Ito’y isang maikling kathang maaaring hango sa tunay na buhay o maaari namang likha ng mayamang guniguni ng may akda, kakaunti lamang ang mga tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. Natapos itong basahin sa isang upuan lamang. MGA URI NG MAIKLING KWENTO Salaysay Kwento ng Katatawanan Kwento ng Tauhan Kwento ng Madulang Pangyayari Kwento sa Pakikipagsapalaran Kwento ng Katutubong Kulay Kwento ng Kababalaghan Kwento ng Sikolohiko Kwento ng Talino Kwento ng Katatakutan ANG MGA ALAMAT AT KWENTONG BAYAN ALAMAT Kwentong Bayan Isang kathang Isang akdang walang pampanitikan na ang may-akda at nagpalipat- pinakadiwa ay mga lipat lamang sa bibig ng bagay na makasaysayan. mga tao. ANG NOBELA Katulad ng maikling kwento, ang nobela ay isang akdang tuluyan ngunit higit itong mahaba kaysa maikling kwento. Kaiba sa maikling kwento, ito’y maraming tauhan at marami ring pangyayaring totoo o likhang-isip lamang. Nangangailangan ito bg mahabang panahon nng pagbabasa sapagkat hindi ito mababasa sa isang upuan lamang. May iba’t-iabang uri ng nobela gaya ng nobela ng tauhan, nobelang makabanghayy, nobela ng kasaysayan at nobela ng romansa. ANG SANAYSAY Ang sanaysay ay isang akda na nasa anyo rin ng tuluyan. Ito’y kasama rin sa genre ng panitikang Pilipino. Karaniwan ng nakatuon ito sa isang tanging paksa at naglalayong maglahad ng mga kuro-kuro o pananaw ng may akda. May dalawang uri: maanyo o pormal at Malaya o di pormal. Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nangangailangan ng mga sumusunod: 1. Maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita 2. Maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan 3. Lubos na kaalaman sa paksa 4. Mahusay at malinaw na pagbuo ng mga pangungusaap ANG DULA O DRAMA Ang dula ay isang anyo ng panitikan na ang layunin ay magpakita sa isang tanghalan sa pamamagitan ng kilos at galaw. Ang sining ng dula ay mahalagang hiyas ng alinmang wika. Ito ay nagbibigay kislap sa alinmang panitikan. Upang kawilikawili ang dula, kailangan ang mga pangyayari, suliranin at paliwanag ng suliranin ay paunlad na inilalahad. ANG PABULA Ang pabula ay mga kwentong ang mga tauhan ay hayop. Ito’y kawili-wiling kwento na nagpapakita ng mga mabubuting aral o ang layunin ay maghatid ng kagandahang asal. ANG TULA Katutubong hilig ng mga Pilipino ang pagtula. Katunayan bago paman dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, may mga tula ng binibigkas ang mga Pilipino tulad ng bugtong, salawikain, tugmang bayan, at bulong. May apat na pangkalahatang uri ng tula: 1. Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko 2. Tualang Pasalaysay 3. Tulang Patnigan 4. Tulang Padula May apat na sangkap: 5. Tungkol sa damdamin 6. Tungkol sa guni guni 7. Tungkol sa kaisiipan 8. Tungkol sa pananalita LUTA Ang luta ay isang kilalang-kilalang instrument sa panahon ng Renaissance. Ito ay may 16 na kwerdas na kinakalabit ng mga daliri. Hugis pabilog ang likod ng katawan nito at ang dulo ay nakayuko. Ang luta ay itinotono sa anim na nota: so (g’), re (d’), la (a), fa (f), do (c), at so (G). MGA BOKABULARYO SA MUSIKA Accelerado- unti unting bumibilis Entire song method- pamamaraang pag awit ng buo Accent- diin/bigat Fast tiempo- mabilis na tiyempo Broken measure- magkahiwalay na sukat Forte (loud)- malakas Change of tempo- pagbabago Fortissimo (very loud)- napakalakas Hot voice- pandibdib na boses Half note- hati/dalawahan, Culture- kalinangan/kultura pagitan Decrecsendo- unti unting Head voice- pang ulong boses humihina Hum- himig Drill- pagsasanay Interpretation– pakahulugan Dynamics- lakas Key- tunugan Element- sangkap Ledger line- dagdag-guhit SAYAW Ang sayaw ay nagpapahayag nng karakter, kalooban at sentimiyento ng mga simpleng tao sa ating bansa. Tatak na ng ating lahi ang pagkahilig sa sayaw. Bagamat wala na halos bakas ng mga sinaunang sayaw ng mga Pilipino, magkakaroon lamang tayo ng pagkakataon na Makita o mapanood itong muli sa mga programang pangkultura sa mga paaralan, sa barangay o anumang okasyon na muling binubuhay ang ating kultura. BALITAW- sayaw ng pnaliligaw (katagalugan at sa rehiyon ng Visayas) DOS AMIGOS- ibig sabihin ay dalawang magkaibigan. Ito ay sayaw sa pista na ginagawa bilang parte ng pagpapatawa. ITIK-ITIK- ito ay nagmula saa sayaw na sibay kung saan ito ay isinagawa sa tono ng Dejado. Ang sayaw ay galling sa salitang itik. KUNDAY- ang ibig sabihin ay igalaw ang kamay nang maganda tulad ng kumintang. Kapag ang matatanda ay gustong magpakita ang mga bata artistiko at magandang galaw ng mga kamay, sila ay pinagagawa ng kunday. PALOK- sayaw sa pista. Ito ay isinasasayaw ng mga taga-Kalinga sa anumang mga pagtitipon. PUNYAL NI ROSA- ibig sabihin ay ang punyal o balaraw ni Rosa. Ito ay isang sayaw ng panliligaw. MAGKASUYO- ito ay simple at madaling sayaw para sa mga taga- Quezon. Ang ibig sabihin ng magkasuyo ay magkaibigan o magnobyo. Ito ay ginagawa sa anumang okasyon. PAGBASA NG MGA TEKSTONG PROFESYONAL Ang tekstong profesyunal ay isinulat upang mabasa o mapag-aralan ang mga impormasyong nakalahad ditto. Layunin nitong maglahad ng mga karagdagang impormasyon, mga makabagong impormasyon na bunga ng mga napapanahong pag-aaral batay sa mga pananaliksik na isinasagawa upang makatuklas pa ng mga kaalamang magiging kapaki-pakinabang sa mga mambabasa. Karaniwang nagtataglay ang tekstong profesyunal ang mga sumusunod: 1. Hindi maligoy ang paksa 2. Komprehensibo ang pagkakalahad 3. Maayos at organisado ang pagkassunod-sunod ng mga ideya 4. Mayaman sa mga impormasyon 5. Bunga ng masusing pananaliksik 6. Iniuugnay sa mga nagging karanasan ng isang tao o bumabasa o kaya naman ay sa isang tiyak na sitwasyon Tekstong ekspositori- Ito ay bunga ng pagpapahayag na ang layunin ay gumawa ng malinaw, sapat at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa ano mang bagay na nasasaklaw ang isip ng tao. Hulwaran ng mga Organisasyon ng Teksto Isang uri ng diskursong ekspositori na pinakamadalas gamitin. Maaaring maibigay ang kahulugan ng isang bagay o salita sa tulong ng ibang salitang kasingkahulugan nito. Halimbawa: itim- pagdadalamhati ; pula- katapangan Paglalahad Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag, pasalita man o pasulat na nagpapaliwanag. Ilang uri ng paglalahad ay tala, balita, pitak, editorial, panuto at sanaysay. Pag-iisa-isa (Enumerasyon) Pagaayos ng mga detalye ayon sa pagkasunod-sunod, mula simula hanggang huli Pagsusunod-sunod Sekwensyal