Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 50

ANG WIKANG FILIPINO: KALIKASAN,

TUGKULIN AT KALAGAYAN
LAYUNIN
• Maipaliwanag ang ugnayan ng mga tungkulin ng wikang Filipino bilang
wikang pambansa, wika ng bayan, at wika ng pananaliksik na nakaugat
sa pangangailangan ng sambayanan;
• Maipaliliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalakas ng wikang
pambansa, pagpapatibay ng kolektibong identidad, at pambansang
kaularan;
• Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng
makabuluhan at mataas na antas ng diskursong akma at nakaugat sa
lipunang Pilipino at bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.
KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

• Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang mga wika.
KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

• Dekunstruksiyon ng probisyon

1. Malinaw kung ano ang itatawag sa


wikang pambansa ng Pilipinas – Filipino.

2. Ito ay wikang nasa proseso pa rin ng


paglilinang.
KALIKASAN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

• Dekunstruksiyon ng probisyon

3. May dalawag saligan ng pagpapayabong


at pagpapayaman sa wikang ito.

 Umiiral na wika sa bansa o diyalekto


 Iba pang mga wika o wikang dayuhan
Pormal na Deskripsiyon ng Filipino bilang wikang Pambansa

• Resolusyon 96-1 ng Komisyon sa Wikang Filipino


Ang Filipino ang katutubong wika na ginagamit sa buong
Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di
katutubong wika at ebolusyon ng iba’t ibang saligang
sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling
pagpapahayag.
Pormal na Deskripsiyon ng Filipino bilang wikang Pambansa

• Deskripsiyon ng KWF
 Ang wikang Filipino ay dinamiko.

 Sa panghihiram ng wika, inaari na rin nating atin ang


salitang hiniram at maaaring walang pagbabago o may
pagbabago sa baybay.

 Mas akmang gamitin ang pag-aambag kaysa


panghihiram kung ang salita ay galing sa Mindanao,
Visaya o sa Hilaga o Katimugang bahagi ng Luzon.
• Ang Filipino sa 1987 Constitution
ay hindi na ang Pilipino sa
Kautusang Pangkagawaran Bilang
7, Kagawaran ng Edukasyon.
AMALGAMASYON

• Ito ay ang pantay-pantay na


representasyon ng lahat ng wika
sa Pilipinas.
• Ito ay konsepto ni Demetrio
Quirino, Jr.
ESPERANTO

• Likhang artipisyal na wika mula


sa pinagsama-samang mga
salita ng halos lahat ng wika sa
Europa
KAIBAHAN NG FILIPINO,
TAGALOG AT PILIPINO
TAGALOG

• Isang wikang natural at may mga


katutubong tagapagsalita.
• Partikular na wikang sinasalita ng
etnolinggwistikong grupo sa
bansa na tinatawag na Tagalog.
TAGALOG
Wika sa :
 Bulacan
 Batangas
 Rizal
 Laguna
 Quezon
 Cavite
 Mindoro
 Marinduque
 Ilang bahagi ng Nueva Ecija, Puerto Prinsesa at Metro Manila
PILIPINO
• Wikang pambansa noong 1959 sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran bilang 59
• Isang mono-based national language
• Tinawag ni Prof. Leopoldo Yabes na Tagalog
Imperialism
FILIPINO

Mga paglilinaw sa
miskonsepsiyon sa
wikang Filipino
1. Ang pangalang Filipino ay hindi galling sa
Ingles na Filipino na tawag sa mga
mamamayan ng Pilipinas.

2. Hindi akomodasyong pampolitika ang


pagbabago ng wikang pambansa mula
Pilipino sa Filipino.
FILIPINO

DAHILAN NG PASYANG
PAGPAPALIT NG
P SA F
• Upang magkaroon ng
kongkretong sagisag ng
modernisasyong pinagdaraanan
ng wikang pambansa.
TUNGKULIN NG WIKANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA

Tungkulin ng wikang Filipino sa:


 pambansang kaunlaran
 Pambansang simbolo
 Pambansang identidad, pagkakakilanlan at
pagkakaisa
NATIONAL DEVELOPMENT AND LANGUAGE DIVERSITY

• Pananaliksik ni Jonathan Pool


noong 1972 na nailathala sa
ikalawang bolyum ng Advances
in the Sociology of Language
(Joshua Fishman, Ed., 1972)
Grap ng National Development and Language Diversity
Haypotesis ni Pool

• Nakasasagabal sa
kaunlarang pang-
ekonomiya ang pagkakaiba-
iba ng wika.
Resulta ng Pananaliksik ni Pool
• Ang scatterplot grap ay hinati sa apat (4) na quadrants.
• 1st quadrant – (upper left) mga bansang linguistically diverse at
mataas ang gross domestic product
• 2nd quadrant – (lower left) mga bansang linguistically diverse at
mababa ang gross domestic product
• 3rd quadrant – (upper right) mga bansang hindi linguistically diverse at
mataas ang gross domestic product
• 4th quadrant – (lower right) mga bansang hindi linguistically diverse at
mababa ang gross domestic product
Resulta ng Pananaliksik ni Pool
• Ang Pilipinas ay nasa ikalawang quadrant kasama ng
Nigeria, Cameroon, Ghana, Malaysia at Burma.
• Nasa ikatlong quadrant ang Kuwait, U.S.A., New
Zealand, Sweden at Germany.
• Nasa ikaapat na quadrant ang Syria, Brazil, Thailand,
Yemen at Haiti.
Kongklusyon sa Pananaliksik ni Pool

• Language diversity of one sort or another is held


to cause the retardation of development, both
political and economic. Language diversity
aggravates political sectionalism, hinders inter-
group cooperation, national unity, impedes
political support for authorities and political
participation; and holds down governmental
effectiveness and political stability.
• Tugma ang tuklas ni Jonathan Pool sa obserbasyon sa
naunang artikulong isinulat ni Joshua A. Fishman
(1968). Ayon kay Fishman:
Linguistically homogenous politics are usually
economically more developed, educationally more
advanced, politically more modernized, and
ideologically-politically more tranquil and stable.
Paliwanag ni Fishman:

Ang mga bansang may iba-ibang


komposisyong linggwistik ay nahaharap sa
natatanging sagabal sa kaunlaran.
Ayon sa Pag-aaral ni Constantino (1972)

• May higit na apat na raang (400) wikain at


diyalekto ang sinasalita ng iba’t ibang
linggwistik at etnik na pangkat sa buong
kapuluan kung kaya ang Pilipinas ay naharap
sa tinawag ni Fishman na special hurdle in
development o natatanging sagabal sa
kaunlaran
Sibayan (1994)
Mahahalagang paksa para sa pagpaplanong pangwika:

• Pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang wika ng


pagkakaisa at pagkakakilanlan.

• Preserbasyon ng mga bernakular na wika ng


Pilipinas.
• Samakatwid:

– May kinalaman ang wika sa


pagpapaunlad ng bansa at may
kinalaman ang wikang Filipino sa
pagpapaunlad ng Pilipinas.
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS

• Isang pagsusuri sa kalagayan ng wika


bilang isang penomenong
panlipunan kaugnay ng kalagayang
pang-ekonomiya at pampolitika ng
Pilipinas.
• Ang mayamang kultura, kasaysayan at
makulay na politika sa bansa ang
nagbubunsod ng pagbabago sa sitwasyon
ng polisiyang pangwika sa edukasyon at
iba pang aspekto ng lipunan.
1. Multilingguwal at Multikultural ang Pilipinas

Isang archipelago ang Pilipinas kung kaya ang


katangiang heograpikal nito ang nagdudulot ng
pagkakaiba-iba ng wika at kultura. Mahigpit na
magkaugnay ang wika at kultura kung kaya’t
nasasalamin sa wika ang ano mang katangiang
pisikal at kultural ng bansa.
• Batay sa sensus noong 2000 ang dami ng taal na tagapagsalita sa:
- Tagalog ay 21.5 milyon
- Cebuano ay 18.5 milyon
- Ilocano ay 7.7 milyon
- Hiligaynon ay 6.9 milyon
- Bicol ay 4.5 milyon
- Waral ay 3.1 milyon
- Kapampangan ay 2.3 milyon
- Pangasinan ay 1.5 milyon
- Kinaray-a ay 1.3 milyon
- Tausug, Maranao, Maguindanao ay 1 milyon
2. Ingles ang Lehitimong Wika sa Pilipinas
• Ayon sa Social Weather Station (2008)
- halos 76% ng mga Pilipinong nasa sapat na gulang ang
nagsabing nakauunawa at nakapagsasalita ng Ingles.
- 75% ang nagsabing nakapagbabasa nito
- 61% ang nagsabing nakapagsusulat sila sa wikang Ingles
- 38% ang nagsabing nakapag-iisip gamit ang wikang Ingles
2. Ingles ang Lehitimong Wika sa Pilipinas
• Ayon kay Gonzales (2003)

kapansin-pansing hindi tugma ang


polisiyang pangwika at aktwal na
implementasyon nito.
2. Ingles ang Lehitimong Wika sa Pilipinas
• Ayon kay Bourdieu (1991)

Ang lehitimong wika sa isang lipunan


bilang wikang ginagamit sa pag-unlad ng
Sistema ng edukasyon at pagpapagana ng
Sistema ng paggawa.
2. Ingles ang Lehitimong Wika sa Pilipinas
• Ayon kay De Quiros (1996)

Hindi lamang komunikasyon ang


pangunahing gamit ng wika, kundi susi o
instrument ito upang makapaghari sa isang
tiyak na lipunan.
3. Wikang Global ang Wikang Filipino
• Ang kalagayang pang-ekonomiya sa bansa ang
nagtutulak sa mga Pilipinong magtrabaho sa iba’t
ibang bansa.
• Ayon sa Index of Survey on Overseas Filipinos noong
2014 ay tinatayang nasa 2.3 OFW ang nasa iba’t
ibang panig ng mundo.-
3. Wikang Global ang Wikang Filipino
• Ayon sa American Community Survey (2013)
- Pangatlo ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming
nagsasalita sa Estados Unidos.

- Pangatlo ang Filipino na may 1.6 milyong gumagamit sa


Espanyol na nagtala ng 38.4 tagapagsalita.

- Sa Chinese na may halos 3 milyong tagapagsalita.


3. Wikang Global ang Wikang Filipino

• Ilan sa mga mauunlad na Departamento


ng Filipino at mga kaugnay na programa
ang matatagpuan sa University of Hawaii-
Manoa at Philippines Studies Program sa
Osaka University, Japan
4. Ang Filipino ay Wika sa Social Media
• Ang social media ay tumutukoy sa grupo ng internet-based
applications na ginawa batay sa Web 2.0, kung saan
nagging possible ang pagkontrol at kontribusyon ng mga
gumagamit ng internet sa nilalaman ng iba’t ibang social
media sites.

• Tinaguriang Social Media Capital of the World ang Pilipinas


ayon sa mga eksperto sa larangan ng midya at teknolohiya.
4. Ang Filipino ay Wika sa Social Media
• Ingles ang wika ng Internet ngunit dahil sa
paglaganap ng web publishing tools at iba’t ibang
wika na rin ang nakapasok sa mundo ng cyberspace.
Dahil sa mga Pilipino ang maituturing na
pinakaaktibo sa larangang ito ay hindi na maiiwasan
ang paglaganap at paggamit ng Filipino sa Internet.
ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN AT PANANALIKSIK

• The Filipino nation was


introduced into the world of
universality before it could
develop its own individuality.
-Montemayor (1972)
ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN AT PANANALIKSIK

• The most effective means of


subjugating people is to capture
their minds…The moulding of
men’s minds is the best means
of conquest.
-Constantino (1982)
ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN AT PANANALIKSIK

• Ano ang gagawin ninyo sa wikang dayuhan? Papatayin n’yo


lamang ang inyong pansariling katauhan at ilalantad ang
iniisip sa ibang kaisipan. Sa halip na gawing malaya ang
inyong sarili ay gagawin n’yo lamang itong alipin. Kapwa
kayo makalilimot na habang ang tao ay may sariling wika ay
mayroon kayong kalayaan. Tulad ng tao na malaya habang
nakapag-iisip sa kanyang sarili. Ang wika ay paraan ng pag-
iisip ng tao.
-Jose Rizal, halaw sa El Filibusterismo.
ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN AT PANANALIKSIK

• Sa edukasyong kolonyal maisisisi ang


hanggang ngayong pagdududa sa
kakayahan ng wikang Filipino bilang
wika ng karunungan at wika ng
pananaliksik.
• Ito ay sa kabila ng:
-pagtuturo ni Padre Roque Ferriols ng Pilosopiya at ni Dr. Judith
Aldaba ng Matematika sa Filipino
-pagsasalin sa Filipino ni Hukom Cesar Peralejo ng Kodigo Sibil
at Kodigo Penal
-Diksyunaryo sa Kemika ni Dr. Bienvenido Miranda at sa
Medisina ni Dr. Jose Reyes Sytanco.
-Libro sa Ekonomiks ni Dr. Tereso Tullao Jr.
-Artikulong pang-Medisina ni Dr. Luis Gatmaitan
ANG WIKANG FILIPINO BILANG WIKA NG KARUNUNGAN AT PANANALIKSIK

• Hindi na dapat pinagdududahan ang


potensyal ng wikang Filipino bilang
wika ng karunungan at ang likas na
kakayahan ng Filipino bilang daluyan
ng mga bagong tuklas na kaalaman
sa mga pananaliksik panlipunan.
SALAMAT

You might also like