respondante na pagkukuhaan ng mga
impormasyon. Sa pangangalap na ito
magkakaroon ng labing limang (15)
katanungan na inilalahad ng mga
mananaliksik upang sagutin ng mga
magiging respondante.

You might also like