Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

MAKABULUHAN

G TESKTO
UNANG PANGKAT
ANG TEKSTO
 Ang isang teksto ay maaring isang babasahin o
orbrang sulatin na bunga ng isinasagawa o
isasagaeang pag-iisip, pagsusulat at pagrerebisa
batay sa mga nabasa at naging karanasan.
MGA BAHAGI NG TEKSTO O
SULATIN
• Ang isang teksto o sulatin ay binubuo ng tatlong
pangunahing bahagi:
A. Pamagat o Titulo
B. Introduksiyon o Sanimula
C. Gitna o Katawan
D. Wakas o Kongklusyon
A. PAMAGAT O TITULO
 Ito ay isa sa napakahalagang bahagi ng isang
teksto o sulatin. Ang maayos at mahusay na
paglalagay ng pamagat o titulo ay nakatutulong
sa mambabasa para mahikayat silang basahin
ang kabuuan ng teskto o sulatin.
B. INTRODUKSYON
 Maaaring isang pangungusap lamang ang simula o
introduksyon ngunit kung minsan ay nangangailangan
din ito ng higit pa sa isang pangungusap. Ang simula o
introduksyon ay dapat may katangiang gaya ng mga
sumusunod:

1. Nakapupukaw ng atensyon ng mambabasa


2. Nakaakit ng kawilihan ng mambabasa
3. Nagsasaad ng pangunahing paksa o kaisipan
ILAN SA MGA PARAAN NG
PAGSULAT NG SIMULA
1. Magsimula sa isang katanungan
• Ang isang makakaintrigang tanong ay madaling
makakuha ng atensyon ng mambabasa.
Halimbawa:
• Ano ang nais mong malaman mula sa akin?
2. Magsimula sa pamamagitan ng isang anekdota
• Ang anekdota o isang maikling istorya ay isa sa
pinakabisang paraan para maging kaaya-aya ang
simula ng isang teksto
Halimbawa:
• Ayaw na ayaw kong magsilat dati. Madalas na gusto ko
ay pumasok sa parihabang kweba, maghalughog ng
kayamanan, at kapag nahanap ko na ang natipuhan
kong yaman ay ilalabas ko ang malutong na papel o di
kaya'y ang malalaking butones na hiningi ko sa aking
ama. Kapalit ng inilabas kong malutong na papel o
malalaking butones ay ipinagkakaloob sa akin ng
parihabang kweba ang magkakasapaw na tinintahang
papel. Masauang-masaya akong uuwi at magdamag
kong babasahin ang magkakasapaw na tinintahang
papel hanggang sa masunog ang aking kilay.
3. Magsimula sa isang kakaiba o bagong kaalaman, ideya at
opinyon
• Naglalayon ang paraang ito na makakuha ng panibagong kaalaman
ang mambabasa
Halimbawa:
• Sining ang mahiwagang tulay sa pagtawid at pagpapahayag ng
anumang magandang damdamin at saloobin ng isang tao. Ito ay
pinatutunayan ng ibinigay na depinasyon ng UP Diksiyonaryong
Filipino na ang sining ay ekspresyon ng anumang maganda, kaakit-
akit at may kahalagahang hihit sa karaniwan alinsunod sa mga
prinsipyong estetiko.
4. Direktang pagtukiy sa mambabasa
• Sa pagtukoy sa mambabasa, binibigyan ng pagkakataon ng
manunulat na direktang isangkot ang mambabasa sa loob ng
kanyang sulatin o tekstong isinulat.
Halimbawa:
5. Direktang paglalahad ng nakaakit sa paksa
• Maututuring na isang napakagandang simula ang
mahusay na paggamit ng mga salita.
Halimbawa:
• Ang tao ang bumubuo da lipunan. Esensiyal ang tao
sapagkat kung walang tao ay hindi magkakaroon ng
lipunan. Ang tao ang gumawa ng kanyang kapalaran,
nag-iisip ng kanyang gagawin at naghuhulma ng
kanyang ikabubuhay.
6. Maglarawan ng isang indibidwal, bagay o lugar.
• Kung ang teksto o sulatin ay may kinalaman sa tao, bagay o
lugar na kakaiba o kaakit-akit, maaaring magsimula sa isang
mahusay na paglalarawang.
Halimbawa:
• Ang one-act play na "Ang mga Pilipino sa Sandwich Islands"
ay bubga ng makabuluhang pakikiagapay sa modernong
anyo ng panitikan. Nagsimula ang istorya kay Pikake na
nagbalik sa kasalukuyan na isa sa mga sakadas na
dumating sa Hawaii noong 1906.
7. Magsimula sa paninindigan da isang isyu.
• Kalimitang nakatatawag ng atensyon sa mambabasa ang
isang direktang pahayag lalo na sa napapanahong isyu.
Halimbawa:
• Higit na makapangyarihan ang panulat kaysa tabak. Higit
itong tumatalab, higit itong tumitimo, gumigising at
8. Magsimula sa isang dayalogo.
• Ang tuwirang "pagsasalita" ng mga tauhan o manunulat tuon sa mga
mambabasa ay nakatatawag ng pansin at mahusay na pagsisimula.
Naipaparamdam ng panulat da mambabasa na siya ang kausap at kasama sa
mga pangyayari sa kwento o talakay.
Halimbawa:
• "Tawagan kita pagdating ko sa langit makalupas ang kalahating oras matapos
akong mailibing. Huwag kang malulungkit dahil mahal na mahal kita Rohan at
mananatili ka sa puso ko at sana manatili rin ako sa puso mo. Mahintay mo
sana ang tawag ko."
9. Magsimula sa pamamagitan ng isang sipi.
• Ang paggamit ng tuwirang sipi bilang simula ay madalas ding epektibo para
lalong mapalitae ang pangunahing paksa o kaisipan ng teksto o sulatin.
Halimbawa:
• "Ayon sa alamat, ibig ni Bathala na magkaroon ng mga tao sa mundo.
Humubog siya ng luad at isinalang iyon sa apoy. Nakalimutan niyang bantayan,
nasunog iyon at lumitaw ang lahing itim. Humubog pa ng luad si Bathala at
muling isinalang sa apoy. Sa takot masunog, hinango niya agad iyon, kaya
nahilaw at lumitaw ang lahing puti. Sa huli, pinagbuti ni Bathala ang paghubog
sa luad, isinalang pa rin ssa apoy binantayang mabuti, kaya naging hustong-
husto ang luto at iyo ang simula ng lahing kamuyanggi!"
3. GITNA O KATAWAN
• Ang katawan ang siyang sumusuporta sa simula o
introduksyon. Dito inilalahad ang lahat ng patunay para
sa ganap na ikauunawa ng mambabasa sa teksto.
Nakapagpapaunlad ng isang paksa o kaisipan ang
katawan ng tejsto kung ito ay nabuo nang maliwanag
at organisado.
MGA BAGAY NA DAPAT ISAALANG-
ALANG SA PAGGAWA NG MAHUSAY
NA KATAWAN NG TEKSTO
1. Kaisahan
• Dapat na magkaroon ng relasyon ang lahat ng pangungusap.
Ang kaisahan ay tumutukoy sa pagkakaugnay - ugnay ng
bawat pangungusap at laging may kakayahan ang mga
pangungusap na ito na maipaliwanag ng mabuti ang nais
ipaunawa ng pangunahing paksa o kaisipan ng teksto.
2. Kaayusan
• Madaling makita ang kaugnayan ng mga ideya sa loob ng
katawan ng teksto o sulatin. Ang mga kaisipan ay laging
konektado at maayos ang daloy ng mga pangungusap. Laging
isinasaalang - alang dito na dapat maiintindihan o
mauunawaan ang bawat bahagi para may mapulot na
kaalaman, kasiyahan at bagong kaisipan ang mambabasa.
3. Diin
• Laging mayroong namumukod-tanging ideya na
tatatak sa mambabasa at pupukaw sa kanilang
damdamin. Ang katawan ng teksto o sulatin na
nag-iiwan ng isang pananaw o diwa na maaaring
kapulutan ng mambabasa ng bagong kaisipan
ay napakahalagang mailagay sa katawan ng
isang teksto o sulatin.
3. WAKAS O KONGKLUSYON
 Maututuring na mahusay ang nagsulat ng isang
teksto o sulatin kung hindi nawaglit sa isip ng
bumabasa ang naging wakas nito. Ang wakas o
kongklusyon ng isang teksto o sulatin ay dapat na
mag-iwan ng makabuluhang mendahe tulad ng
simula o introduksyon.
ILAN SA MGA PARAAN SA
PAGSUSULAT NG WAKAS
1. Muling idiin ang pangunahing kaisipan ng teksto o
sulatin.
• Higit na mabisa na muling ilahad o idiin sa ibang pamamaraan
ang pangunahing kaisipan sa wakas ng teskto. Ito ay hindi
pag-uulit. Ang ganitong gawain ay pagsulat sa mas malikhaing
pamamaraan.
2. Ibuod ang mga pangunahing adhikain ng teksto o
sulatin.
• Gumamit ng mas piling mga salita para muling ibuod ang mga
pangunahing layunin ng teksto. Malaki ang naitutulong ng
ganitong uri ng wakas o kongklusyon upang lalong
maunawaan ng mambabasa ang naid ipabatid ng teksto o
sulatin.
4. Wakasan sa pamamagitan ng paghingi ng
agarang aksyon.
• Ang mga sanaysay na may layuning manghikayat ay
kalimitang gumagamit ng ganitong wakas o kongklusyon.
Ganito ang gingawa ng ilang manunulat upang
magkaroon agad ng solusyon sa isang suliranin.
5. Mulig ihain ang diwa ng simula o introduksyon.
• Muling ipaalala o ibalik sa isip ng mambabasa ang
pangunahing diwa na inihain sa unahan ng teksto o
sulatin.
6. Wakasan sa pamamagitan ng isang mahalagang
sipi o kota.
• Maaari ring wakasan sa pamamagitan ng isang
mahalagang sipi o kita ang isang teksto o sulatin. Ang
mahalagang sipi o kotang ito ang magsisilbing buod ng
buong teksto o sulatin. Kaya dapat pumili ng angkop na
LAYUNIN NG TEKSTO BATAY
SA FOKUS NG MAMBABASA
1. Impormatibo
2. Nagsasalaysay o naratibo
3. Nangangatwiran o argumentatibo
4. Nanghihikayat o persuweysib
5. Naglalahad nga pagkakasunod-sunod o
prosidyural
MGA URI NG TEKSTO BATAY
SA LARANGAN
Tesktong Akademiko
Tesktong
Propesyonal/Pandalubhasa
Tekstong Literari
TEKSTONG AKADEMIKO
 Mga sulatin o babasahin na naglalaman ng mga
kaalaman o mga impormasyon na maaaring
gamiting sanggunian ng mga mag aaral o nino man
na naghahanap ng impormasyon. Ito ay karaniwang
isinusulat o inilalathala ng mga propesyonal.
Tinatawag din itong tekstong pang-impormasyon o
tekstong kabatiran.
 Ang isang akademikong teksto ay isang uri ng
teksto na karaniwang nailalarawan sa pagiging
pormal, pagsasaliksik, may layunin, eksakto at
direkta at may kakayahang maimpluwensyahan ang
mga mambabasa nito.
 Ang mga halimbawa ng teksong akademiko ay ang
mga sumusunod:
1. Thesis
2. Sanaysay
3. Pagsusuri ng isang libro
4. Papel pangkumperensya
5. Reserach paper
6.  Pagaaral ukol sa posibilidad ng isang proyekto o
programa
7. Mga panukala
8. Mag ulat
TESKTONG
PROPESYONAL/PANDALUBHA
SA
 Ang uri naman ng tekstong ito ay isang
komprehensibo at organisadong pagkakalahad ng
mga impormasyong isinulat ng isang may-akadang
mayroong mahusay at sapat na kaalaman tungkol sa
isang paksa. Kumbaga, isang pagsasaliksik itong
ginawa ng isang tao mula sa isang larangan at
inilimbag sa isang uri ng babasahin o dokumento.
 Hindi maligoy at direkta ang paglalahad ng mga
impormasyon sa tekstong propesyonal. Layon lamang
nitong magbigay ng isang konkretong pag-aaral at
kaalaman tungkol sa isang paksa at hindi ang bigyan
ng aliw ang mga mababasa. Kilala rin ito bilang
tekstong akademiko.
TESKTONG LITERARI
 Malaya ang paraan ng pagpapaunlad ng diwa sa
teksyong it. Ginagamit ng manunulat ang kanyang sarili
karanasan, damdamin, pananaw, at wika bilang
batayan sa pagpapaumlad ng tekstong literari. Ang
lahulugan ng tekstong ito ay karaniwang nakabatay da
sariling pagpapakahulugan ng mambabada dahil ang
paksa ng ganitong uri ng tekstong ito ayy hango sa
katotohaban o kathang isip lamang

You might also like