Ang Pantawang Pananaw Sa Pananaliksik

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANG PANTAWANG

PANANAW SA
PANANALIKSIK
Kabanata 2: Aralin 2.4
Pantawang Pananaw
 konseptong ipinakilala ni Nuncio (2002) sa kaniyang saysay at salaysay na
pinamagatang Saysay at Salaysay ng Pantawang Pananaw Mula sa Pusong
Hanggang Impersonasyon.
 Ang salitang pantawa ay mula sa panlaping pang- na naging pan- + ang salitang
ugat na tawa.
 Ang pantawa ay reaksyong pandama na nakaangkla hindi lamang sa damdamin o
emosyon ngunit maging sa kamalayang Filipino.
 Ang pananaw naman ay nangangahulugang pagbasa o interpretasyon ng mga
tao sa mga nangyayari sa kanilang sarili at maging ang kanilang kapaligiran.
 Ayon kay Nuncio (2002), ang pantawang pananaw ay nangangahulugang tawa
bilang kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan.
Pagpapaliwanag:
 ang pantawang pananaw ay nangangahulugang tawa bilang
kritika sa mga isyu at tauhan sa lipunan. Kaya ito tinawag na
pantawang pananaw ay dahil sa pinagsanib na dalawang
sangkap, ang tawa bilang damdamin at ang isipan bilang kritika.
Nakakatulong ang konseptong ito sa pagpapawi ng kalungkutan
at paglimot sa mga bagay bagay na nagbibigay pasakit sa ating
puso. Ang pagtawa ay maaari o possibleng isang gamot upang
malunasan ang emosyonal at sikolohikal na sakit ng isang tao
dahil sa angkin niting likas upang kilitiin ang mga lipido ng mga
tao.
Elemento ng
Pantawang
Pananaw (Nuncio,
2002)
Midyum – ito ay daluyan kung saan nagiging laganap o natatangi
ang pantawang pananaw. Saklaw nito ang mga sumusunod;
 oral na tradisyon
 panitikan
 dula
 tanghalan
 mass media

* kasama rin dito ang lugar at midyum tulad ng entablado, kalye,


radio at telebisyon.
Konteksto – binubuo ito ng mga isyung panlipunan na
tumatalakay sa kalagayan panlipunan, pampolitika, at pang-
ekonomiya ng bansa.
Nilalaman o Anyo – saklaw ng elementong ito ang mga
kwentong bayan , saynete, drama, bodabil, dulang panradyo at
impersonasyon bilang mga palabas sa telebisyon.
Aktor – sila ang mga gumaganap sa mga dula, ang nagbibigay
buhay sa mga karakter ng isang akda.
Manonood – sila ang mga nagsisilbing kapwa manunuri sapagkat
nakapagbibigay sila ng mga komentaryo o kritika batay sa
kanilang napanood na maaaring hawig sa mga karanasan nila.
Katangian ng Pantawang
Pananaw
1. Isang pagbasang kritikal – ang layunin ng pagbasa ay magdagdag ng
kaalaman sa mga mambabasa upang mahasa ang kanilang isipan at
mapalalim ang pangunawa.
2. Subjective na pagbasag sa imahen at katawan – nilalayon ng pagbasa na
was akin ang imahen ng kapangyarihan bilang kahinaan o ang
kapangyarihan bilang imahen ng kawalang kapangyarihan. Ito ay
pagbasa upang tanungin ang mga may kapangyarihan at ang kalagayang
panlipunan o politika ng bansa bilang tuon ng tawa at pagtuligsa,
3. May kasaysayan – ang pantawang pananaw na pagtatanong o
pagtuligsa sa imahen o katawan ng kolonyalismo o komersyalismo ay
nakapagbabago ng kahulugan ng karanasan.
4. Intersubjective – kailangan sa pantawang pananaw ang kapwa
mambabasa na siyang magiging kapwa manunuri.
5. Intertekswal at repleksibo – ang mga teksto mula sa alinmang
diskurso ay kailangang bukas sa interpretasyon upang
matutuhan ang mga mensahe ng mga ito. Dagdag pa ni
Nuncio (2002), ang intekstwalidad sa pagdulog ng pantawang
pananaw ay masasabing paglulugar at paglilinang sa ugnayan
ng may kapangyarihan sa karanasan, kaalaman, diwa, at
katauhanng mga gumaganap upang maisakonteksto ang
isinasagawang pag-aaral.
 Ang pantawang pananaw na konsepto ay nakagawian
na ng mga manunuri. Tradisyonal ang dating nito sa
ating pandinig. Ito ay isang malikhaing paraan ng
pagtanggap ng kritisismo. Sinadyang paghaluin ang
pagtawa sa pagkritisismo upang upang makapagbigay
ng pananaw sa mga tauhan nang sa ganoon ay
mapabuti ang kalagayan ng sangkatauhan. Ayon sa
isinagawang rebuy ni Rodriguez-Tatel (2015), sinang-
ayunan niyang nilikha ang pantawang pananaw bilang
isang gabay konseptuwal sa pagtatanghal ng karanasan
at katuturan ng tawa bilang kritisismo – isang pagtuligsa
sa kapangyarihan at kaayusan sa lipunan.

You might also like