buhay ng kinabukasan Tulang Naglalarawan ng Pilipinas Ni Pat V. Villafuerte Gramatika: Mga Salitang Naglalarawan ng mga Pangyayari, Tao o lugar PAGBASA NG “ELEHIYA PARA KAY RAM” ANO ANG ELEHIYA? Ito ay isang uri ng tula na nagbibigay parangal o pagpapahalaga sa mga yumaong mahal sa buhay. TULA • Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. • Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. • Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. ELEMENTO NG TULA • Sukat-Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isangsaknong • Saknong-Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa omaraming linya o taludtod • Tugma-Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig ng huling salitang bawat taludtod ay magkasing-tunog • Kariktan-Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upangmasiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan • Talinghaga-sang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula. Mga Uri ng Tula ayon sa Layon 1. Mapaglarawan - ang pagpapahalaga o pagkamuhi ng may-akda sa isang pangyayari o pook. 2. Mapagpanuto - nagpapayo sa pamamagitan ng taludtod. 3. Mapang-aliw - nagbibigay aliw at libang sa mga mambabasa. 4. Mapang-uroy - pangungutya o pagpuna ng mga kamalian ng isang bagay o tao, tulad ng pagkalulong sa isang masamang bagay. PAGSASANAY 1. Uri ng tula na tumutukoy sa pagbibigay pagpapahalaga sa mga yumao.__________________ 2. Elemento ng tula na tumutukoy sa grupo sa loob ng tula na may dalawa o maraming linya sa taludtod_____________ 3. Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa taludtod._________________ 4. Elemento ng tula na magkatunog ang hulihan ng salita 5. Ito ay nagtataglay ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan 6. Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahuluganng tula. 7. Nagpapayo sa pamamagitan ng taludtod. 8. Ang pagpapahalaga o pagkamuhi ng may-akda sa isang pangyayari o pook. 9. Nagbibigay aliw at libang sa mga mambabasa. 10.Pangungutya o pagpuna ng mga kamalian ng isang bagay o tao, Takdang-Aralin Maglista sa loob ng kahon ng mga ideyang maiuunay sa tulang naglalarawan ayon sa nabasang tula.