Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 93

Ang

Banghay
ng
Pagtuturo
ANG BANGHAY NG PAGTUTURO

“Masasalamin ang katauhan ng isang guro sa kaniyang maayos na


pagpaplano ng mga aralin”
- Ang banghay na pagtuturo ay isang balangkas ng
mga Layunin, Paksang-aralin, kagamitan, at mga
hakbang na sunod-sunod na isinasagawa upang
matamo ang inaasahang bunga.
• Ito ang nagsisilbing bibliya ng guro
• Ito ang nagsisilbing gabay nila upang ang Gawain ay maisagawa nang
masistematiko. Sa pamamagitan nito, ang guro ay:
1. Makatitipid ng panahon
2. Makatitipid ng lakas
3. Ang pagtuturo ay magiging maayos at masistematiko
4. Magkaroon ng hangganan ang pagtuturo
Maihanda ng guro ang angkop na kagamitan, teknik, mga tanong, pasilidad
at iba pang sanggunian sa isang tiyak na aralin.
KARANIWANG URI NG BANGHAY NG
PAGTUTURO
1. Masusi- nakatala ang tiyak na tanong ng guro at ang wastong isagit ng
mga mag-aaral. Sa pamamaraan, may dalawang kolum o hati kung saan
isusulat ang gawaing-guro at ang gawaing mag-aaral.
2. Mala-masusi- higit itong maikli kaysa sa masusi, sapagkat sa halip na may
gawaing-guro at gawaing mag-aaral, binabanggit na lamang ang sunod-sunod
na gagawin at ng kilos.
3. Maikli- naiiba ang anyo ng banghay na ito sa bahaging pamamaraan. Dito,
sapat nang banggitin kung anong paraan ang gagamitin ng guro o kayay
babanggutin sa sumusunod na Gawain sa maikling pangungusap o parirala.
ANG KONTEKSTWALISASYON NG BANGHAY-
ARALIN

• Sa paghahanda at pagbuo ng banghay-aralin,


ang guro ay malayang magsasagawa ng
anumang pagbabago ayon mismo sa
pangangailangan ng kanyang mga mag-aaral,
ayon sa kapaligirang kultural at saosyal, at
kahandaan ng mga kagamitang panturo.
MAARING ISAGAWA NG GURO ANG
SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004)
a. Inobasyon o pagbabago – sinasabi nito na ang guro ay
maaaring magsasagawa ng mga bagong metodo o teknik na
paglalahad ng mga aralin. Siya ay malayang makapag
eksperimento ng iba pang teknik na sa pagbigay niya ay aksa
sa kahandaan at pangangailangan ng kanyang mga
tinuturuan.
b. Pagpapalit- walang isang tiyak na gamit o teksto sa bawat
aralin. Ang malikhaing guro ay Malaya ring gumamit ng anumang
aklat na mapagkukunan ng mga tekstong kailangan ng paksa.
Maaari niyang gamitin ang mga nakahandang materyales bukod
MAARING ISAGAWA NG GURO ANG
SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004)

• c. Modipikasyon(Modification)- Ito ang pagpapakinis sa


mga Gawain at mga pagsasanay na kailangan sa pagkaklase.
Kung kinakailangang ayusin at rebisahina ang mga
nakagawiang Gawain at uri ng pagsasanay, Malaya ang gurong
gawin ito upang magjaroon ng baryasyon,
d. Adaptasyon( Adaptation) – ang paglalapat sa mga bagong
ideya na nakalap ng guro o kayay nasaliksik ay makatutulong sa
guro upang lalong mapalawak ang nilalaman at ustruktura ng
aralin.
MAARING ISAGAWA NG GURO ANG
SUMUSUNOD: (LEGASPE 2004)
E. Paglilipat (Rearranged) – maaaring ibahin ng guro angpagkakasunod-
sunod ng mga Gawain, ginagawa ito upang maging natural at madulas ang
dulog ng mga mag-aaral. Maaaring ilipat ang hakbang ng isang metodo subalit
hindi dapat nasisira ng lohika ng pagtururo.
F. Pagkakaltas (Deletion) – ang mahahaba, paulit-ulit, at pare-parehong
Gawain ay dapat tanggalin ng guro. Ito ay maisasagawa nang hindi naman
mababawasan o masisira ang kinakailangang kasanayan at kaalaman ng mag-
aaral.
G. Kombinasyon (Combination) – Ang pagkakatulad na kasanayan at aralin
ay dapat pag-isahin. Isinasagawa ito upang mapaikli ang magkakaugnay na
impormasyon, kasanayan at nilalaman ng aralin.
MGA SIMULAIN SA PAGBUO NG BANGHAY
NG PAGTUTURO
May ibat ibang simulain nasa anyong tanong ang pumapatnubay sa suro sa
pagbuo ng banghay-aralin.
• Anong pagbabago ang mangyari sa mag-aaral?
• Anu-anong pangunahing kaisipan, kasanayan o kaalaman ang matatamo ng
mag-aaral?
• Paano ililipat o ikakapit ng mag-aaral ang kanyang matutuhan?
• Makapagbibigay ba ng paglalagom ng kanyang natutunan ang mag-aaral?
• Masusunod baa ng apat na hakbang na ito para sa mabisang pagtuturo?
RESPONSIBILIDAD NG GURO SA PAGBUO NG
BANGHAY-ARALIN
• Tukuyin ang layunin ayon sa pangangailangan, interes at kakayahan ng mga
mag-aaral. Ang layunin ay dapat na lagging nasa pananaw ng mag-aaral.
• Piliin ang mga kasanayang angkop at sapat sa pagkamit ng layunin.
• Isaayos ang mga Gawain upang magkaroon ng tuloy-tuloy, mahusay na
kaayusan at kaisahan ng mga Gawain.
• Sukatin kung gaano ang natamo sa layunin.
• Palaging isagawa an gang disiplina at pagganyak.
• Isama palagi sa pagtuturo ang paglinang sa pagpapahalaga ng mag-aaral.
MGA BAHAGI NG BANGHAY NA PAGTUTURO

I. Paksang-aralin
II. Mga layunin o Inaasahang bunga
III. Pamaraan o Istratehiya
IV. Takdang-aralin o Kasunduan
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA LIMANG
BATAYANG BAHAGI NG BANGHAY NA PAGTUTURO

1. Layuning matatamo (attainable objectives)


2. Sapat na paksang-aralin, at tiyak na sanggunian
(adequate, subject ratler and specific references)
- Ang layunin ng pagtuturo
3. Sa pagsulat ng layunin, kailangang makahayag
sa pangkagawiang kilos ( Behavioral terms)
APAT NA PANUKATAN NG LAYUNIN
• Tiyak (Specific)
• Namamasdan
(Observable)
• Nakakamtan (attainable)
• Nasusukat (Measurable)
APAT NA PANUKATAN NG LAYUNIN
A. Tiyak- ano ba ang gagawin o matutuhan ng bata?
- Kailangang maglahad ng isang malinaw na larawan ng
pagganap ang layunin.
B. Namamasdan – makikita ba ang bunga ng kilos na
ipinapagawa sa klase?
- Sadyang may resulta o ebidensiya ang kilos ng mga mag-
aaral at ang mga itoy maaaring masukat.
C. Nakakamtan- maisasakatuparan kaya ng pag-aaral ang
maaasahang bunga?
3 DOMEYN NG LAYUNIN
1. Kognitibo/Domeyn Pangkabatiran- masasabing nasa kognitib ang layunin kapag
itoy nakatuon sa paglilipat ng kabatiran at kasanayan tulad ng kaalaman, pag-unawa,
aplikasyon o paggamit, pagsusuri, paglilinaw o interes at ebalwasyon.
2. Domeyn Pandamdamin:

5 Kategorya ng Layunin:
• Pagtanggap (receiving)
• Pagtugon (responding)
• Pagpapahalaga (valuing)
• Karakterisasyon (Characterization)

3. Domeyn Saykomotor – ito ay tungkol sa mga kasanayang-motor kung saan


nalilinang ang kakayahang pisikal mula sa batayang galaw ng katawan hanggang sa
mga kilos at galaw na nangangailangan ng maraming pagsasanay.
MGA HALIMBAWA NG
KINAGAWING
KATAWAGAN SA IBAT
IBANG DOMEYN NG
TAKSONOMIYA
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
A. Knowledge- kabatiran/kaalaman
• Names------------------ nakapangalan/napangangalangan
• Tells--------------------nakapagsasabi/nasasabi
• Points--------------------nakapagtuturo/naituturo
• Gives-------------------nakapagbibigay/naibibigay
• Repeats----------------nakauulit/nauulit
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
B. COMPREHENSION –PAG-UNAWA
• Tells/expresses-------------nakapagsasabi/nasasabi
• Identifies------------nakakikilala/nakikilala
• Describes-----------------nakapaglalarawan/nailalarawan
• Distinguishes----------------nakasusuri/nasusuri
• Compare the importance of-------------nakapag-
uugnay/naiuugnay
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
C. APPLICATION- PAGALALAPAT
• Shows-----------------nakapagpapakita/naipapakikita
• Makes-------------------nakagagawa/nagagawa\
• Classifies--------------nakapagbubuklod-buklod
• Prepares---------------nakapaghahanda/naihahanda
• Presents----------------nakapagpapakita/naipakikita
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
D. ANALYSIS-PAGSUSURI
• Points-out-------------------------nakapagtuturo/naituturo
• Selects--------------------nakapamimili/napipili
• Draw conclusion------
nakapagpapasiya/napagpapasiyahan
• Deduces/infers-------------------
nakapaghihinuha/nahihinuha
• Orders-------------------------------
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
E. Synthesis-Pagbubuo
• Collects----------------nakapagtitipon/natitipon
• Tells---------------------------nakapagsasabi/nakasasabi
• Complies----------------------nakapagtatak/nakatatala
• Arranged-------------------------
nakapagsasaayos/naisasaayos
• Assembles-----------------------nakapagbubuo/nabubuo
1. COGNITIVE/PANGKABATIRAN
F. EVALUATION- PAGPAPAHALAGA
• Select/chooses--------------nakapipili/napipili
• Describes---------------nakapaglalarawan/nailalarawan
• Evaluates------------
nakapagpapahalaga/napahahalagahan
• Makes a decision------
nakapagpapasiya/napagpapasyahan
• Appraises/assess------------------nakapagtataya/natataya
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
A. Receiving—pagtanggap
• Listens----------nakapakikinig/napakikinggan
• Watches-------------------nakapagmamasid/namamasid
• Locates----------------nakapaghahanap/nahahanap
• Uses-------------------------nakagagamit/nagagamit
• Follows---------------------nakasusunod/sunod
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
B. RESPONDING- PAGSAGOT
• Acknowledge-----------------------------
nakatatanggap/natatanggap
• Answers------------------nakasasagot/nasasagot
• Recites--------------------nakabibigkas/nabibigkas
• Reads------------------nakababasa/nababasa
• Rejoices/resents-----------------------nakakikigalak-
nakatatanggi/nakagagalak/natatanggihan
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
C. Valuing- Pagpapahalaga
• Studies------------------nakapag-aral
• Differentiate-------------------------nakakikilala ng
pagkakaiba/nakilala ang pagkakaiba
• Reports----------------------nakapag-uulat/nauulat
• Favors----------------nakasasang-ayon/nasasang-ayunan
• Envites--------------------nakapag-aanyaya
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
D. Organizing-Pagbubuo
• Explains----------------
nakapagpapaliwanag/naipapaliwanag
• Generalizes--------------najapaglalahat/nailalahat
• Adheres------------nakapaninindigan/napaninindigan
• Organizes------------------------nakapagbubuo/nabubuo
• Alters----------------------nakapagbabago/nababago
II. AFFECTIVE/PANDAMDAMIN
E. Characterizing-Pagkilala sa
Kahalagahan
• Revise-----------nakapagwawasto/naiwawasto
• Verifies------------------nakapagpapatunay/napatutunayan
• Proposes------------
nakapagmumungkahi/naimumungkahi
• Performs/acts--------------nakapagsasagawa/naisasagawa
• Solves-----------nakalulutas/nalulutas
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Perception-Pandama
• Color-------------------nakapagkukulay/nakakukulay
• Find-------------nakahahanap/nahahanap
• Look-----------------nakatitingin/natitingnan
• Note------------nakapagtatala/naitatala
• Observe------------nakapagmamasid.namamasid
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Set- Pagsisimula
• Construct--------------------nakagagawa/nagagawa
• Copy-------------nakokopya/nakokopya
• Create-------------------nakalilikha/nalilikha
• Execute---------------nakagaganap/nagagampanan
• Imitate----------------nakagagaya/nagagaya
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Guide response –Ginabayang mga


katugunan
• Assemble----------------nakapagtitipon/natitipon
• Connect---------------------
nakapagdurugtong/naidurogtong
• Convert---------------------nakapagpapalit/napapalitan
• Handle--------------------nakahahawak/nahahawakan
• Measure------------------nakasusukat/nasusukat
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Mechanism-kaparaanan
• Dense----------
nakapagbabalangkas/naibabalangkas
• Install-------------nakapaglalagay/nailalagay
• Perform---------------nakatutupad/natutupad
• Spell-out--------------
nakapagbabaybay/nababaybay
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Complex overt Response


• Conduct----------------
nakapagsasagwa/naisasagawa
• Connect----------------nakapagkakabit/naikakabit
• Convert-----------------nakagagawa/nagagawa
• Label--------------
nakapaglalagay/nakapagmamarka
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Adaption-Pag-aangkop
• Change---------------nakapagbabago/nababago
• Move--------------nakapaggagalaw/napagagalaw
• Retine--------------nakalilinang/nalilinang
• Shift-----------------nakapaglilipat/nalilipat
• Sift---------------nakasusuri ng mabuti/nasusuri
nang mabuti
III. PSYCHOMOTOR/PANGKASANAYAN

Origination- Paglikha
• Recite and recount-------------naisasalaysay at naiuulat
• Remember and apply--------nakagugunita at nakasasagawa
• Discard and substitute---------------nakapagwawaka at
• Recall and use-------------------- nakagugunita at nakagagamit
• Recapitulate--------------nakapaglalagom
URI NG INSTRUKSYONAL NA
KAGAMITAN AT PAGHAHANDA
NITO
Karaniwang Kagamitan
( sa Pang-araw-araw na
Pagtuturo)
A. PANGUNAHING KAGAMITAN
• Pisara at Pambura – Mabilis na maisusulat ng guro ang nais
niyang maipakita sa buong klase sa isang kumbinyenteng
paraan. Madaling mabubura ang anumang isinulat at muli itong
masususlatan na maaaring sumabay sa takbo ng pagtatalakay
ng guro.
• Tsok at iba pang panulat – Tsok para sa blackboard o
whiteboard pen para naman sa whiteboard.
• Notbuk- sinusulatan ng mga puna o anumang tala na kailangan
ng guro.
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN
1. Layunin – Maaaring nasa anyong paturol ang layunin o kaya naman ay
nasa anyong patanong.
Halimbawa: (Anyong Paturol)
• Naipaliliwanag o maipaliliwanag ang mga barayti ng wika.
- (Anyong Patanong)
• Ano-ano ang barayti ng wika?
• May ibat ibang paraan ng pagpapahayag ng mga layuning
beheybyural. Ang mga ito ay;
• Pangkabatiran (cognitive)
• Pandamdamin ( affective)
• Saykomotor ( psychomotor)
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN

2. Tapik o Paksa – Ipinapahayag ng balangkas


ang aralin sa pamamagitan ng tapik/paksa o sub-
tapik/paksa. Ito ang pinakamakabuluhang salik
dahil kung walang kaalaman ang guro sa kung
anu dapat ang ituro ay hindi ay hindi siya
makasusulat ng epektibong banghay-aralin.
B. BALANGKAS/ PLANO NG
ARALIN
3. Kagamitan – ay isang instruksyunal na gamit na
kinakailangan upang matamo ang layunin ng pagtuturo at
pagkatuto.
• Ang basal (abstract) ay nagagawang tahas (concrete) at
napupukaw rin ang interes o kawilihan ng mga mag-aaral sa
leksyon.
• Binubuo ito ng mga batayang aklat, sangguniang aklat
(references), aklat-sanayan (workbook), manwal, jornal,
magazin, pahayagan, simulation, mga laro, puzzle, pelikula,
filmstrip, filmslide, computer, software, chalkboard, audio radio
cassette, telebisyon, overhead projector (OHP), opaque,
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN
4. Paraan – Dito isinaalang-alang ng guro kung paano
talakayin ang paksa o aralin. Dapa isinaalang-alang ang
mga sumusunod na katanungan
• Anong mga estratehiya ang gagamitin?
• Ano-anong mga katanungan ang ilalakip o ipapasagot?
• Ano-anong mga gawain at pagsasanay ang ibibigay sa
mga mag-aaral?
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN
5. Pagtaya/Evalwasyon- Pagkatapos ng sinundang salik ay ang sistesis o ang
buod ng aralin. Para kay Orlieh (1994) may limang pangunahing salik ang
instruksyunal na pamamaraan;
• Motibasyon (motivation or focusing event)
• Mga pamamaraan ( teaching procedures) ng mga kinasasalalayang mga
katanungan
• Pagtaya o pagtasa ng mga pamamaraan sa pagtuturo ( formative check)
• Ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng ibat ibang
aktibidad, pagsasanay at gawain (activities)
• Buod o lagom ( closure, summary)
B. BALANGKAS/ PLANO NG ARALIN

6. Takdang-aralin- Panghuling
layunin ng kasanayan ay para sa
higit na karagdagan at
kadalubhasaan ng pagkatuto
B. Pagsulat ng Layunin ng Aralin – Ang instruksyunal na mga
layunin ay tinatawag ding mga isyuning pagganao (performance
objectives) dahil ang tuon o empasis nito ay sa kung ano ang mga
namamalas na kinalabasan ng mag-aaral (student outcome)
batay sa kanilang paggawa (performance). Ang kasingkahulugan
ng mga layuning pagganap ay mga layuning pangkarunungan
(learner objective) , mga layuning pangkagawian (behavioral
objectives) at mga tiyak na layunin(specific objectives)
 
MAY MGA KAKAYAHAN O KATANGIAN DAPAT
TAGLAYIN ANG MGA LAYUNING PAGGANAP,
KILALA ITO SA AKRONIM NA SMART.
S – SPECIFIC O TIYAK

- Ilahad ang tiyak na dapat na magawa ng mga mag-aaral

M- MEASURABLE O NASUSUKAT

- Tiyaking maaari itong maobserbahan o makita

ATTAINABLE O NATATAMO

- Ang mga kasanayan ay nasa hangganan ng kayang magawa o matamo ng mga mag-aaral sa
nakatakdang panahon o sitwasyon.

R- RELEVANT O MAKABULUHAN

- Iangkop sa pangangailangan ng mga mag-aaral

T- TIME-FRAMED O MAY TAKDANG PANAHON

- Naisasakatuparan sa isang takdang panahon 


Sa taksoniming pang-edukasyon
(educational taxonomy), ang pagkatuto
ay nauri sa tatlong domeyn
Pangkabatiran
(Cognitive)
MGA LAYUNING PANGKABATIRAN
(KNOWLEDGE OBJECTIVE)
• Sa katapusan ng aralin, ang bata’y
• Makakikilala ng mga bagay-bagay, kaisipan, at
paglalahat na nauugnay sa ____________
• Makahihinuha na _________________
• Makakikilala na _________________
• Makapagsasabi ng pagkakaiba ng _________sa_________ 
MGA LAYUNIN UKOL SA PAGSISIYASAT AT KASANAYAN
(INQUIRY AND SKILL OBJECTIVES)

Ang bata’y dapat nang:


• Makapaglarawan at makapaghambing ng ________________
• Makapagpaliwanag kung paano _____________
• Makapagpakita ng paraan kung paano ___________________
• Makakilala ng pagkakaiba ng __________________
• Makapagsaalang-alang at makagamit ng_________________
• Makapagbalak na___________ mapagpanukalang
mabuti_____________
PANDAMDAMIN
PANDAMDAMIN (MGA SALOOBIN, PAGPAPAHALAGA,MITHIIN
AT KAWILIHAN)(AFFECTIVE-ATTITUDES, APPRECIATIONS,
IDEALS, INTERESTS)

Sa katapusan ng unit, ang bata’y: 


• Makababalikat ng pananagutan sa__________________
• Makagagamit ng____________________nang matalino at
mabisa
• Makapamamasid nang masusi_______________
• Makapakikinig nang masusi at may
layunin_______________
Psychomotor
Saykomotor o Pagkakaugnay ng kaisipan at kilos
(Psychomotor)
Sa katapusan ng yunit, ang bata’y maaari nang: 
• Makayari (makabuo)___________________
• Makagawa (makapagtayo)_____________________
• Makagawa (Makaganap)__________________--
• Makagamit ng__________________
• Makasukat____________
Pormat o mga Anyo ng
Banghay-aralin
PORMAT O MGA ANYO NG BANGHAY-ARALIN
Ang banghay-aralin ay maaaring detalyado,hindi
detalyado,pahapyaw o maikling balangkas. Maaaring ito ay
na sa anyong kolumnar o di-kolumnar.
Ang isang estudyanteng guro na nagsisimula pa lamang na
magturo ay kinakailangan talagang isulat ang kanyang mga
binabalak o planadong gawain at aktibidad o pagsasanay nang
may kaakibat na paraan at proseso at pati na rin ang inaasahang
mga sagot at reaksyon ng mga mag-aaral.
PORMAT O MGA ANYO NG BANGHAY-ARALIN

• Ang isang average o katamtamang guro naman ay hindi na


inaasahang maghanda ng detalyadong balangkas kundi isa
lamang mala-detalyadong banghay-aralin.
• Ang pahapyaw o maiksing balangkas ay maaaring gamitin ng
isang datihan o beteranong guro (veteran teacher). Ang isang
gurong may karanasan na sa pagtuturo ay hindi na
nangangailangang ilahad ang lahat ng gawain at sasabihin sa
detalyadong pamamaraan.
Nakalimbag na
Kagamitan
1. BATAYANG AKLAT (TEXTBOOK)

-Aklat para sa isang tiyak na asignatura


at baitang. Inihahanda at ginagamit ito
bilang bilang batayan kapwa ng guro at
mag-aaral.
2. SANAYANG AKLAT (WORKBOOK)

-Aklat na naglalaman ng mga


pagsasanay at gawain na isinasagawa
ng mga mag-aaral. Mga mag-aaral
ang gumagamit ng aklat na ito.
3.MANWAL NG GURO
-Aklat na naglalaman ng balangkas ng aralin. Guro ang
gumagamit ng aklat na ito
- Kaugnay parin ng batayang aklat, inihahanda at
ginagamit ng guro ang manwal. Sa aklat na ito
matatagpuan ang mga mungkahing banghay ng aralin
tulad ng mga layunin, pamaraan, estratehiya,
kagamitan, at iba pang gabay sa pagtuturo.
4. IBA PANG AKLAT
-Bukod sa mga aklat na nabanggit na, may napakalawak
na koleksyon pa ng mga aklat ang maaaring magamit
ng guro bilang kagamitan tulad ng sangguniang aklat
(diksyonaryo at ensayklopedya), aklat tungkol sa isang
tiyak na paksa, koleksyon ng mga kwento, pabula at iba
pa, at napakarami pang iba.
5. IBA PANG NAKALIMBAG

-Hindi lamang aklat ang makatutulong sa guro


kundi ang iba pang nakalimbag na bagay tulad ng
pahayagan, magazine, brosyur, at iba pa. Kung
magiging kapi-pakinabang ito sa pagtuturo ng
guro at pagkatuto ng mga mag-aaral, maituturing
na mabuti itong instruksyunal na mga kagamitan.
PAGSUSULIT
D. PAGSUSULIT
• Isa pang karaniwang kagamitan ng guro sa pang araw-araw
na pagtuturo ay ang pagsusulit. Ito ay instrumenting
ginagamit upang masukat ang kakayahan ng mga mag-
aaral na natamo matapos ang isang proseso ng
pagtuturuan. Paraan ng pagtataya ng pagtuturo-pagkatuto
ang pagsusulit kaya mahalagang may malawak at mahusay
na kaalaman ang bawat guro sa paghahanda nito.
KATANGIAN NG GURO O GUMAGAWA NG
PAGSUSULIT
• May malawak na kaalaman sa paksang aralin na saklaw ng
gagawan ng pagsusulit.
• May malalim na pagkilala sa mga mag-aaral na kukuhanan ng
pagsusulit.
• My mahusay na kasanayang pangkomunikatibo upang
makagawa ng isang malinaw at hindi nakakalitong pagsusulit.
• Malawak ang kaalaman sa iba’t-ibang teknik sa pagbuo ng
aytem.
• Malikhain at nagagawang magkaroon ng kakaibang dating ang
tradisyonal na anyo ng pagsusulit.
URI NG
PAGSUSULIT
AYON SA LAYON
1. Panuring pagsusulit o Diagnostic Test.
- May layuning malaman kung ano ang alam at hindi pa alam ng mga mag-
aaral.
2. Pagsusulit sa Natamong Kabatiran o Acheivment Test.
- May layuning tukuyin kung natutunan ba ng mga mag-aaral ang itinurong
aralin gayundin kung sino ang may malawak na natutunan at sino ang
nangangailangan pa ng pagtuturong muli.
3. Pagsusulit sa kahusayan o Proficiency Test.
- May layuning malaman ang lawak ng kakayahan sa isang tiyak na larangan
4. Pagsusulit sa kakayahan o Aptitude Test.
- May layuning malaman kung may kakayahan o interes ang kukuha ng
pagsusulit sa isang partikular na larangan.
 
AYON SA DAMI NG SINUSUKAT NA
KAKAYAHAN
• Pagsusulit na Discrete Point.
- Isang kakayahan lamang bawat aytem ang sinusubok
ng ganitong uri ng pagsusulit. Hal. Pagsusulit na may
maraming pagpipilian.
• Pagsusulit na Integrative.
- Pangkalahatang kakayahan sa paggamit ng wika ang
sinusubok ng pagsusulit na ito. Hal.pagsubok na
dictation,cloze test.
AYON SA PARAAN
Oral.
• Pasalitang sasagiutin o gagawin ng mag-aaral ang
pagsusulit na maaaring nakasulat o pasalita ring
ibibigay ng guro.
Pasulat.
• Ang pagsusulit ay maaaring pasalita o pasulat na
ibibiogay ng guro subalit ang pagtugon ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagsulat.
AYON SA PORMAT  
Pagsusulit na obhektibo o Objective Test.
- may kahirapang gawin ang ganitong uri ng pagsusulit subalit nagiging
mabalis lamang ang pagwawasto at pagmamarka nito. Isang tiyak na sagot
lamang itinuturing na tama sa bawat aytem ng pagsusulit.
Tama o Mali
Simpleng Pag-alala
Maraming Pagpipilian
Pagtatapat-=tapat
Pagtukoy ng Mali
KATANGIAN NG
PAGSUSULIT
a. Balido
• Ang pagsusulit ay kailangang sumukat ng
dapat sukatin.
b. Mapanghahawakan
• Taglay ng pagsusulit ang katangiang ito
kung konsistent ang mag-aaral sa kanyang
ranggo tuwing bibigyan ng pagsusulit na
may katulad na nilalaman.
c. May kakayahang magtangi
• Ang mabuting pagsusulit ay nagkapagsasabi kung sino
ang mag-aaral na natutong ganap at kung sino ang
nangangailangan ng ibayong pagtuturo.
4. Malinaw at madaling maunawaan
• Layunin ng pagsusulit na masukat ang kakayahang
natamo ng mga mag-aaral, ang magulo at nakalilitong
panuto ay sumisira sa layuning ito.
Hakbang sa
Paghahanda ng
Pagsusulit
1. PAGPAPLANO NG PAGSUSULIT
• Ano ang mga layunin sa gagawing pagsusulit?
• Tiyakin ang sakop o saklaw ng pagsusulit. Maaring ito ay base
sa balangkas ng aralin, silabus, kurikulum o iba pa.
• Tukuyin ang mga uri o teknik ng gagawing pagsusulit at ang
tiyak na bilang ng aytem.
• Gumawa ng talahanayan ng ispesipikasyo o Table of
Specification(TOS)
2. PAGBUO NG AYTEM SA
PAGSUSULIT
• Gawing gabay ang ginawang TOS
• Malayo pa ang takdang panahon ng pagsusulit ay nabuo
na ang mga aytem upang may panahon pang irebisa ito.
• Humingi ng opinyon mula sa ibang guro upang matiyak
ang katumpakan ng mga aytem.
• Isaayos ang mga aytem batay sa plano.
3. PAUNANG PAGSAGOT SA PAGSUSULIT O
PRE-TESTING
• Ang paunang pagsagot ay maaring gawin ng mismong
guro o kaguro. Sa hakbang na ito makikita ang maaring
mga pagkukulang ng nabuong pagsusulit bago aktwal
na ibigay sa mga target na mag-aaral.
• Isang paraan pa ng pagwawasto ng pagsusulit ay ang
paggawa ng susing sagot.
• Irebisa ang nabuong pagsusulit batay sa mga
pagbabagong lumitaw.
4.PAGBUO NG ISKEMA SA PAGWAWASTO

• Sa obhektibong tipo ng padsusulit, madali


lamang ang iskema ng pagmamarka, maaaring
gawing isang aytem isang punto ang
pagmamarka.
• Sa mga rubrik na pagbabantayan ng marka ng
mga magiging sagot ng mga mag-aaral.
Mga uri ng Tanong
Alinsunod sa Layunin
A. PAGTAYANG PANGKABATIRAN
• Ang layunin ng katanungang ito ay upang maditermina
ang kaalaman sap ag-unawa ng isang mag-aaral.
Iniaangat nito ang pag-iisip ng mga mag-aaral sa
mataas na lebel o antas. Ito iyong mga tinatawag na
divergent ng mga katanungan at open-ended na
tanong na nangangailangan ng analisis at ebalwasyon.
• Hal. Ano ang mangyayari sa ozone layer ng papawirin
o agay-ay kung patuloy itong mapipinsala?
B. PAGPAPATOTOO/PAGPAPATUNAY

• Diniditermina ng layuning ito ang ganap


na kawastuan ng resulta ng isang
aktibidad o pagganap. Hal. Bakit unang
nakikita ang kidlat bago marinig dalugdog
o dagundong ng kulog?
C. PARA SA MALIKHAING PAG-IISIP
• Kinakailangan dito ang orihinalidad.
• Hal. Gayahin o pakilosin mo ang iyong sarili na parang si
Matsing at si Pagong. Sasagutin ng mga mag-aaral ang tanong
batay sa kanilang mga ideya at kuro-kuro tungkol ditto o di
kaya’y ibang paraan sa paggawa ng mga bagay.
• Ang mga tanong ditto ay dapat na makilinang ng malikhaing
pag-iisip ng mga tao. Hal. Bakit sinasabing ang alamat ay
maaaring totoo o maaaring hindi totoo?
• Pangatwiranan nang may kaakibat na katunayan
D. PARA SAP AG-
EEVALWEYT/PAGTATASA
• Ang mga kataningan para rito ay kinapapalooban ng
pagpapahalaga,pagpapasya at pagpili(choice). Nagtatanong din
ang layuning ito ng mga personal na opinyon tunkol sa isang
pangyayari, tungkol sa isang patakaran o isang tao.
• Hal. Maganda baa ng slide presentation ng iyong Guro?
May kaugnayan ba sa tunay na buhay ang napanood mong dula?
Bakit ninais na lamang ng mag-anak na mantili sa sariling bayan?
Bakit sa ganoong kalagayan winakasan ang kuwento?
E. MABUNGANG (PRODUCTIVE) PAGIISIPKASALI RITO
ANG PANGANGATWIRAN
• Pangkabatiran- Sinusuri nito ang katotohanan,
kinikilala ang mga desinyo, mga huwaran o pattern,
mga kalakaran at hiningi rin ng mga katanungan ang
pag-alaala (memory) at ang panunumbalik ng gunita
(recall).
• Hal. Bakit matagumpay ang pang-apat nating Kalihim
ng Kagawaran ng Agrikultura sa pakikiapagpulong sa
maliliit na panginoong may-lupa (landlords)? Paano
pagbubutihin ang Law of conservation of Energy?
F. PARA SA PAGGANYAK
• Bago talakayin ang aralin, magbibigay ang Guro
ng maraming katanungan hinggil sa paksa nang
sa ganoon ay mapukaw ang interes ng mga
mag-aaral. Hal. Alam ba ninyo kung anoa ng
mga layuning pangkabatiran, upang higit na
maunawaan ang mga behetbyural na layunin.
G. PARA SA PAGTATAGUBILIN
( FOR INSTRUCTING)
• Ginagawa ang pagtatanong para sa mahalagang
kabatiran o impormasyon. Ipinagbibigay alam,
minamandihan,tinitiyak, pinapatnubayan at
pinapayuhan nito kung ano at paano gawin ang isang
aktibidad. Hal. Ano-ano ang mga proseso sa
pagsasagawa ng eksperemento? Paano magluto ng
adobong manok?
Mga uri ng Tanong
Alinsunod sa Layunin
1. MABABANG ANTAS NG MGA TANONG

• Bunubuo ito ng mga ganitong tanong o


nangangailangan ito ng payak na alalahanin o
alaala. Hal. Ibigay ang katuturan ng
pangungusap. Ano ang katuturan ng maikling
kwento?
2. MATAYOG NA ANTAS NG MGA TANONG

• Ang mga tanong na mga ito ay para sa


pagsusuri, pangangatwiran, pagtataya o pag-
eevalweyt, paglikha at paglutas ng problema.
Hal. Bakit tumataas ang temperatura
kapagmalapit na ang pananghalian?
3. MGA TANONG NA CONVERGENT

• Mga tanong ito tungkol sa paagbibigay


kahulugan, paglalahad, pagbibigay-
interpretasyon, at para sa
pagbubuod/paglalagom.
Hal. Bakit pinamagatan ang kwento na Uhaw ang
Tigang na Lupa? Kailan nagana pang Lunar
eclipse?
4. MGA TANONG NA DIVERGENT

• Pinapaisip ng mga tanong na ito ang mga


respondent sa ibang direksyon, mag-isip ng
alternatibong Gawain o magbigay ng sariling
desisyon. May mga posibleng sagot sa mga
tanong tulad ng Bakit mo inihalal si Prisedente
Noy-noy Aquino? Ano ang mangyayari sa
barong tagalog mo kung ibibilad ito ng tatlong
araw?
Katangian ng
mabuting Tanong
1. Tiyak
• Maikli, tuwiran, at tumutukoy sa isang tiyak na kasagutan lamang.
Makakatulong ang hindi maligoy na pagtatanong upang hindi mailto ang
mag-aaralsa pag-iisip ng kasagutan.
2. Malinaw
• Pili ang mga salitang gagamitin sa pagtatanong, yaong malinaw na
makararating sa mga mag-aaral. Hindi man nila alam ang isasagot subalit
nauunawaan naman nila kung ano ang itinatanong.
3. Mapanghamon
• Ang mag tanong na nasa mababang antas, o yaong mga tanong na
sumuskat lamang sa kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal nap ag-iisip.
Kinakailangang ang tanong ay yaong humahamon sa kakayahan ng mga
mag-aaral magpaliwanag, mangatwiran, o magdesisyon.
•  

You might also like