Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 47

MASISTEMANG PAGSUGPO NG

PESTE AT KULISAP
PAGSASANAY

Panuto: Kilalanin ang mga


sumusunod na peste sa mga halaman
BALIK-ARAL

Panuto: Piliin ang titik ng tamang


sagot.
1. Ang ____________ ay tumutukoy sa
pagtatanim nang salitan ang mga
hanay ng higit sa isang pananim.
a. companion planting
b. crop rotation
c. intercropping
d. snap hydroponics
2. Ang ______________ ay ang
pagsasalit-salit tanim ayon sa
panahon.
a. bio-intensive gardening
b. crop rotation
c. intercropping
d. snap hydroponics
3. Ang ___________ ay pagtatanim at
pagpaparami ng iba’t ibang uri ng
halaman ng sabay sabay sa parehong
lupang taniman.
a. bio-intensive gardening
b. crop rotation
c. companion planting
d. snap hydroponics
4. Ang mga sumusunod ay halimbawa
ng mga halamang nagtataboy sa
kulisap MALIBAN sa isa.
a. bawang c. neem
b. marigold d. sunflower
5. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa ng mga halamang
maaaring itanim bilang pang-akit sa
kulisap
a. bawang c. neem
b. marigold d. sunflower
PESTISIDYO
Ang pestisidyo ay mga sangkap na
ginagamit sa pagkontrol ng mga peste.
Ang mga peste ay natural na bahagi
ng pag-aani. Sa katunayan ang ilan sa
mga ito ay nakatutulong sa bukid.
PESTISIDYO
Subalit, kapag nasira ang balanse ng
kalikasan (di-balanseng kalikasan o
nature imbalance), nagdudulot ang
mga peste ng malaking kapinsalaan
sa ani.
Nagkakaroon ng di-balanseng
kalikasan kapag ang peste ay
walang natural na kaaway, o kaya
kung ang mga bahaging natural sa
pagkokontrol na nasa kabukiran ay
nasira. Halimbawa, kapag pinatay
ng mga tao ang lahat ng mga
ahas, ang populasyon
ng mga daga ay dadami sapagkat wala
nang mga ahas na kakain sa kanila. Sa
ganitong kaso, ang mga peste ay sisira
ng ani. Ito ngayon ay magdudulot ng
pagkabawas sa ani at dahil dito
maaapektuhan ang dami ng pagkain
ng bansa.
Ang mga pestisidyong kemikal
ay umuubos sa sustansiya ng
lupa. Ang sobrang paggamit nito
ay nagpapaasido sa lupa. Ang mga
halaman ay hindi tumutubo nang
mahusay sa mala-asidong lupa,
kung kaya ang mga magsasaka ay
nahaharap sa bagong suliranin –
ang di-mapakinabangan o
maaanihang lupain.
1. TAWAS, APOG AT ASIN – para sa slug
o snail.
1. TAWAS, APOG AT ASIN – para sa slug
o snail.

SLUG SNAIL
Proseso at Pag-gamit:

1. Ihalo ang 1 parte ng tawas, 1 parte


ng asin sa 8 parte ng apog.
2. Ihagis ang mixture sa paligid ng
sakahan upang matapakan ng slug
at snail.
2. GATA NG NIYOG – para sa aphids,
scale insect at uod.
2. GATA NG NIYOG – para sa aphids,
scale insect at uod.
Proseso at Pag-gamit:

1. Kayurin ang 2 niyog,lagyan ng 1 litrong tubig at


pigain, lagyan ulit ng 1 litrong tubig para sa 2
pagpiga. Ihalo ng maigi ang 1 pirasong perla soap
sa 2 litrong gata ng niyog hanggang matunaw.
2. Pag-gamit:
3. Ihalo ang 1 parte ng gata na may sabon sa 10
litrong tubig at i-spray sa hapon ng 2 beses na
may 2 araw ang pagitan.
3. MAKABUHAY AT TANGLAD – para sa
uod, alitangya at beetles.
3. MAKABUHAY AT TANGLAD – para sa
uod, alitangya at beetles.
Proseso at Pag-gamit:

1. Pakuluan ng isang oras ang 1 kilong


tinadtad na katawan ng makabuhay,
kalahating kilo ng tanglad sa 10 litrong
tubig. Palamigin at ilagay sa bote.
2. Pag-gamit: Ihalo ang 4-5 litrong sabaw
sa sprayer at ispray sa halaman sa
hapon, sa loob ng 2 araw.
4. CAMPHOR BALLS – para sa adult na
borer family at uod.
4. CAMPHOR BALLS – para sa adult na
borer family at uod.
Proseso at Pag-gamit:
1. Dikdikin ang 2 dosenang camphor
balls sa 16 litrong tubig at haluan ng
1 pirasong sabon perla at i-sprey sa
halaman s hapon, 2-3 beses na may
2 araw na pagitan.
5. CHRYSANTHEMUM – para sa lahat
na insekto
Proseso at Pag-gamit:
1. Ibabad ang 1/2 kilong dahon at
katawan ng chrysantemum sa 10-15
litrong tubig na maligamgam kasama
ang 1 pirasong sabon na perla sa loob
ng 1-2 oras. Palamigin, salain at i-
sprey sa halaman na may peste.
6. BAWANG – para sa mga sucking na
insekto.
Proseso at Pag-gamit:
1. Dikdikin ang 1/2 kilo ng bawang,
lagyan ng 2 kutsarang edible oil, 1
litrong tubig at 1 pirasong sabon na
perla. Ihalo ang 1 parte na solusyon
sa 50 parteng tubig at i-sprey sa
hapon.
7. SILI – para sa langgam.
Proseso at Pag-gamit:

Dikdikin ang 1 lata (lata ng sardinas)


na sili at ihalo ang 16 litrong tubig na
may natunaw na 1 pirasong sabong
perla. I-sprey sa halaman sa loob ng 2-
3 beses araw-arawtuwing hapon
8. MARIGOLD – repellant sa mga
insekto.
Proseso at Pag-gamit:
Bayuhin ang 1 kilong dahon at
katawan kasama ang 1 litrong tubig.
Ihalo sa 16 litrong tubig, lagyan ng 1
pirasong sabon na perla. Ibabad ng 1
1/2 oras, salain at i-sprey sa halaman
tuwing hapon sa loob ng 2-3 araw.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang mga
sumusunod na sitwasyon. Pillin
ang titik ng tamang sagot. Isulat
ito sa quiz notebook.
1. Napansin ni Mang Jose na maraming mga
suso na pumipinsala sa kanyang taniman ng
gulay. Alin sa mga sumusunod na
organikong pestisidyo ang maaari nyang
gamitin upang mawala ito?
a. Gata ng niyog
b. tawas at apog
c. Makabuhay at tanglad
d. sili
2. Ang makabuhay at tanglad ay mabisang
pangsugpo ng alin sa mga sumusunod na
peste
a. Alitangya, uod at beetles
b. slug at snail
c. Aphids, scale insects
d. langgam
3. Ang paggamit ng mga kemikal na
pestisidyo ay dapat iwasan sapagkat
a. Makadaragdag ito sa ani
b. Makakapagpalaki ito ng halaman
c. Makakadagdag ito sa polusyon
d. Makakaakit ito ng mga kulisap
4. Ang mga halaman sa bakuran ni Aling
Nena ay maraming nakatirang langgam. Alin
sa mga sumusunod na halimbawa ng
organikong pamuksa ng kulisap ang maaari
nyang gamitin?
a. Bawang
b. Sili
c. Camphor balls
d. tawas at apog
5. Ang mga sumusunod ay kabutihang dulot
ng organikong pestisidyo MALIBAN sa isa.
a. Nakakapuksa ito ng mga peste na
maaaring makabawas sa ani
b. Nakakapagpabulalak ito ng halaman
c. Naiiwasan ang polusyon sa tubig
d. Nakasisiguro na ligtas kainin ang mga
gulay
Bumuo ng pangkat at gawin ang organikong
pamatay peste na bawang.
BAWANG – para sa mga sucking na insekto.
Proseso at Pag-gamit:
Dikdikin ang 1/2 kilo ng bawang, lagyan ng
2 kutsarang edible oil, 1 litrong tubig at 1
pirasong sabon na perla. Ihalo ang 1 parte
na solusyon sa 50 parteng tubig at i-sprey
sa hapon.
KASUNDUAN
Ano-ano ang mga palatandaang
maaaring anihin ang mga gulay.

You might also like