Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Nakapagsasabi ng mga

palatandaang maaari
nang anihin ang gulay
Panuto: Isulat sa iyong
kuwaderno ang tamang sagot
ng mga sumusunod:
1. Ang lugar ay angkop
pagtamnan kung __________.
A. masikip
B. lubak-lubak
C. nasisikatan ng araw
D. lahat ng nabanggit
2. Ang lupang pagtatamnan ay
dapat __________.
A. Pino
B. magaan
C. buhaghag
D. lahat ng nabanggit
3. Ang sukat ng halamanan ay
naaayon sa laki ng bakuran at
__________.
A. payo ng kaibigan
B. katulad ng sa kapit-bahay
C. kagustuhan ng mag-anak
D. wala sa mga nabanggit
4. Mahalaga ring ang lugar na
pagtatamnan ay malapit sa
__________.
A. palaruan
B. bahay ng kaibigan
C. pinagkukunan ng tubig
D. lahat ng nabanggit
5. Kung ang lugar ay angkop sa
pagtatanim __________.
A. Tutubo at lalaking malulusog ang mga
pananim
B. Magiging maunlad ang
paghahalaman
C. Magiging kawili-wili at kasiya-siya ang
paghahalaman
D. Lahat ng mga nabanggit
BALIK-ARAL
1. Ang mga pestisidyo ay mga sangkap
na ginagamit sa _______________.
a. pagkontrol ng mga peste
b. pagpapanatili ng kalusugan ng
mga halaman
c. pagpapanatili ng kalinisan ng
tubig
d. paggamot ng mga sakit ng mga
tao
2. Ang mga pestisidyo ay
__________________.
a. walang masamang epekto
b. may masama at mabuting epekto
c. may mabuting epekto lang
d. walang epekto
3. Ang mga peste ay __________________.
a. nakapipinsala sa mga halaman
b. nakatutulong sa mga halaman
c. nakatutulong at nakapipinsala sa
mga halaman
d. walang silbi sa mga halaman
4. Kapag nakakita ka ng peste sa
bukirin, kailangang _________________.
a. magbomba ka kaagad ng
pestisidyong yaring-bahay
b. bantayan mo ang mga peste
upang malaman mo kung
nakapipinsala na ang mga ito sa mga
halaman
c. huwag mo itong intindihin dahil
nag-iisa lamang ito
d. magbomba ka ng mga
pestisidyong kemikal
Ang mga madahong gulay tulad
ng petsay,mustasa at
letsugas ay dapat anihin bago
magsiigkas ang mga tangkay at
mga dahon ng 6 na bilang.
Anihin ito sa tamang panahon
Patola,Upo at Sayote-ito ay
inaani kapag nasa tamang laki
na, mura pa o malapit nang
malanta ang mga dahon
Kinchay,Dahon ng Sibuyas at
Unsoy-inaani kapag ang tangkay
ay malutong at pumuputok.
Labanos,Kamote at Patatas-
inaani kapag lanta na ang
dahon,husto na sa laki at
matigas na
Talong,Ampalaya at Pipino-
anihin habang ang mga buto ay
mura pa
Sitaw at Okra-dapat anihin
kapag ito ay nasa tamang haba
at laki, at habang mura pa
Sibuyas at Bawang-inaani
kapag ang mga talbos ay lanta
na
Panuto: Kumpletuhin ang Table. Isulat
ang palatandaan na maaari nang
anihin ang mga sumusunod na gulay.

You might also like