magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli at sa pormat ng isang tula. Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan at anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala- Kasaysayan Noong Marso 28, 1925, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga nangungunang manunulat sa Instituto de Mujeres, kalye ng Tayuman, Tondo, Maynila, Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa Abril 2, 1925. Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila nalikha ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo. Noong Abril 6, 1925, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa Instituto de Mujeres,ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V. Hernandez laban kay Guillermo Holandez. Sa mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute), at Florentino Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa Bulacan ang nakatanggap ng pinakasiglang tugon mula sa madla. "Bulalak ng Lahing Kalinis- linisan" ang pamagat ng kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang pareho.Ang dalawang ito ang nanomina sa Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at Collantes, naghanda ang nag- organisa ng mga ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng dalawa naghanda sila ng balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang masubok. Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De Jesus ang panig ng kababaihan noon samantalang pinili ni Collantes naman ang kababaihan ngayon. Sa katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sikat ang balagtasan sa Pilipinas Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng panitikan, nagkaroon ng ibang kahintulad na patulang pagtatalo sa ibang wika mula sa Pilipinas katulad ng Ilokano at Kampampangan maging wikang Ingles o Kastila. Naimbento ng mga Ilokano ang bukanegan bilang pagkilala kay Pedro Bukaneg, isang Ilokanong makata. Samantalan, nagkaroon naman ng crisotan ang mga Pampango na hinango nila Elemento ng Balagtasan a.May sukat-ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.Ngayon nauuso na rin ang moderasyon sa balagtasan ang dating lalabindalawang pantig ay naging labing- anim na pantig ngayon.Ang iba naman ay ginagawa itong lalabinwaluhing pantig at kung minsan pa nga ay dalawampu. b.Tugma-tugma ang tawag sa pagkakapareho ng tunog ng dulo ng mga taludtod sa panulaan.Maari itong maging tugmang ganap na nangangahulugang matatapos ang mga taludtod sa patinig o sa impit na tunog.Ang tugmang di ganap ay nangangahulugang ang mga taludtod ng tula ay nagtatapos sa katinig bagamat may iisang uri ng patinig sa loob ng patinig ang huling titik naman ay c.Indayog-tinatawag ding aliw-iw ang indayog.Ito ay tumutukoy sa tono kung paano binibigkas ang mga taludturan ang pagtaas at pagbaba ng bigkas ng mga patinig ng mga salita sa isang taludtod. 3.Paksa-ang paksa ay bagay na pinag- uusupan o tatalakayin upang ganap na maipaliwanag at maunawaan ang konteksto nito. 4.Mensahe-ito ang kaisipang nais ipabatid sa mga nakikinig ng balagtasan kaakibat ng Mga Tauhan sa Balagtasan a.Lakandiwa-siya ang tagapakilala ng paksa ng paglalabanan sa tulaan ng dalawang mambabalagtas. Siya rin ang tagapamagitan o taga pagbigay hatol ayon sa katwirang inilahad tungkol sa b.Mambabalagtas-tawag sa taong nakikipagbalatasan o makatang lumalahok dito na karaniwang sumusulat ng pyesa ng balagtasan.Makata ang gumagawa ng tula,mga akda at nagwagi na sa larangan ng pagsulat. c.Manonood-sila ang mga tagapakinig sa isang pagtatanghal ng balagtasan.Ang manonood ay isa sa mga pangangailangan sa ganitong uri ng presentasyon.Ang kahusayan ng mga mambabalagtas at masusukat sa reaksyon ng mga manonood. Ang taginting ng kanilang mga palakpak ay isang inspirasyon para sa kanila. Mga Tauhan sa Balagtasan a.Lakandiwa- -siya ang tagapakilala ng paksa ng paglalabanan sa tulaan ng dalawang mambabalagtas. Halimbawa: MAHAL MO O MAHAL NG MAGULANG MO? LAKANDIWA Isang masaganang araw sa lahat ng taong nasa harapan ko Sa lahat ng Pilipinong nagdalo mula pa sa iba't- ibang sulok ng mundo Ang inyong lingkod ngayo'y nakatanggap ng mensaheng nangangailangan Ng sagot mula sa magkaibang pangangatuwiran. Paksa ngayo'y ating hihimayin sa hapag-kainan ng katuwiran Ay patungkol sa kung alin sa dalwa ang iyong "Hahayaan mo ba o hindi mo hahayaan Na ang iyong magulang ang magdidikta kung sino ang dapat mong pakasalan?" Halina't ating pakinggan ang dalawang panig na magpaparinigan Mga kalahok nating malalayo pa ang pinanggalingan Simulan na natin ang balagtasan Sa isang masigabong palakpakan! Siya rin ang tagapamagitan LAKANDIWA Umaapaw ang dalawang damdamin Pati ang inyong lingkod ay nahihirapan rin Sa kung sino sa dalawa ang dapat piliin Ang mananalo'y sino kung iisipin. Parehong magagaling sa paglahad ng saloobin Mayroon na ba kayong pipiliin? Sa ngayon, hayaan pa natin silang magparinigan ng panig Upang malaman natin kung sino ang nararapat na manaig. o taga pagbigay hatol ayon sa katwirang inilahad tungkol sa paksa,tikas,tinig at kakayahang umakit sa mga nakikinig. Ikinalulungkot kong sabihin, ang hatol ko'y wala pa rin Kahit aking paulit-ulit na isipin Ngayon, gusto ko'y kayo na ang humusga Sino nga ba ang papanigan sa dalawa? Hahayaan mo ba o hindi mo hahayaan Na ang iyong magulang ang magdidikta kung sino ang dapat mong pakasalan?" Maaari po ba akong humiling sa mga naririyan pa? Isa namang palakpakan na masagana! Sa kanilang pinagtaluna'y walang natumba Kung kaya nama'y kayo na ang bahala Pagpalain tayong lahat ng ating Diyos Ama! Maraming salamat po at ako'y magpapaalam na! Ang nagpapakilala ng dalawang panig Halimbawa: Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna At magbalagtasan sa Sariling Wika. a t o n y a t - a g n g un a a l g s s a a g P p • Lubhang mahalaga sa araw-araw na interaktibong pakikipagtalastasan ang pagpapahayag ng sariling kuro-kuro. Palagay, opinyon, o argumento tungkol sa isyu, suliranin, kalagayan at kaganapan sa kapaligiran. Sa ganitong paraan, di- maliwasang gumamit ng mga pahayag na nagsasaad ng pagsang-ayon, pagtanggap, pagpapatotoo, at pagsalungat na nagsasaad ng di-pagtanggap. • Pagsang-ayon • Tama ka, tunay, totoo, sadya, tanggap, sige, oo, maaari. • Halimbawa: • Tunay na kawili-wiling basahin ang mga akdang lumaganap noong panahon ng mga amerikano. • Talagang mabisang pampalipas oras ang pagbabasa • Pagsalungat • Ayaw, hindi, huwag • -Hindi ka maaaring umalis ngayon. • Talagang mabisang pamp[alipas oras ang pagbabasa • Ang pagsasama ng pasang-ayon at pagsalungat sa isang pangungusap ay maipahahayag sa pamamagitan ng paggamit ng mga pang-ugnay gaya ng: subalit, ngunit, datapwat, pero • • Halimbawa: • -Sang-ayon ako sa iyong desisyon subalit kailangan muna nating timbangin ang mga bagay-bagay. • -Tama ka sa sinabi mong bahagi tayo ng mga hurado datapwat hindi dapat madaliin ang pagpapasiya. • -Tunay na mahalaga ang pagkakaisa ng lahat para sa pagpapalaganap ng Balagtasan subalit hindi pa ganap na mulat ang ilang kabataan tungkol dito. • Paglalahad- isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay linaw sa isnag konsepto, kaisipan, paninindigan upang lubos na maunawaan ng bumabasa. • Ang editoryal o pangulong tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay ng kuru-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-puna, magbigay-puri, manlibang at magpahalaga sa natatanging araw. • Itinutuwid ng editoryal ang mga maling palagay o paniniwala at pagkalito ng tao sa isang isyu. Nagbibigay-pakahulugan din ang isang editoryal sa balita o kaganapan upang bigyang-linaw sa kahuluguhan ng pangyayari. Nagbibigay-puna ang editoryal sa layuning magkaroon ng pagbabago para sa pakinabangan ng nakararaming tao. Ang pagtuligsa ay hindi kailangan makasakit ng damdamin ng kapwa. Pumupuri ang editoryal kung may dapat pahalagahan. May mga editoryal naman na ang pagkakasulat ay nanlilibang subalit taglay nito ang mahalagang opinyon. • Tatlong bahagi ng editoryal[baguhin | baguhin ang batayan] • Naglalaman ng tatlong bahagi ang balangkas ng editoryal: • Panimula, kung saan binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin. Kailangang ito'y maikli ngunit makatawag pansin. Naglalaman ang panimula ng paksa o isyu, suliranin o kalagayan na tatalakayin. Karaniwang ito'y batay sa balita o isang pangyayari. Maaaring gumamit ng alinman sa panimula: isang tanong, isang salawikain, pasalaysay na panimula, tuwirang sabi • Katawan, kung saan sumusuri, nagpapaliwanag o naglalahad ng paksa o isyu sa malinaw at payak na paraan. Nagbibigay ito ng tala, pangyayari, o halimbawa ng tumutulong sa layunin ng editoryal. Dito rin isinusulat ang pananaw ng awtor tungkol sa isyu na pinaguusapan. • Pangwakas, na maaaring maglagom o magbigay-diin sa diwang tinatalakay sa editoryal. Nagbibigay din ito ng konklusyon ng may-akda. • Mga uri ng editoryal • Pagsasalaysay. Ipinaliliwanag ang kahalagahan o kahulugan ng isang balita, kalagayan, o ideya. • Paglalahad. Ipinaaalam ang isang pangyayari na binibigyang-diin o linaw ang kahalagahan o ilang kalituhang bunga ng pangyayari. • Pangangatwiran Nagbibigay ng puna sa isang kalagayan, sa isang tao, o sa isang paraan ng pag-iisip. Naglalayong makuha ang paniniwala ng iba at makapagbunsod ng pagbabago. • Paglalarawan. Binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang nagawa, katangi-tanging gawain, o nagpaparangal sa isang taong namayapa na, na may nagawang pambihirang kabutihan. • Pagtutol. Dito ang may-akda ay nagbibigay ng kanyang panig at ipaglalaban niya ito upang makumbinsi ang mga nagbabasa. • Nagpapaaliw Nakakabigay ito ng ngiti at halakhak habang naglalahad ng katotohanan. • Espesyal na okasyon Ipinaliliwanag nito ang kahalagahan ng isang okasyon. • Nanghihikayat nagpapaliwanag ng kamalian o suliranin, sumusuri ng kalagayan, nag-mumungkahi ng isang solusyon at nanghihikayat ng pagbabago. • Katangian ng editoryal 1. Nanghihikayat 2. Maliwanag ang paglalahad 3. Makatarungan ang pangangatwiran 4. Maikli 5. Hindi nagpapahayag ng masamang salita, nangangaral o nagsesermon. 6. Nakikipag-usap lang ang tono