pinakamalalaki at pinakamahahalagang balita na mababasa sa unahang pahina ng pahayagan;nakasulat ang ulo nito sa malalaking titik. 2. Balitang Lokal at Pandaigdig- ang mga balita ay maaaring lokal o pandaigdig. Kapag ang mga pangyayari sa balita ay naganap sa loob ng bansa, nauuri ang balita bilang balitang lokal; kung ang mga pangyayari sa balita ay naganap sa labas ng bansa, nauuri ang balita bilang balitang pandaigdig. 3. Pahinang Editoryal- dito mababasa ang editoryal o pangulong tudling na naglalaman ng opinion ng editor ng pahayagan tungkol sa napapanahon at mahahalagang isyu at balitang naipalathala. Matatagpuan din sa bahaging ito ang mga pitak o kolum na naglalaman ng mga kuru-kuro tungkol sa iba’t ibang isyu. 4. Pahinang Panlibangan- ang mga balita o lathalain tungkol sa mga artistang lokal o banyaga at palabas sa telebisyon at pelikula ay matatagpuan sa pahinang ito, gayundin ang iba’t ibang gawaing mapaglilibangan, tulad ng palaisipang krosword, horoscope, at komiks. 5. Anunsiyong klasipikado- mababasa rito ang mga anunsiyo o palathala tungkol sa mga mapapasukang trabaho, gayundin sa mga ipinagbibiling produkto, lote, bahay, sasakyan, at iba pa. 6. Pahinang pang-isports- ang mga balita tungkol sa iba’t ibang laro o isports ay mababasa sa pahinang ito. 7. Pahinang panlipunan- dito nakalahad ang iba-ibang impormasyon o balita tungkol sa mga pangunahing pagdiriwang at mahahalagang pagtitipon o salu-salo ng mga kilalang tao sa lipunan. 8. Pahinang pangkalakalan- matatagpuan dito ang mga ulat hinggil sa negosyo, stock market, at ekonomiya sa loob at labas ng bansa.