Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

FILIPINO

WEEK 12 DAY 1
Maglahad ng
tungkol sa iba’t ibang gulay na alam ninyo,
kinain ninyo, o nakita ninyo sa palengke, sa
ating bakuran, o sa ating komunidad.
Ang mga gulay na alam ko ay ang _______.
____, ___ at ____ ang mga gulay na kinakain
ko.
Nakita ko na ang mga gulay na _________.
Palawigin pa ang talakayan
ukol sa mga gulay na
binanggit ng mga mag-aaral
sa bahaginan at inilista
ninyo sa pisara.
Pangungusap 1: Si Manny Pacquiao ay isang sikat na
boksingero.
Posibleng sagot: kilalang-kilala, tanyag
Pangungusap 2: Walang makakaparis na boksingero sa dami
ng titulo at panalo ni Manny Pacquiao.
Posibleng sagot: bukod-tangi, nag-iisa sa mundo, mahirap
pantayan ang kagalingan
Pangungusap 3: Kay yabang niya! Akala mo kung sino,
nakakuha lang ng kaunting pera.
Posibleng sagot: mapagmalaki, masyadong bilib sa sarili, hambog
Pangungusap 4: Pinakakanta ng Lupang Hinirang si Elenita
dahil siya ang pinakamagaling sa pag-awit.
Posibleng sagot: pinakamahusay, nangunguna sa lahat
Matapos ang isang minuto, tumawag ng
isang bata para maglahad ng kaniyang
ideya tungkol sa kahulugan ng salita. Kung
kulang pa sa tatas ang pananalita ng mga
mag-aaral, maaaring dugtungan,
palawakin, o isuma ang kanilang sagot
upang maging klaro
sa buong klase ang kahulugan ng bawat
salita.
Sino pa ang ibang alam
ninyong personalidad na
sikat?”
Sumahin ang diskusyon. Balikang muli
ang listahan at magpatulong
sa mga mag-aaral sa pagbanggit ng
napagkasunduang kahulugan
para sa bawat salita.
Takda:
Kausapin ang isang kapamilya o kaibigan
at tanungin sila kung ano sa tingin nila ang
pinakamagaling na gulay at kung bakit nila
ito gusto. Isipin rin kung ano ang
pinakamagaling na gulay para sa inyo.
Maghandang ibahagi ito sa klase bukas.
Tumawag ng 2–3 mag-aaral (o higit pa
kung malaki ang klase) para
magbahagi tungkol sa kanilang
ginawang takdang-aralin.
Ayon sa aking ____
(tatay/nanay/kapatid), ang
pinakamagaling na gulay ay ang _____
dahil ___________.
Ipakita sa klase ang isang tunay na
repolyo. Ipasa ito sa mga mag-aaral at
hayaang hawakan at pagmasdan nila ito.
 
Pangganyak na Tanong
Sa kuwento natin ngayon, alamin natin:
Ano ang mga bagay na
ipinagmamalaki ng ating bidang gulay?
 
Gawin ang bahaging:
Habang Binabasa ang
Kuwento
Talakayin ang kuwentong binasa. Pumili mula sa
sumusunod na
tanong:
a. Paano ninyo ilalarawan ang ugali ni Binibining Repolyo?
b. Ano-ano ang mga ipinagyayabang ni Binibining Repolyo?
c. Totoo ba ang mga sinasabi niya tungkol sa kaniyang sarili
o opinyon lamang niya? Paano natin malalaman kung isang
katotohanan o isang opinyon lamang ang isang bagay?
Pagguhit ng larawan ukol sa
kwento
Ano ang natutunan nyo sa
kwento?
Magsagawa ng mabilisang pagpupulso sa
mga mag-aaral. Batay sa lakas ng kanilang
palakpak, (malakas na malakas kapag
lubusang sumasang-ayon, mahina ang
palakpak o walang palakpak kung di
sumasang-ayon) ipakikita nila ang
kanilang pagsang-ayon
FILIPINO
WEEK 12 DAY 3
Magbahagi ng kanilang
ideya tungkol sa mga halaman at kung
paano ito nakakatulong sa atin.
Maaari ninyong gamitin ang halimbawang
panimula na nakasulat sa
pisara.
Isang uri ng halaman ay ang _______.
Nakatutulong sa atin
ang _____ dahil ____________.
Upang magbigay ng dagdag na tulong sa
mga mag-aaral, magbigay
ng sarili ninyong paglalahad.
Halimbawa: “Isang uri ng halaman ay
ang mga halamang bulaklakin.
Nakatutulong sa atin ang bulaklak
dahil binibigyang kulay nito ang
kapaligiran.”
Gawin ang bahaging: Pagpapakilala
sa Konsepto Pangngalan
 
Gamitin ang kuwento bilang
springboard sa pagtalakay ng mga
pangngalan.
Sabihin ang sumusunod na pangngalan, pansinin kung
tama o
mali ang sagot ng mga mag-aaral, at isulat ang tamang
porma ng
bawat salita sa pisara: babae, aso, Mount Apo,
Chocolate Hills,
kapitan, Kapitan Tiago, simbahan, paaralan. Maaari rin
kayong
gumamit ng iba pang pangngalan na mas pamilyar o
mas angkop
para sa inyong lugar.
Ano ang pangngalan?
Magbigay ng ilang halimbawa
nito.
Lagyan ng tsek / kung ang salita ay
pangalan at ekis x kung hindi.
(1-5)
___1. Kap. Jun
___2. aso
___3. Ma’am Fely
___4. silya
___5. Cecilia
FILIPINO
WEEK 12 DAY 4
Pag-awit ng “Bahay Kubo”
 
Magbabahagi kung aling halaman na nabanggit sa
awitin ang kanilang paborito at bakit?
 
Ang paborito kong halaman mula sa kantang “Bahay
Kubo”
ay ang __________________. Paborito ko ang
_________
sapagkat ________________________.
Masasabi ba natin kung ang mga
pangalan sa kanang hanay ay mga babae
o mga lalaki? Paano masasabi
kung babae o lalaki ang isang karakter? Si
Binibining Repolyo ba ay
babae o lalaki?
• Tumawag ng ilang mag-aaral na nais
sumagot sa mga tanong.
Isa-isahin ang bawat pangalan at tanungin ang mga
mag-aaral
kung ang karakter ay babae o lalake at bakit.
Hintaying sabihin nila
na ang mga gulay na may pambabaeng unang
pangalan, tulad ng
Patricia at Luisa, ay mga babae. Ang mga karakter
naman na may
panlalaking unang pangalan ay mga lalaki. Isulat sa
talahanayan ang kasarian ng bawat karakter.
Ano ang kasarian ng
pangngalan?
Sabihin nang klaro ang sumusunod:
Ang mga pangngalang nanay, tiya, lola, at ate ay
pambabae. Tama o Mali?
Ang mga pangngalang Manny, Noynoy, at ginoo ay
panlalaki. Tama o
Mali?
Ang mga pangngalang pinsan at kapatid ay panlalaki rin.
Tama o Mali?
Maaaring bilangin ang mga salita sa pangungusap upang
malaman kung
mas mahaba ito o mas maikli kaysa sa iba pang
pangungusap. Tama o
Mali?
Isulat kung babae o lalaki ang
kasarian ng pangngalan.(1-5)
___1. nanay
___2. kuya
___3. ninong
___4. tiya
___5. sastre
FILIPINO
WEEK 12 DAY 5
Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang letra ng
awiting
“Bahay Kubo.” Sabihin sa mga mag-aaral na aawitin muli ng
buong klase ang kantang ito. Habang inaawit ang kanta,
bibilangin
ng lahat, gamit ang kanilang daliri, ang mga salita sa bawat
pangungusap ng “Bahay Kubo.” Tumigil panandalian sa pag-
awit
sa pagtatapos ng bawat pangungusap upang magkasundo
ang klase
sa bilang ng salita.
Gamitin ang mga salitang nakasulat sa manila
paper upang
patunayan na tama nga ang kanilang bilang.
Gamitin din ang
pagkakataong ito para ipamalas ang mga
espasyo sa pagitan ng mga
salita na naghihiwalay ng mga ito sa loob ng
isang pangungusap.
Basahin muli ang kuwento ni Binibining
Repolyo. Sa pagkakataong
ito, walang itatanong sa mga mag-aaral
bago magbasa o habang
nagbabasa. Magtatanong lamang ang
guro ukol sa kuwento
matapos ng pagbabasa.
Pagkabasa ng kuwento, tanungin ang sumusunod:
a. Dalawang beses na binansagan ni Binibining Repolyo ang sarili
niya bilang reyna. Ayon sa kanya, reyna ng ano si Binibining
Repolyo? (Sagot: Reyna ng Calcium, Reyna ng Luntian)
b. Ano-ano ang ibang mga gulay sa kuwento na sa paningin ni
Binibining Repolyo ay hindi makapapantay sa kaniya?
c. Kung isa ka sa mga gulay na minaliit ni Binibining Repolyo, ano
ang mararamdaman mo? Ano ang isasagot mo sa kaniya?
d. Ano ang nangyari kay Binibining Repolyo sa katapusan ng
kuwento?
e. Ano kaya ang mangyayari kay Binibining Repolyo kapag may
bumili na sa kaniya?
Gamitin sa sariling pangungusap ang salitang
(pipili ng isa
ang guro para sa bawat bata sa pangkat): sikat,
walang
makakaparis, kay yabang, pinakamagaling,
gisantes,
letsugas, luntian, pambabae, panlalaki.
Takda:
Tumulong sa pagluluto ng gulay at tanungin sa
nakatatanda kung
ano ang pangalan ng mga sangkap at kagamitang
panluto. Pansinin
din kung ano ang mga hakbang sa pagluluto ng
gulay. Maghandang
magbahagi tungkol dito sa susunod na linggo.

You might also like