Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Ang Tesis na

Pahayag
• Ito ang nagbubuod sa kabuuang nilalaman
ng isang sulatin at nagbibigay ng ideya sa
mambabasa tungkol sa lawak ng pagtalakay
sa paksa.
• Para sa pananaliksik, inilalahad ng tesis na
pahayag ang posisyon ng mananaliksik
tungkol sa isang paksa at direksyong
patututunguhan ng kaniyang pagsulat.
•Isinasaad dito ang pananaw ng
may-akda sa pamamagitan ng
hindi bababa sa tatlong
impormasyon o patunay na
susuporta sa nasabing
pananaw.
Paano Binubuo ang Tesis na
Pahayag?
• Tukuyin ang pakas
• Mula sa paksa ay bumuo ng
pangunahing argumento na binubuo ng
pananaw at sinusuportahan ng mga
patunay. Siguruhing ito ay tiyak,
malinaw, at nagpapahiwatig ng “bakit”
at “paano” tungkol sa paksa.
•Bumuo ng
pansamantalang tesis na
pahayag.
•Maaaring rebisahin ang
pansamantalang tesis na
pahayg sa proseso ng
pangangalap ng datos
hanggang ganap nang makuha
ang pinakapunto ng
Halimbawa

Paksa: Pagpapatupad ng
Bangsamoro Basic Law
(BBL)
•May Bentaha at
desbentaha ang BBL
•San-ayon ang kabataang
Pilipino sa BBL.
•May epekto ang
implementasyon ng BBL.
TESIS NA PAHAYAG (MAARI)

• Hindi matutugunan ng BBL ang mga


suliranin sa Mindanao bagkus ay
magiging dahilan pa ito ng
pananamantala at pangungurakot ng
mga namumuno rito.
• Ang pagpapatupad ng BBL ang
sagot sa pagkakamit ng kapayapaan
sa ARMM dahil matutugunan nito
ang pagpupunyagi ng mga
mamamayang Bangsamoro para sa
kanilang karapatan sa sariling
pagpapasya (self-determination).
Ang Mapa ng Konsepto
• Ang mapa ng konsepto ay isang uri
ng graphic organizer na nagpapakita
ng ugnayan ng mga konsepto at
ideya sa pamamagitan ng mga susing
salita na karaniwang nasa loob ng
mga hugis.
• Gabay na tanong para makapagmapa ng
konsepto:
1. Ano ang pangunahing konsepto o ideya na dapat
ilagay sa sentro ng mapa?
2. Ano-anong suporta o sekundaryang konsepto,
salita, ideya, paksa, o tanong ang bubuo sa
sentrong ideya? Isulat ito bilang sangay at
palawakin pa sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
iba pang suportang ideya, konsepto, o tanong.

You might also like