Q1 W1 Absolute o Tiyak Na Lokasyon NG Pilipinas

You might also like

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Absolute o Tiyak

na Lokasyon ng
Pilipinas
Ano ang eksaktong
kinalalagyan ng
Pilipinas sa mundo?
Ano – anong guhit
ang napapansin
ninyo sa globo?
Buuin ang mga salita na may
kinalaman sa kinalalagyan ng
Pilipinas sa mundo batay sa
absolute o tiyak na lokasyon nito.

1. RDWEOKA
2. DTIALUT
3. DUGONLTHI
4. DIGR
5. NGOPUN ONADRMNYIE
6. PCSSAOM SERO
Mapa – ang patag na
representasyon ng mundo.
Ginagamit ito bilang sanggunian sa
paghahanap ng lokasyon. Makikita
rito ang ilang mga simbolo,
compass rose, at ang iskala o
pinaliit na sukat ng lugar.
Ang mapa ay may iba’t ibang uri at ang bawat uri
aymay kanya-kanyang gamit. Ito ang mga
sumusunod:
Mapang Pisikal – nagpapakita ng bagay na likha ng
kalikasan. Inilalarawan nito ang katangiang pisikal ng
isang lugar.
Mapang Pangkabuhayan o Ekonomiko – nagpapakita
ng mga produkto ng isang partikular na lugar o bansa pati
na rin ng hanapbuhay ng mga tao.
Mapa ng Klima – nagpapakita ng umiiral na klima sa
isang lugar. Tumutukoy ito sa uri ng panahon na
nararanasan sa isang lugar
Mapang Pulitikal - nagpapakita ng
hangganan ng nasasakupan ng isang lugar.
Inilalarawan nito ang dibisyong
pangheograpiya ng isang lugar.
Mapa ng Lansangan – Ito ang pinakasimpleng
uri ng mapa. Ito ay tumutukoy sa kung saan
ang daan, layo at direksiyon ng pupuntahang
lugar.
Mapa ng Populasyon – nagpapakita ito ng
status ng pagdami ng populasyon sa iba’t ibang
panig ng mundo. Malaki ang kaugnayan nito sa
kabuhayan ng isang lugar.
Globo – bilog na modelo ng mundo na
nagpapakita ng buong larawan ng
kinalalagyan ng mga bansa
Mga Guhit sa Mapa at Globo
Ekwador – hinahati ang globo sa dalawang
magkasinlaking bahagi. Matatagpuan ang
ekwador sa panuntunang 0°. Ito ang
pinakamahaba sa lahat ng latitud. Ang
ekwador ang bahagi na pinakamalapit sa araw
kung kaya't mainit sa panig na ito ng daigdig.
Punong Meridyano – matatagpuan ang
guhit na ito sa panuntunang 0°.
Latitud– mga pahigang guhit na paikot sa globo na
kahanay ng ekwador. Ang mga guhit na ito ay mula sa
kanluran papuntang silangan.
Longhitud– mga patayong guhit na paikot sa globo na
kahanay ng punong meridyano. Ang mga guhit na ito ay
naguugnay sa pulong hilaga at pulong timog.
Internasyunal na Guhit ng Petsa (International Date
Line) – matatagpuan sa 180° meridyano. Sa bahaging ito
nangyayari ang pagpalit ng petsa at oras.
Grid o Parilya – ito ay nabubuo kapag pinagsasama o
pinagtatagpo ang guhit latitud at guhit longhitud.
Bakit mahalaga na
alam natin ang
kinalalagyan ng
Pilipinas sa mundo
batay sa absolute o
tiyak na lokasyon
nito?

You might also like