gumising si Lola Ensang. Siya ay naupo sa kanyang paboritong silya na malapit sa may pinto na wari’y may hinihintay. Ang ngiti sa kanyang mukha ay kababakasan ng kasabikan. Nang mga sandaling iyon, dumating si Eunice at ang iba pa niyang mga apo. Agad na nagpakita ang mga ito ng paggalang at pagrespeto sa kanilang lola. Niyakap ni Lola Ensang ang kanyang mga apo at pinagmasdan din ang mga ito. Inilapit niya ng konti ang kanyang mga tenga sa kanyang mga apo na parang may gusto siyang marinig mula sa mga bibig nito. Pero wala ni isa sa mga ito ang nagsalita. Nakaramdam siya ng kalungkutan at siya’y napaluha. Nagbalik si Lola Ensang sa kanyang silid at pinilit na umidlip. Nasabi niya sa kanyang sarili na “Kaarawan ko ngayon”, wala man lang nakaalala. Gusto ko pa naman sanang makita ang aking nakababatang kapatid at ang iba ko pang mga kamag-anak habang nakikilala ko pa sila. Ako ay 89 na taong gulang na at ilang taon na lang ang ilalagi ko dito sa mundo. Ang kanyang kasabikan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ay napalitan ng pagkabigo at kalungkutan. Makailang sandali, may narinig siyang malakas na tinig “Ate, gising!” Nagulat si Lola Ensang nang makita niya ang nakababatang kapatid at ang iba pang kamag- anak nito. Nasorpresa din siya sa mga napakaraming pagkain na nasa mesa. Nakapalibot din sila sa tatlong layer ng chocolate cake. At ng siya ay tanungin kung ano ang kanyang kahilingan, sinabi niyang “Ang inyong pagdalo sa aking kaarawan ang siya kong ninanais at hinahangad”. Mababakas na ngayon sa mukha ni Lola Ensang ang kaligayahan. 1. Sino ang may kaarawan? 2. Ano ang naramdaman ni Lola Ensang ng araw na iyon? Bakit? 3. Ano ang kahilingan ni Lola Ensang sa kanyang kaarawan? 4. Ano ang sorpresang natanggap ni Lola Ensang? 5. Sa inyong palagay, bakit kaya sinor- presa si Lola Ensang ng kanyang pa- milya? Processing of the Activity Tanong: Anong okasyon ang nabanggit sa kuwento? Ano ang iba pang selebrasyon na ipinag- diriwang ng inyong pamilya? Ano ang iba pang activities ang isinasa- gawa sa inyong komunidad? Basahin ang sumusunod na salitang ginamit sa kuwentong “Isang Kahilingan”. Paghambingin ang mga salita sa hanay A at B. Sagutin ang mga tanong na kaugnay nito. A B kagalakan ngiti pagkagulat regalo kalungkutan luha kasigasigan handaan pagkasabik mag-anak Aling hanay ng mga salita ang ginagami-tan ng limang pandama? Anong uri ng pangngalan ito? Alin namang hanay ang hindi nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy? Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito? Magbigay ng iba pang halimbawa ng pangngalang kongkreto at di-kongkreto. Gawing gabay ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang iba pang halimbawa ng mga bagay na hindi natin maaaring makita, marinig, mahawakan, maamoy at ma- lasahan? 2. Ano ang tawag sa uri ng pangngalang ito? 3. Bakit ito tinawag na pangngalang di- kongkreto? 4. Ano ang pagkakaiba ng pangngalang kongkreto sa di-kongkreto? 5. Magbigay ng iba pang halimbawa ng pangngalang kongkreto. Sagutan ang “Gawain 2” sa pahina 45. Naibigay ba ninyo ang wastong sagot sa gawain na inyong ginawa? Ano ang nakatulong sa inyo para maku- ha ninyo ang tamang sagot? Paano nagkaiba ang pangngalang kongkreto sa pangngalang di-kongkreto? Tandaan: Ang kongkretong pangngalan ay tumutukoy sa salitang maaari nating madama samantalang ang di-kongkretong pangngalan ay tumutu- koy sa bagay na hindi nakikita, nariri- nig, nahahawakan, nalalasahan, o naaamoy. Pangkat 1: Can Form Ayusin ang mga “jumbled letters” upang mabuo ang salita na matatagpu- an sa kuwentong “Isang Kahilingan”. Isu-lat ang inyong sagot sa manila paper na may pamagat na “Mga Halimbawa ng Pangngalang Kongkreto”. 1. (lidsi-lugantu) 2. (andahan) 3. (kaanak-mag) 4. (keyk latsoteko na) 5. (poa mga) Pangkat 2: I Can Identify Kopyahin ang talata. Salungguhitan ang mga pangngalang kongkreto. Isang umaga, araw ng Sabado. Maagang gumising si Lola Ensang. Umupo siya sa kanyang paboritong upuan na malapit sa may pinto na parang may hinihintay na sinuman. Ang ngiti na mababakas mula sa kanyang mukha ay nagpapahiwatig ng isang mahalagang okasyon sa araw na ito. Pangkat 3: I Can Recall Alalahanin ang mga halimbawa ng limang pangngalang di- kongkreto na inyong nabasa sa kuwentong “Isang Kahilingan”. Isulat ang mga ito sa manila paper na may pamagat na “Mga Halimbawa ng Pangnga-lang Di- Pangkat 4: Know the Difference Kopyahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay kongkreto o di-kongkreto. ________ 1. Dapat nating matutunang mahalin ang ating _______ 2. Malakas ang kanyang pananalig sa Diyos. _______ 3. Ang pananalig ay kayang makapagpagalaw ng mga bundok. _______ 4. Kailangan pa nating maka- lap ng mga mahahala- gang impormasyon. _______ 5. Marami rin tayong matutu- nan sa pagbabasa. Processing of Group Output Pagkatapos ng bawat pangkat na makapag-presents ng kanilang mga gi- nawa, hayaang talakayin ng mga bata ang activities na kanilang ginawa gamit ang sumusunod na gabay na tanong. Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa tsart o sa chalkboard. Pangkat Ano ang Ano ang Ano ang pamagat ginawa ng inyong ng pangkat? natutunan kanilang sa acitivity? activity? Party Planning Best Date for Party Party Committees
Food Gifts Decoration s Thank you someone@example.com